Eye Test

Need glasses?

Tingnan mabuti ang picture na to sa ibaba:

Now scroll down…

*

*

*

If yes,

Pwes! Punta ka na agad sa  optometrist! 

Kili-kili  po yan! Kili-kili!

 

Have a nice weekend everyone!

Smart Hirit

Kasama na yata sa pang araw-araw na buhay natin ang makasalamuha ang mga taong – EPAL! Hindi ko rin maintindihan kung bakit may mga taong taklesa kung magtanong (o baka sensitibo lang ako sa paraan ng pagtatanong nila). Kaya minsan, hindi ko rin maiwasan ang mamilosopo sa pagsagot para naman makaganti o makabawi ng konti pag naaasar ako. Pero kadalasan naman dinadaan ko na rin sa pabiro ang pagsagot ko, ayoko naman masabihan na maldita. 😀

Ewan ko lang kung na-encounter na ninyo ang mga linyang ‘to. Eto ang madalas na mga tanong o mga sinasabi ng mga epaloids. (Ang mga sumusunod na hirit, pwede na kaya ‘tong tawagin na smart hirit?)

  • “O, Bakit wala ka pang boyfriend/asawa?”“Eh ba’t ikaw meron pa rin? Tsk tsk! (kunyari naaawa ka sa kanya)”
  • “Hah? Bakit kayo nag break ng bf mo?” “May na-meet syang guy, ayun nagka-inlaban sila!”
  • “Ba’t sya? Wala ka na bang mapiling iba?” — “Yup, eh sawa na ako sa mga crush ng bayan at heartthrobs na mga naging bf ko noon eh.”
  • “Lagi na lang kayo magkasama. Alam mo, nagiging magkamukha na kayo.”“Ganun talaga, gorgeous and fabulous birds of the same feather flock together.”
  • “Alam mo, kamukha mo si (insert name here of some so-unattractive person)“Oo nga, eh, buti na lang ako yung new and improved version.”
  • Alam mo, papayat/pataba/paputi/paitim ka nga!” “Tara! Sabay tayo!”
  • “Uy! Di kita nakilala. Anong nangyari sa yo?!” “Eto…gumanda lang naman.” o kaya ” Do I know you?”
  • “Uy! Loko lang! Ang sensitive mo naman (pagkatapos ka biruin ng same topic for the 100th time)“Ok lang. Nakakarami ka na nga eh. Gusto mo bigwasan kita?”
  • “Ma’am bili na kayo. May double XL po kami.”“Talaga? Buti merong size mo.”
  • “Ano na naman yan? Nag shopping ka na naman?” — “Hindi a! Shoplifted lahat ‘to!”
  • “Miss, ano? Bibili ba kayo?” “Bakit? Naiinip ka na?”
  • “Uy! Ang ganda ng damit mo, pero bakit parang kulang ka talaga sa butt/boobs.”“Thanks, hirap kasi to have a model’s body, eh.”