Artistang Hindi Ko Feel

Narinig ko minsan sa morning radio show ni Mo Twister, tinatanong nila sa mga listeners kung sino pinaka-hate nilang artista for no reason at all. Yung tipong basta makita mo lang sya, maiinis ka na. Parang gusto ko tumawag at sumabat. Gusto ko sabihin na may kinaiinisan din ako – pero may dahilan naman ako.

Hate ko si:

Valerie Concepcion 1. Valerie Concepcion -  Kairita boses nya!  Ang tinis! Parang boses-kiki! Sakit sa tenga at hindi ko na halos maintindihan ang sinasabi nya dahil parang laging sumisigaw pag nagsasalita.  Pag naririnig ko boses nya sa TV…nahahayblad ako at parang gusto ko syang batuhin ng remote control.

angelica panganiban2. Angelica Panganiban –  I like this girl, maganda at magaling umarte. Pero hinding-hindi yung panggagaya nya sa boses ni Kris Aquino. Napanood nyo ba yung pag i-spoof nya sa Banana Split? Ang OA! Tumatayo tutsang ko sa inis. Pucha, at nagka-TV commercial pa sya ng Del Monte product dahil diyan sa spoof nya ha?  Lab ko pa naman ang mga produkto ng Del Monte. Para akong rereglahin pag napapanood  ko yun as in!

starstruck 3. Stars of GMA-7 – Pasensya na sa mga Kapuso, pero wiz ko talaga feel ang mga stars nila sa simpleng dahilan na hindi ko sila kilala. Kokonti lang din naman kasi sikat sa kanila. Mabibilang mo lang yung may mga pangalan na. Hehehe! Tuwing napupunta ang channel ng TV namin sa GMA-7, lagi na lang tanong ko…”sinetch na naman yan?”

Kayo, sinong  artista ang hindi nyo feel?