Nakakahiya Kayo!

Hello Philippines! Hello World!

Waaaa! Napuyat ang beautyness ko sa kapapanood ng hostage crisis kagabi. Well, kalunos-lunos naman po talaga ang nangyari. Kahit nakahiga na ako hindi pa rin  nawala ang pangingilabot ng bodylicious ko sa mga napanood ko.

NAKAKAHIYA! NAKAKAHIYA! NAKAKAHIYA! — Yan ang masasabi ko kung tatanungin ako tungkol sa pag handle at judgment call ng mga awtoridad sa hostage-taking na yun kagabi. Talaga naman nakakahiya ang kapalpakan nila!

Umaga pa lang kahapon, nasilip ko na ang balita na yun sa TV… isip ko pa nga, ”ay ang boring!”.  May pasulat-sulat pa ng “lovenotes “ (demand) at may padikit-dikit pa sa windshield nung bus ng mga “lovenotes”. Nagpa-deliver at nagkainan pa ng Jollibee ang mga hostages sa loob ng bus, nagbigay pa ng  refill ng gasolina , etc. etc.

Akala ko nga, matatapos din yun ng mapayapa kasi nagre-release naman ng mga hostages kahit paisa-isa. Kumabaga sa pelikula, masyadong dragging ang mga eksena.

Unexpectedly, uy! may climax pala!  At syet,  kahindik-hindik pa ang pagtatapos!

Pero teka, wag na tayo mag anu-ano pa, umpisahan muna natin o tumbukin na natin – ano ba talaga ang problema ni Capt. Rolando Mendoza at nagawa nya ang pangho-hostage? Ano ba ang tanging hinihiling nya?

Sus, mariano garapon! Ang tanging hiling lang pala – IBALIK SYA TRABAHO!

Pucha! Yun lang naman pala! Ano ba ang mahirap dun? Kingina! Kung ako negotiator nun (naks!) bukod sa ipapangako ko  sa hostage-taker  ang katawan ko na  ibabalik ko agad sya sa trabaho, eh baka pangakuan ko pa na dadagdagan ko sya ng dalawa o tatlong trabaho pa! Hehe!  I swear, matutupad ang hiling nya basta itigil lang nya ang kaungasan na pinag-gagawa nya. O di ba, kesa naman malagay sa panganib ang buhay ng mahigit sampu na mga hostages! Mga porener at turista  pa naman!

Napaka-sisiw ng hinihiling ng  “hostager” (may term ba na hostager? nyahaha!) – ang pakinggan lang naman sya hinaing nya at ibalik sa serbisyo dahil sa hindi DAW makatarungan na pagka-sisante nya sa serbisyo. Pero wag ka, inabot maghapon ang mga lintek na awtoridad para desisyunan ang isang napakagaan na hiling!

Kaya, NAKAKAHIYAAAAAAA! Kung anu anong ek-ek pa ang ginawa ng mga pulis-patola maynila. Inaresto pa yung kapatid kesyo ganito ganun. Ayaaaaan! Napanood ng pobre at desperadong hostage taker! So ano ang ending at napala ng Pilipinas?

KAHIHIYAN!

P.S.

Kasama sa mga sinisisi ko ay ang mga – MEDIA!

6 thoughts on “Nakakahiya Kayo!

  1. tangina talaga gurl! ayuf! it’s a worldwide spectacle of shame shame shameful bobocops!!! live on “THE BUS”!!! leche! ayuf! grrr! ~!@#$%^&*

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Manay, kalma ka lang…malas tayo pagdating sa kapulisan natin.

    SWAT? S-obrang W-ala A-kong T-raining!

    Hindi ba nila napanood yung movie na SPEED?

    Sayang lang talaga pinapa-sweldo sa kanila ng sambayan.

    [Reply]

  2. An indelible stain, to every facet of the country’s governance, is not it? Another wound, a wound that will leave deep scar to the whole nation with its people. This could have been decided earlier at the highest level to prioritize the safety of the hostages especially it has link to international diplomatic relations. It has been PASSIVE.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Sad day to all pinoys, indeed.

    The assault team was very ineffective. Mabuti pa nga raw ang Akyat-Bahay Gang kumpleto pa sa gamit! Haysss…Really funny!

    [Reply]

  3. me tama po kayo talaga pero dagdag ko po na nakakatawa pala ang mga awtoridad kase bading po ba yung pulis na me hawak ng maso? ang lamya eh tas baket po binato nya yung isang tear gas ng dalawang beses sabay karipas ng takbo? ang acronim po ba ng swat ay Sori Wala Akong Tulog o Special Weapon, Alang Tactics??? crush na po kita mamaru kase ang sexy mu pala, me nagalit po sakin..hehe, napadaan lang po ulet pero hindi napo suka ang nabili ko kina aling maria, beer napo kahit kabilinbilinan ng lola na mag softdrinks muna ako..

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Olland dear, kakatawa talaga at may maso pa! Unang binasag ang bintana pero wala naman silang hagdan! (Talo pa sila ng Martilyo Gang) Nagbato ng tear gas pero wala naman silang gas mask! Kaya karipas ng takbo! Tinalian ang pintuan ng lubid ang pintuan para sana buksan, pero pick-up ang hihila! Haynaku! Naging comedy talaga ang dating!
    Ows? Crush mo ko? Sige na nga, I crush you na rin (landi mode). Sa susunod na daan mo, ipagluluto na kita ng pulutan. Lol!

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *