Wag Magtipid Sa Pag-Ibig

Like ko ‘to, galing sa Twitter ko:

8-26-2010 12-39-06 PM  8-26-2010 12-36-59 PM  8-26-2010 12-35-23 PM

Palaisipan di ba? Punong-puno ng aral. Choos!

Wag talaga magtipid kasehodang tumambling ka sa sakit pag pumalpak o nagkamali ka sa pagmamahal mo. Ibabangon ka naman tiyak ng panahon para maging MAS kaibig-ibig pa ang pagkatao mo.

Kebs naman kung sumemplang ka dahil sa pag-ibig. Ang importante ay umibig ka ng bonggang-bongga at hindi mo tinipid ang sarili mo sa pagmamahal, sa isip, sa salita at sa gawa.

Di nga, wag matakot na masaktan ng dahil sa lecheng pag-ibig. Kung nagmahal ka at hindi ka nasaktan, isa lang ang ibig sabihin nyan – hindi ka talaga tunay na nagmahal.

Amen?

Kodakan Mo Ko

Naumay na ako sa mga laman ng balita sa radio, TV at kahit sa online news. Nagtuturuan at nagsisihan na ngayon  dahil sa hostage-taking na nangyari nung Lunes.  Kagabi lang eh may opisyal na ng pulis  – gumulong ang ulo at nasibak sa pwesto. Naglabasan na rin yung mga nagmamarunong na mga congressmen at senators! Pwe! Nakakaumay na!

Kaya welga muna ako ngayon, hindi na muna ako nakinig at nanood ng balita. Pagka-gising ko kasi sa umaga, binubuksan ko na agad ang TV at pag nasa harap na ng ‘pyuter, nakikinig din ako sa online radio.

Kanina, deretso  alila mode na agad ako. Inasikaso ko muna ang pagiging dakilang lungkatots ko. Luto ng almusal, ligpit, linis, punas, walis at salang ng damit sa washing machine as usual. Nang magising ang amo kung babae, eh nag-Kitkat muna ako. Take a break bagah.

Sabi ko sa unica hija kong bagets,  “kodakan mo nga ako at nasa mood ako ngayon mag pose. Gusto ko yung tipong stolen shots ha?”. Well, natupad at successful naman ang mga request kong stolen shots. Obyus ba na nakatingin ako sa camera? Haha!

Kever naman kung walang suklay at hilamos si Mamaru.  Ang importante nakapag-pakodak ako kahit ang aga-aga. Simple joys ‘ika nga. Walang basagan ng trip! Ini-execute ko lang naman ang kababawan ng kaligayahan ko. (Nag-explain ba!)  Howel, at least nag-pose ako at hindi yung bus sa Quirino grandstand ang background ko.

Sayang at nakalimutan ko isuot ang uniform kong apron.

Good Thursday everyone!

music note While writing this, I was listening to “Water And Bridges” by Dashboard Confessional.