Like ko ‘to, galing sa Twitter ko:
Palaisipan di ba? Punong-puno ng aral. Choos!
Wag talaga magtipid kasehodang tumambling ka sa sakit pag pumalpak o nagkamali ka sa pagmamahal mo. Ibabangon ka naman tiyak ng panahon para maging MAS kaibig-ibig pa ang pagkatao mo.
Kebs naman kung sumemplang ka dahil sa pag-ibig. Ang importante ay umibig ka ng bonggang-bongga at hindi mo tinipid ang sarili mo sa pagmamahal, sa isip, sa salita at sa gawa.
Di nga, wag matakot na masaktan ng dahil sa lecheng pag-ibig. Kung nagmahal ka at hindi ka nasaktan, isa lang ang ibig sabihin nyan – hindi ka talaga tunay na nagmahal.
Amen?





massage therapist aq at curios ako ventosa sinusugatan b yun. 09072640076 greenfortune@ymail.com
[Reply]