A male friend of mine recently cancelled his gym membership from a very popular fitness center. He figured that he is not using the gym often enough to justify paying for the membership. What he thinks now is that maybe he will just train at home instead and start-buying (one at a time) his own workout machines like pull up bars for his home gym. Well, my friend if you are reading this, good luck to you and hope to see your killer abdominal muscles soon.
Archive for 16 August, 2010
Home Gym
Save Time And Money
If planning to get a cheap insurance, whether medical, life or car insurance, the best place to start looking for a quote today would be in line. Many companies now offer opportunities for you to get a quote in minutes. If you do it through the internet, you are not only saving your time, but you save yourself a lot of money as well. Instead of calling through phone inquiring insurance rates, better go online where all you have to do is to fill up information only once and come back with a number of different quotes from different companies to compare.
Math
During my schooling years, math is the least favorite subject of mine. I hate math! No matter how much I try to like it, I just can’t because it bores me to death. I can still remember, I beg my girlfriends to come to our house, I always end up seeking homework help from them who excel more in solving math problems.
We often hear that girls are worse at mathematics. Of course that is not true and it’s not always the case. I believe girls can do just as well at math as boys if they are given the same opportunities and encouragement.
Anyway, if you need Algebra help or looking for serious online tutoring for your kids who are not performing well in their math lesson, check out this site.
SMS Jokes 116
Ano difference ng chicken sa chicks? Ang chicken ME pakpak, ang chicks ME pekpek!
ANO difference ng pakpak sa pekpek? Ang pakpak pag buka lipad bird ang pekpek pagbuka dapo bird!
oOo
CHICK: “Tang, ayos ka na ba? Kung ilan beses mo nang ipinapasok ,ayaw pang lumabas, huwag mo ng pilitin. Kung d pwede, di pwede talaga. Bilisan n’yo at marami pang nakapila!”
TATANG: “Pasensya na, wala talagang kwenta pag matanda ka na. Nakalimutan ko number ng ATM Card ko.”
Hmmm…and what are u thinking?
oOo
Kapag SPAGHETTI ang nasa mesa..
ITALIAN: Pasta succulente! Italy’s pride!
KANO: It’s dinner time!
PINOY: Wow! Sinong may bertday?
Eye Test
Need glasses?
Tingnan mabuti ang picture na ‘to sa ibaba:
Now scroll down…
*
*
*
If yes,
Pwes! Punta ka na agad sa optometrist!
Kili-kili po yan! Kili-kili!
Have a nice weekend everyone! 
Smart Hirit
Kasama na yata sa pang araw-araw na buhay natin ang makasalamuha ang mga taong – EPAL! Hindi ko rin maintindihan kung bakit may mga taong taklesa kung magtanong (o baka sensitibo lang ako sa paraan ng pagtatanong nila). Kaya minsan, hindi ko rin maiwasan ang mamilosopo sa pagsagot para naman makaganti o makabawi ng konti pag naaasar ako. Pero kadalasan naman dinadaan ko na rin sa pabiro ang pagsagot ko, ayoko naman masabihan na maldita.
Ewan ko lang kung na-encounter na ninyo ang mga linyang ‘to. Eto ang madalas na mga tanong o mga sinasabi ng mga epaloids. (Ang mga sumusunod na hirit, pwede na kaya ‘tong tawagin na smart hirit?)
- “O, Bakit wala ka pang boyfriend/asawa?” — “Eh ba’t ikaw meron pa rin? Tsk tsk! (kunyari naaawa ka sa kanya)”
- “Hah? Bakit kayo nag break ng bf mo?” – “May na-meet syang guy, ayun nagka-inlaban sila!”
- “Ba’t sya? Wala ka na bang mapiling iba?” — “Yup, eh sawa na ako sa mga crush ng bayan at heartthrobs na mga naging bf ko noon eh.”
- “Lagi na lang kayo magkasama. Alam mo, nagiging magkamukha na kayo.” — “Ganun talaga, gorgeous and fabulous birds of the same feather flock together.”
- “Alam mo, kamukha mo si (insert name here of some so-unattractive person)” – “Oo nga, eh, buti na lang ako yung new and improved version.”
- Alam mo, papayat/pataba/paputi/paitim ka nga!” – “Tara! Sabay tayo!”
- “Uy! Di kita nakilala. Anong nangyari sa yo?!” – “Eto…gumanda lang naman.” o kaya ” Do I know you?”
- “Uy! Loko lang! Ang sensitive mo naman (pagkatapos ka biruin ng same topic for the 100th time)“ — “Ok lang. Nakakarami ka na nga eh. Gusto mo bigwasan kita?”
- “Ma’am bili na kayo. May double XL po kami.” — “Talaga? Buti merong size mo.”
- “Ano na naman yan? Nag shopping ka na naman?” – “Hindi a! Shoplifted lahat ‘to!”
- “Miss, ano? Bibili ba kayo?” – “Bakit? Naiinip ka na?”
- “Uy! Ang ganda ng damit mo, pero bakit parang kulang ka talaga sa butt/boobs.” — “Thanks, hirap kasi to have a model’s body, eh.”
Hayop Na Trivia
Knows nyo ba?
- Alam nyo ba na ang balat ng hippopotamus ay 1 1/2 inches ang kapal at ito ay bulletproof.
- Alam nyo ba na gamit ang dila ay nililinis ng giraffe ang kanilang tenga.
- Alam nyo ba na sa isang itlugan ang babaing mackerel ay nangingitlog ng mahigit sa 500,000.
- Alam nyo ba na kapag na-upset ang mga hippos ay nagiging pula ang kanilang pawis.
- Alam nyo ba na nakikilala ng chimpanzee ang kanilang sarili sa salamin, ngunit ang mga unggoy ay hindi.
- Alam nyo ba na hindi nagkakasakit ang mga pating.
- Alam nyo ba na kailangan ng minimum temperature na 66 degress Fahrenheit ng tipaklong para sila makatalon.
- Alam nyo ba na ang tiyan ng isang hippopotamus ay 10 feet ang haba.
- Alam nyo ba na noong 1350BC ang mga Egyptians ay gumagamit na ng condom. Gawa sila sa animal bladder at bituka ng hayup.
- Alam nyo ba na 75% ng wild birds ay namamatay bago umabot ng anim na buwan.
- Alam nyo ba na ang mga pating ay immune sa lahat ng uri ng sakit.
- Alam nyo ba na ang bluefin tuna ay nakakalangoy ng 50 milya bawat oras.
- Alam nyo ba ang ang red kangaroo ng Austria ay nakatalon ng 27 feet sa isang talunan.
- Alam nyo ba na ang mga insekto ay nanginginig din kapag giniginaw.
- Alam nyo ba na ang mga pusa, hindi ang mga aso ang most common pets sa America.
- Alam nyo ba na noong 1816 ay ginamit na ang mga police dogs sa Scotland.
- Alam nyo ba na ang mga hayop ay pwedeng right-handed o left-handed. At ang polar bears ay left-handed.
- Alam nyo ba na ang woodpecker ay 20 ulit tumutuka sa loob lamang ng isang segundo.
- Alam nyo ba na ang isda at mga insekto ay walang eyelids.
SMS Jokes 115
A doctor was examining his patient from the Mental Hospital.
Doctor: Kung ikaw ay palabasin ngayon, ano ang gagawin mo?
Patient: Dok, titiradorin ko po ang buwan!
Doctor:Ikaw ay hindi pa pwedeng palabasin. E-examinin kita ulit pagkatapos ng anim ba buwan. Pagkalipas ng anim na buwan….
Doctor:Kung palalabasin ka ngayon, ano ang iyong gagawin?
Patient: Doktor, ako po ay magaling na! Pagkalabas ko po ng ospital, ako po ay hahanap ng trabaho upang mamuhay ng maayos.
Doctor: Good! Pag nakahanap ka na ng trabaho, ano ang iyong gagawin?
Patient: Doktor, ako po ay manliligaw ng isang mabait, masipag at magandang babaeng pwede kong makapiling na pang habang buhay.
Doctor: (Gulat ang Doktor! Mukhang matino na ang kaniyang pasyente!) Pagkatapos niyong makasal, ano ang iyong gagawin?
Patient:Aba, Doktor, kami po ay mag-hahanimun!
Doctor: (Tanong ulit ng bilib na doktor) Ano ang iyong gagawin sa inyong hanimun?
Patient: Doktor, huhubarin ko po ang blusa at palda ng aking bagong asawa.
Doctor: Pagkatapos…?
Patient: Pagkatapos, huhubarin ko ang kaniyang bra at panty.
Doctor: Pagkatapos…?
Patient: Pagkatapos… kukunin ko lahat ng lastiko sa bra at panty at titiradorin ko ang buwan!
oOo
Nurse and the patient from mental hospital…
Nurse: Ano yang ginagawa mo??
Patient(baliw): Nagtatanim…
Nurse: Anu yang tinatanim mo.. Eh wla ka namang mga seed..
Patient(baliw): SEEDLESS NGA ‘TO! Adik ka ba?!
Paano Ba Maging Mabuting Ina?
Mga 5 years ago, naalala ko may lalaking nagtanong sa akin sa chatroom.
“Mamaru, paano ko ba malalaman kung yung babae ay magiging mabuting ina in the future? Eh kasi inlab talaga ako at malay mo magkatuluyan kami ng gerlpren ko ngayon.
“
Susme! Ako pa ang tinanong na isa’t kalahating lukaret pag kinakausap. Naalala ko, sinagot ko ang tanong nya ng walang kwentang tanong din na may kasamang pang-aasar. “Tapatin mo ko, ano ba talaga hanap mo? Gerlpren o Nanay? Bah! At asa ka pang pakakasalan ka ha!!”
Wala akong matinong maisagot noon. Trulili lang, kahit na nanay na ako eh hindi ko pa rin alam kung paano ba talaga ang maging isang mabuting ina. Ang alam ko lang ay isa akong maganda, kahali-halina, kanasa-nasa at katange-tangeng ina. Choos!
Tsaka mahirap sagutin ang ganung tanong dahil hindi naman ibig sabihin na kung ok kayo ng girlfriend na ka-relasyon mo ngayon, it will follow na magiging ok din syang asawa o ina in the future. Baka nga sexy, matalino at adventurous ang syota mo ngayon at magkasundong-magkasundo kayo. Kaso hindi naman yan lang ang kelangan na mga katangian para maging mabuting ina. Siempre kelangan hanapin mo rin yung mapagkalinga, maaasahan, praktikal, at mapagmahal na babae para maging nanay ng mga tsikiting mo.
Sa ngayon, meron na akong pwedeng i-share (lalo na sa mga single male readers ko) na mga palantandaan. Teka baliktarin ko, mga palatandaan o SIGN na baka HINDI maging mabuting ina ang syota mo in da future. Oist teka! Liliwanagin ko, pananaw ko lang ‘to ha?
HINDI magiging mabuting ina ang babae kung:
-
AYAW NG ANAK – Kelangan pa bang i-memorize yan? It’s no-brainer, eh ayaw ng anak, natural ayaw maging ina. Pag sinabi ng syota mo na ayaw nya ng anak, paniwalaan mo! Huwag mong pilitin at isipin na sige lang at baka lumabas yung maternal instinct nya pag kasal na kayo at nagka-baby na. Haleer! Hindi laging ganun yun, mga kuya! Pag allergic sa bata o baby ang syota mo, aasa ka pa bang magiging mabuting ina sya?
-
GIMIKERA – Pag ang syota mo ay sosyalera, party animal, laman lagi ng mga bar, napapraning pag hindi nakakagimik pag weekend at nabo-bore pag nasa bahay lang – maalarma ka na! Walang masama sa pag-gimik. Pero ang matinong girlfriend dapat marunong makipag-kompromiso na kelangan rendahan nya ang sarili sa nakakasanayang madalas at sobrang sosyalan. If your gf won’t compromise sa ngayon pa lang, sa tingin mo ba makikipagkompromiso sya pag mag-asawa na kayo at may beybi na? Baka katakot-takot na away lang ang mangyari sa inyo.
-
MAKASARILI – Sabi nga nila ( sabi ko na rin), ang isang mabuting magulang, uunahin at uunahin lagi ang kapakanan ng anak o pamilya sa anumang pagkakataon. Kung ang syota mo ay may ipinapakitang ugali na puro sarili lang nya ang inuuna at inaatupag, spoiled brat at childish, may chances na pag nagkatuluyan kayo…magiging kaawa-awa lang ang anak ninyo. Susme! Pag self-centered si partner mo, baka pagselosan pa nya mismo ang sariling anak nya bilang kaagaw sa pagmamahal at atensyon mo.
-
MAY BISYO - Kelangan ng mga lalaki ang nanay ng anak nila ay isang responsable. Pero paano magiging responsable ang isang ina kung may bisyong kinahuhumalingan? May mga babae talaga na tipong self-destructive. Yun bang kaskasera kung mag-drive ng sasakyan, sugarol, adik sa droga o kaya lasengga. Natural ayaw mo na kamulatan ng mga junakis mo ang ganung mga senaryo and worse, malamang maipasa pa nga sa kanila ang ganung masamang bisyo. Nakakatakot di ba?
-
WALANG PASENSYA – Walang karapatan maging nanay ang babaeng walang pasensya. Sa mga readers na kapwa ko nanay, I am sure agree kayo sa akin na lahat ng mga bata ay KSP. Gusto nila yung atensyon at pagmamahal mo sa kanila ay constant. Most of the time, kids are unreasonable and they don’t listen. Para maintindihan ka nila, kelangan paulit-ulit mo silang pagsasabihan. Josko! Andun pang mga sumpungin ang mga linsyak, di ba? Susubukan talaga nila kung hanggang saan ang pasensya mo sa kakulitan at pagiging pasaway nila. Kaya kung ang babae ay walang pasensya, haysus! kalimutan mo na lang mag-anak.
-
BAYOLENTE – Take note, mga ‘pre. Eto na ang PINAKA! Pag ang syota mo ay nanakit tuwing may away kayo o kaya sabihin na natin na bayolente pag bad trip sya – ay naku! hiwalayan mo na! Wag ka na mag anu-ano pa diyan, iwan mo na! Kasi ang ganyang arte ng syota mo, palatandaan na hindi pwede maging nanay ng mga anak mo. Tandaan mo, responsibilidad ng magulang ang i-provide ng safe environment ang mga junakis nila habang lumalaki. Gugustuhin mo bang mai-expose sa pisikal at mental abuse ang mga anak mo mismo sa loob ng bahay nyo habang lumalaki?
Quote of the day:
Simply having children does not make mothers. ~John A. Shedd
oOo
Senti Mode
Nag-aayos ako ng mga files sa external hard drive ko. Susmio! Ang gulo! Dami ko na pala mga pics na naimbak lalo na dun sa naging trip namin last year ng mga kapatid ko sa Yuropa. Kesa naman na pahinugin na lang sa HD ko ang mga pics o kaya i-delete… napagpasiyahan kong i-upload ang iba sa Flickr account ko.
Habang nag-aayos, hindi ko maiwasan ang mag senti-mode, na-miss ko ang mga lugar na napuntahan namin. Maalala ko pa, nagliligawan pa lang kami noon ni Kups habang nasa biyahe ako. Lol!
Eto ang isa sa mga naging paborito ko…ang dream city ko – Paris, France. Manghang-mangha lang naman ako sa Eiffel Tower. Siempre nakanganga ako habang tinitingnan ko ng nakatingala ang tower. Hindi ko akalain na makikita ko ang pinapangarap na lugar. Wala akong masabi sa mga architectural structures ng siyudad. Super enjoy ako sa trip namin na ‘to kahit lahat kami nangangatog sa sobrang lamig. Hindi namin alintana ang ulan nung araw na yun. Nakakapagod pero sulit na sulit naman.
Baka gusto nyo silipin ang ibang street scenes ng Paris na nakunan ko, tsek nyo DITO.












