Bugtong Bugtong!

  • “Wag kang magrereklamong pinaiyak kita dahil nauna mo kong sinaktan.” – [SIBUYAS ]
  • “Tama na sa kakatitig sa akin! Baka matunaw ako! Alam kong gorgeous ako at may pagtingin ka sa akin!” – [ PICTURE KO ]
  • “Hindi lahat ng magaling kumanta, singer.” – [ POLICE INFORMER ]
  • “Ganito na lang ba ang role ko sa buhay? Kailangan mo lang ako pag nag-iinit ang katawan mo?!” – [THERMOMETER ]
  • “Bakit ba kayo nagagalit kapag hindi ako nilalabasan?!“  – [ BALLPEN ]
  • “Hindi lang likas papaya ang kayang magpaputi.” – [ AN-AN ]
  • “I mishu!”[ NGONGO (nakakita ng piso) ]
  • “Ayoko na! Pag nagmamahal ako, lagi na lang maraming tao ang nagagalit! Wala ba akong karapatang magmahal?!”- [ GASOLINA ]
  • “Oo na, maganda na ang kutis mo! Ikaw kaya dito sa pwesto ko. Tingnan ko lang kung hindi ka maging kulubot! Hmp!” – [ BETLOG ]
  • Nakakalungkot isipin na may mga tao talagang nang-iiwan sa ere...” – [ SARANGGOLA ]
  • Hindi lahat ng nagbabato ay adik!” – [ DARNA ]
  • “You never know what you have until you lose it. And once you lose it, you can never get it back.” – [ SNATCHER ]
  • Grabe?! Biruin mo… P15,000 daw hot oil lang! P150,000 ang rebonding! Sobra naman yang David’s Salon na yan?! – [ RAPUNZEL ]
  • “Nandito ako sa harap ng bahay ninyo.” -  GATE ]
  • “Kahit ilang yosi ang sindihan ko, hindi ako magkaka-cancer! Bwahaha!” – [ LIGHTER ]
  • “Pilitin mo man na alisin ako sa buhay mo, babalik at babalik ako!” – [LIBAG ]
  • “Hindi ko hinahangad na ipagmalaki mo na ako’y sa iyo. Ayoko lang naman na sa harap ng maraming tao, ganun mo na lang ako itanggi!” – [ UTOT ]
  • “Handa akong ibigay ang init ng katawan na ninanais mo at sisiguraduhin ko na hindi ka makakatulog.” – [KAPE ]
  • “Kapag ang katawan mo’y nag-iinit, lagi na lang ako ang hinahanap mo. Maya’t maya mo akong ginagamit at pinapagod. Hindi ka na naawa!” – [ AIRCON ]
  • “Nakaka-sawa na! Lagi na lang akong sinusubo, dinidilaan, pinapatigas tapos ipinapasok!” – [SINULID ]
  • Pagod na akong humawak ng balls mo! Pagod na rin ako sa pagbihis-hubad mo sa akin. Pagkatapos, ano? Isasantabi mo lang ulit ako? Ayoko na!” -[CHRISTMAS TREE ]
  • “Wag ka nang magmatigas! Ako din ang nahihirapan.” – [ BRIEF ]
  • Sawang-sawa na ako, palagi na lang akong pinagpapasa-pasahan, pagod na pagod na ako.” – [BOLA ]
  • “Kung walang nagte-text sayo, andito naman ako. I-text mo lang ako at Segundo lang, magre-reply na ko.” -[ACCOUNT BALANCE, 222 ]
  • “Napaka-saklap ng aking buhay! Ako na nga ang tinapakan, ako pa ang pinandidirihan…” – [TAE ]
  • “Alam kong sa tingin mo, masaya ako! Pero bakit kayo ganyan?! Sa tuwing wala na kayong masabi, ako na lang ang ginagamit nyo! Pagod na pagod ako sa pag-ngiti!”
  • Hindi lahat ng may sayad, baliw!” -[GULONG ]
  • “Hindi lahat ng malakas, super hero!” -[PUTOK ]
  • “Halika, bigyan mo pa ako ng init. Kailangan kong pumutok para ako’y iyong matikman at ika’y masarapan. Ayan na! Puputok na! Humanda ka!” – [ POPCORN ]
  • “Hindi lahat ng negative nakakalungkot.” – [ PREGNANCY TEST ]
  • No matter how strong we HOLD ON, still there comes a time that suddenly WE FALL.” – [ BUTIKI (Nag-e-emote!) ]
  • “Panakip butas mo lang pala ako!” – [PANTY ]
  • Bakit ba pati ako, binibigyan nyo ng malisya? Ano ba ang kasalanan ko?!” – [TALONG ]
  • Sige, magtiyaga ka lang! Makukuha mo rin ako!” – [KULANGOT ]
  • Babala!” – [KAPATID NI BABALU! ]
  • It doesn’t matter how slow you go, as long as you keep going.” – [PAGONG ]
  • Bakit mo ko binibitin, kung kelan kainitan at basan-basa ako...” – [SINAMPAY ]
  • Hindi lahat ng nilalawayan, batang nausog.” – [SOBRE ]
  • I’m a beautiful brown butterfly!” – [BAKLANG IPIS ]
  • Tuwing aalis ka, lagi mo akong sinasama. Pagbalik mo ng bahay, ako din ang unang hinahanap mo. Pero pag nasa loob na tayo ng bahay, hindi mo na ako pinapansin.” -[HOUSE KEY ]
  • “Ang sarap haplusin ng buo mong katawan… at dumampi sa parteng ako lang ang nakagagawa. Masarap, di ba? Pero bandang huli, iiwan mo lang ako sa isang tabi…” - [TUWALYA ]
  • “Kahit papano, gusto ko din ng exposure!” -[SINGIT ]
  • “Masayang-masaya ako, kasi, ang dami kong date!” - [KALENDARYO ]
  • “Bwiset talaga yung tao na yun! Pagkatapos akong makuha at sabihing mahal ako, tinapak-tapakan niya lang ako!” – [HAVAIANAS ]
  • Malaki at Maumbok, hinihimas bago pumasok. – [DOOR KNOB ]
  • “Marami akong alam sayo…Kala mo ha!” – [BIO-DATA ]
  • “Sige, kalimutan mo ako para malaman ng iba ang baho mo!” – [DEODORANT ]
  • Lagi mo akong yakap. Yun pala, tutulugan mo lang ako…” – [UNAN ]
  • Huwag mo akong dungawin hindi ako bintana!” – [CLEAVAGE ]
  • “Ako lang ang makakapagpadugo ng ilong ni Manny Pacquiao!” – [ENGLISH ]
  • “Sige, batihin mo ako… Sigeee, bilisan mo pa… BATEEEEEE!!!” – [OMELETTE ]
  • “Akala ko ba, the MORE, the MERRIER? Eh bat nagagalit ka?!” – [ TIGYAWAT ]
  • “Bakit ganon? Sa kama na lang ba lagi ang role ko sa buhay mo? I’m always here para painitin ang malalamig mong gabi?! Hindi mo ba ako pwedeng i-display sa mga tao? Kahit minsan lang?” – [ KUMOT (Nagdadrama! Gustong maging kurtina?!) ]
  • “Porke ba one-sided ang buhok, EMO na?! Wala namang ganyanan!” – [JOSE RIZAL ]
  • “Bakit ako na lang ang laging pinag-iinitan?!“- [ TAKURE ]
  • “Noodle! Noodle! Noodle!” – [ALING DIONISIA SA "DEAL OR NO DEAL" ]
  • “Hindi lahat ng kulot ay salot!” – [ GOLDILOCKS ]
  • “Paano tayo makakabuo kung hindi ako papatong sa iyo?” – [ LEGO ]
  • “Saken ka nga nakahawak ng mahigpit, pero sa kanya ka naman nakatitig palagi!” – [ MOUSE (Nagseselos sa monitor!) ]
  • Ipinasok na Lambutin, Matigas ng Hugutin. – [ YELO ]
  • “Kahit saan ka man darling, asahan mong tuwing umaga’t ika’y gigising ako’y iyong makikita at makakapiling.” – [ MUTA ]
  • “Hindi lahat na walang salawal ay bastos!” – [WINNIE D' POOH ]
  • “Biktima rin ako ng abortion!” – [BALUT ]
  • “Huwag mo akong sisihin kung cold man ako dahil hindi naman ako magmamatigas kung binigyan mo lang sana ako ng konting importansya!” – [KANING LAMIG ]
  • “Plakaplatik plik plak pak papak pakpik ptik kitikakkaktik kiktiki tikak plak plakakik plak pak papaki pipak pakpik!” – [ WATUSI ]
  • “Pinapaikot mo lang ako! Nagsasawa na ako. Mabuti pang patayin mo na lang ako!” – [ELECTRIC FAN ]
  • “Hala! Sige! Magpakasasa ka! Alam ko naman katawan ko lang ang habol nyo!” – [ HIPON ]
  • “Alam kong marami akong tanong sayo, pero nagtatanong lang naman ako. Sana lang naman wag mo ako murahin patalikod pag di mo masagot mga tanong ko.”- [ TEST PAPER ]
  • Bwisit na buhay ito! Araw-araw na lang, itlog! Umaga, tanghali, gabi, itlog! Itlog! Itlog! Lagi na lang itlog!” – [ BRIEF ]
  • “Ginawa ko naman lahat para sumaya ka, mahirap ka ba talagang makontento sa isa? Bakit palipat-lipat ka?” – [ TV ]
  • “Hindi lahat ng maasim may vitamin C!” – [KILI-KILI ]
  • Mahaba’t matigas, nang isubo’y kumatas. – [ICE CANDY ]
  • “Hindi lahat ng bitterness dulot ng nabigong pag-ibig!” – [CHARANTIA ]
  • “Balang araw, mapapasaakin din ang katawan mo!” – [SEMENTERYO ]
  • “Hindi ko alam kung paano ako kapag wala ka sa likod ko. Pakiramdam ko, lahat ng gagawin ko, mali. Ang masama pa, wala ka para itama yun.” – [ LAPIS NA WALANG PAMBURA ]
Related Posts with Thumbnails

4 comments

  1. ph1l1pNo Gravatar says:

    txt jk ko po…

    Cp# trivia:

    mga ngccmla sa..

    0916: kuripot, swit, bolera/ro

    0926: mbait pr0 2 timer

    0927: cute, hbulin

    0935: cute pr0 msunqit

    0905: galante, iniiyakan

    0906: mcipag, echosera/ro

    0917: mngaagaw, maarte

    0915: swit, pero cnungaling

    bukingan na! hoho
    Ikalat sa mga
    ta0ng nasa c0ntacts.. :) )

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Uyyy! Thank u naman dito sa pagsi-share mo. Isasama ko to dun sa sunod na entry ko ng SMS Jokes. :D

    [Reply]

  2. LEO ADAMOSNo Gravatar says:

    I like these. I already shared it with my friends at cguradng
    their question is – Saan ko kinuha ?

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Thank u, Leo. Sharing is caring, ika nga. Sana nga ay magustuhan yan ng mga friends mo. Masarap ang makapagpangiti eh. :D

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CommentLuv badge