Pagkatapos namin mag grocery ni Keziah sa mall kahapon, inaya ako ng bagets ko na sumaglit para mag spaghetti sa Jollibee at nagugutom daw sya. Nang makahanap kami ng bakanteng space may kumalabit sa akin na nasa kabilang table. Babae. Naka-todo ngiti.
BABAE: “Huy! Ay ang laki na talaga ng anak mo! Grabe, ang bilis noh? Para lang kayo magba-barkada. Hahaha! “
AKO: (nagulat) “Uy musta ka na? Uu nga eh. Hehehe!”
Pagkalagay ko ng gamit sa mesa…nag excuse muna ako, tumalikod para pumila sa counter.
Pagbalik ko.
BABAE: “Totoo, para lang kayo magbarkada tingnan kasi halos magka sing-laki lang kayo. Kakainggit naman kayo.”
AKO: “Hehehe. Medyo malaki pa nga sya sa akin kung tutuusin. Hehehe! At kumusta ka naman?”
BABAE: “Ang kyut nyo nga tingnan. Sus, hindi gaya ng anak ko…pag kasama ako…naaasiwa kasi nagmumukha akong lola nya. Hays…”
AKO: “Hehehe! Talaga? Eto ang advantage pag pandakekak na gaya ko…nadadaya ang age. Hehehe! Musta naman anak mo ngayon?”
BABAE: “Ayun, ayaw nga sumama sa akin. Hays… kyut nyo talaga tingnan.”
AKO: “Hehehe!”
Inumpisahan ko na lumafang ng food ko.
KEZIAH: (pabulong) “Ma, sino yan?”
AKO: (pabulong din) “Bah! Malay ko! Hindi ko kilala.”
KEZIAH: “Nyeee!”
Natatawa ako pag naalala ko yung insidente kahapon sa Jollibee. Kasi super-chika ako dun sa babae. Pero ang totoo, hindi ko talaga sya kilala, as in! Hindi ko naman matanong ng…”Kilala ba kita, bruha ka?”. Nakaka-shy naman.
Kaso, inisip ko rin nung moment na yun na baka kilala ko nga ang hitad at baka may memory lapses lang ako. Inisip ko rin, hmmmn…hindi kaya isa yun sa mga FANs ni Mamaru? Harharhar! Heniways, para naman hindi mapahiya yung tao, pinanindigan ko na lang ang dati ko pang hawak na titulo as Miss Friendship.
Well, wala naman masama siguro dun sa saglit na pagiging chikadora ko dun sa babae pero ayoko rin kunsintihin ang sarili ko ng ganun sa susunod at baka ma-Budol-Budol Gang ako. Nyay! Scaryyyy!!





iba talaga pag sikat hot mama maru..andaming fans, mga taong di mo kilala pero kilalang kilala ka haha
zaizai´s last [type] ..Movie Marathon
[Reply]
MARU
Reply:
September 13th, 2010 at 4:08 pm
Hirap pala sa showbiz, ateng!
[Reply]
naimagine ko yung dialogue nyo ng bagets mo, natawa ko. hahaha.
a.r.d.y.e.y.´s last [type] ..eat all you kan-in
[Reply]
MARU
Reply:
September 13th, 2010 at 4:07 pm
Kalurkey nga eh!
[Reply]