oOo
Kakauwi lang nang isang OFW at bumisita siya sa syota niya. Pinagbigyan sila ng magulang at iniwanan sila sa sala.
Habang hinahalikan niya ang syota niya, nasilip niya ang bunsong kapatid na nanunuod sa kanila. Binigyan ni OFW ang kapatid nang P10 para umalis.
Umalis ang bata at mayat-maya ay bumalik at nagsabi, “Ito ang P100. Gusto kong manood.”
oOo
ERAP: “Ano ang pinakamasarap sa manok?”
LITO LAPID: “Balun-balunan.”
ERAP: “Hindi!”
LITO LAPID: “Alam ko na. Hita!”
ERAP: “Hindi pa rin.”
LITO LAPID: “E, ano?”
ERAP: “Mais.”
oOo
AMO: “Inday, ipagprito mo ako ng itlog, ayoko ng basag ang pula!”
INDAY: “Opo, nariyan na.”
BOSS: “Sinunod mo ba ang gusto na hindi mababasag ang pula?”
INDAY: “Nilaga ko na lang po mam, para siguradong buo ang pula.”
TOINK!
oOo
Kung iiwan ka ng mahal mo samantalahin mo pagkakataon, yakapin mo sya ng mahigpit.
Hawakan mo ang kamay nya sabay bulong,
“suntukan tayo para memorable break up natin!!!!”
oOo
Doctor: “Mrs, papayag ba kayo kung puso ng unggoy ang ipapalit ko sa puso ng Mister nyo?”
Mrs: “Wala na bang ibang choice? Para kasing hindi rin napalitan eh!”
Sa isang handaan, makalima nang beses bumabalik si Lando sa mesa ng pagkain.
“Hindi ka ba nahihiya?” tanong ng kasama nya. “Balik ka nang balik sa mesa?”
“Hindi,” sagot ni Lando, “sinasabi ko sa kanila para sa iyo lagi ang kinukuha ko.”










