Our Home – Bedroom

May natira pa pala akong hindi nai-post sa Our Home series of post ko. Natingga sa aparador ng mga DRAFT entries ko.

Last December 2009 nang pinunturahan ko ng ponkan na ponkan na kulay ang bedroom ko. Tukso pa nga sa akin, parang SOGO Motel daw ang kwarto ko dahil sa kulay! Lol!

Ok lang naman noon kay Kups ang kulay ng kwarto ko pero ayaw ng sister ko kesyo madilim daw ang dating. Siempre dinedma ko lang ang komento noong una. Kebs ko naman eh sa gusto ko ang kulay na orange. Bakit ba!

DSC00462

Pero dahil sa isa akong moret na papalit-palit ng isip, naisipan ko rin i-repaint last July ang kwarto. At dahil kauupo lang din noon ng bagong presidente ng Pinas na si Noynoy at fan ako ng taklesa niyang sister – yellow ang kulay na ipinalit ko! Hehe! I’m so julius babaw talaga.

DSC00833

Ayan, impernes lumiwanag at sumigla naman ang ambience ng kwarto ko kahit hindi ko malaman kung paano ipu-pwesto ang kama at ibang gamit. Juice ko, halos makuba ako noon sa kabubuhat ng kama.

DSC00792_2

Kalurkey ang shade/kulay ng aparador namin, iba-iba! Lol!

DSC00831

Ayus! Next time, post ko naman yung indoor swimming pool at garahe namin na may 3 luxury cars na nakaparada. Wahaha!

10 thoughts on “Our Home – Bedroom

    • Lol @ himagsikan. Yaan mo, pag nangyari ang himagsikan na yan, sisigaw ako ng…”Punitin ang mga sedulaaaa!!!” “Katarungan para kay Ka Dencioooo!!!!”

  1. ang ganda ng bed mo sa may pajo mo rin ba nabili yan at magkano? thanks i built a new home kelangan ko ng mga gamit no ideas yet! thanks uli

    • @emah, uu sa Pajo ko rin yan nabili. Patay! nakalimutan ko na yata ang presyo. Ang maalala ko…yung foam nasa 3K. Teka, nabanggoit ko na yata sa isang comment ko ang presyo nun.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.