Wednesday Me Time

Sa dami ng pasakit na ibinigay sa akin ng buhay, I promised to myself na mas lalo ko pang mamahalin ang sarili ko ngayon bilang ganti! Tse! kako. Ayoko na at dapat kontrahin ko na ang pagiging nega sa buhay! Hehe! Kaya nga sabi ko minsan sa FB stat ko, “Hindi man masarap ang buhay, eh masarap naman ako!” Kaya arya, Mamaru! Enaf na sa pagiging bitter ocampo.

It’s Wednesday’s Me Time…so today I’m having lunch at ARUMA, my fave coffee shop here in Iligan City.

Kelangan ko bumawi sa lafang dahil bumubulusok pa rin pababa ang timbang ko. Seven kilos na ang nawawala sa akin at pumapayat na rin pekpek ko. Waaaaa! Huhuhu!

Aktwali di naman ako malakas lumamon. Lunch ko today eh Spaghetti Bolognese lang at pandan iced tea as panulak.  Ayus na ako dito.

spaghetti bolognese1

Kalurkey naman ang sauce ng spag ko. Lunod na lunod ang  mga noodles. Akala ko tuloy sinabawang spaghetti ang na-order ko.

Pero impernes, masarap sya.

Nasilip ako kanina ng chef habang umoorder, may duda akong may kras sa akin ang chef  kasi sinarapan nya ang pag gawa ng sauce tsaka ng toast ko. Hihihi!  Choos, wag nyo na ako seryosohin at guni-guni ko lang naman yun dala ng sobrang gutom. 😛

  spaghetti bolognese2

Habang hinihintay ko kanina ang food ko. Umasta na rin akong pa-intelektwal. Kunyari interesado ako sa mga current events o pulitika ng Pilipayns, so read na rin ako ng nyuspepah.

Nasa frontpage ang picture ang long-time kras ko!

Trillanes

Hindi ako masyado attracted sa mga men in uniform o sa mga hombre na nasa military. PERO aaminin ko, maliban lang talaga kay Ping Lacson at Antonio Trillanes. Laglag funtee ko sa dalawa.

Kras ko si Ping Lacson dahil obyus naman na gwapo yung mama. Hanep kung manamit…may taste, at para bang ang bango-bango nya! Parang sarap papakin!

Higit sa lahat, bilib ako sa kanya sa pagiging tuso at matalino! Saan ka pa. Kita mo naman, bago pa man lumabas ang arrest warrant nya sa kinasagkutan nyang kaso…nakapuslit na ang mokong! Astig! At walang nakakaalam sa ngayon kung nasan ang biyenan ni Jodi Sta. Maria. Galing magtago ng loko.

Op kors, I kras Antonio Trillanes too! Mamang-mama ang dating. Mucho gwapito at higit sa lahat, isa syang lalaking – may paninindigan.

Hays…parang si Trillanes tuloy ang ka-date ko sa Wednesday Me Time ko. 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *