Ninang

It’s 60 days more to go before Christmas. Ang bilis a! Parang kailan lang eh nag i-emote ako dito sa blog ko kung paano ako namumuhi pag dumarating na ang kapaskuhan, at eto na naman – Pasko na naman? Dalawang buwan na lang at sangkatutak na gastos na naman! Lech! Buti na lang at 5 lang ang inaanak ko.

Speaking of inthe_ninang_mugs-rbf80ff6b137242a98871935399ace7be_x7jgr_8byvr_512aanak, eto matagal na talaga ako nagtataka, bakit kaya yung iba ang dami-dami nilang inaanak? Bakit ako 5 lang? Tapos 3 out of 5 dun sa inaanak ko, mga pamangkin ko pa! Lahat puro wekwek este babae pa!

Bakit kaya wala masyadong kumukuha sa akin na ninang samantalang yung iba eh panay reklamo na at nagtatago na tuloy tuwing Pasko sa dami ng inaanak. Tanong ko tuloy sa sarili ko, ano bang meron akong lahat na wala sa kanila? Hehe! Ano ba katangian ang tinitingnan sa pagkuha ng ninang? Wala ba sa hilatsa ko ang maging mabuting godmother? Choos! Kunsabagay, may contest ba ng paramihan ng inaanak?

Hmmmn…siguro walang kumukuha sa akin na ninang dahil isa lang akong poorita. Hehe! Ako na rin ang sumagot sa tanong ko. Hmp! Kunsabagay, totoo naman na isa lang akong pobreng alindahaw. Teka nga, mabigyan nga ng tig-iisang iPad ang mga inaaanak kong bilats sa Pasko. Lol!

Pasintabi ha at hindi naman sa nilalahat ko pero kaya ko lang naman nasabi yan kasi totoo naman na yung iba, kinukuhang ninong o ninang sa binyag o kaya sa kasal dahil may magandang katayuan sa buhay, may pera, may negosyo, at sikat sila sa lugar nila. Howel, kunsabagay, ano lang ba meron ako eh ganda ko lang naman ang pwede ko ipagmayabang. Charot! 😛

Pansin nyo ba, na kadalasan ang kinukuhang mga sponsors sa kasal o binyag eh yung mga politiko, mga negosyante, yung may mga pangalan, o kaya mga boss sa trabaho? May nalaman ka na bang may kinuhang ninong na security guard dun sa building ng company ng ikakasal? O kaya kinuhang ninang sa binyag yung kusinera dun sa cafeteria ng pinagta trabahuhan ng magulang ng bata? Kung meron man siguro – bihira! Kumbaga, bakit ba yung iba eh ginagawang negosyo ang pagkukuha ng godparents? Yung iba naman basta makapagyabang lang na kumpare/kumare nila si ganun at ganyan. Mas pinapaboran bagah ang mga nakaka-angat sa buhay.

Shet! Ang bitter ko yata dito sa entry ko a. Palibhasa walang kumukuhang ninang sa akin. Hahaha! Oist! wag nyo ko seryosohin. Laking pasalamat ko kaya dahil isa lang ang ibig sabihin nyan kung hindi man ako madalas na mag-ninang o ni minsan hindi kinuha na sponsor sa kasal – siguro masyado pa akong bagets sa paningin nila para ilagay sa kategorya na maging pangalawang-ina ng junakis nila o kaya gawing nanay-nanayan ng ikakasal! (Lusot!)

7 thoughts on “Ninang

  1. sa akin 3 lang..hehehe..isa pamangkin..2 anak ng kapitbahay/kaibigan ko don sa amin sa Cebu.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Angal ako ng angal..mas kokonti lang pala ang sau. Diyan naman kasi ata sa Alaska eh hindi uso ang pagni-ninang.

    [Reply]

    Ceb2AkNo Gravatar Reply:

    Uso din d2…ninang ka sa anak ko maru..la pa binyag eh..hehehe..next yr kona pabinyagan sa Cebu,la akong macyadong kakilala d2 eh…pag kinuha kc ako..ask ko parents whats d reason,if they believe me na i can guide their child..so far bumilib din naman cla..hehehe

    [Reply]

  2. don’t worry! pag nagka baby kami ulit ni misis. Ninang ka! taga mo sa bigote ni Romy Diaz!

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Buhay pa ba si Romy Diaz?

    Loko ka talaga! Siguraduhin mo lang na baby nyo ni misis ang kakargahin ko at hindi baby na iba ang nanay. 😀

    [Reply]

  3. Pwede bang ninang na lang kita? Wala pa akong iPad eh. Oh ayan may kumkuha na sa iyong Ninang haha..

    You have a point there Maru, siguro yung mga magulang na ganun ang estado ng pag-iisip sa pagkuha ng mga ninong at ninang ng mga anak nila, sila yung mga tanga. Natatangahan ako sa mga pera-perang yan! Bakit pag namatay ba sila sigurado silang may mag-aalaga sa mga anak nila? Baka ibenta pa yan ng mga yan.

    But anyway, mas ok na rin na konti lang ang mga inaanak mo, para tipid. Merry Christmas in Advance.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Bien, pag nagninang ako sa binyag…gusto ko nakakarga ko muna ang bata. Pwede pa ba kita kargahin? O baka naman sa ibang binyag mo ko gusto maging ninang. Hehe!

    Sakto ka! Ginagawang negosyo talaga. Pansin mo ba sa mga society columns ng mga newspaper..pag bigatin ang mga ikinakasal, bigatin din ang mga sponsors! Sa mga artista naman…pag binyag ng anak nila, halos lahat yata ng bisita – ninong at ninang! Lol! Exaj ba?

    Salamat sa pag comment nga pala. 😀

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *