Kung meron man akong maituturing na PINAGPALA ako sa buhay – yun ay sa mga anak ko.
Nakakatuwang tingnan na malalaki na sila ngayon. Binata at dalaga na nga! Pero alam ko na nalalapit na ang mga araw na magkakaroon din sila ng kanya-kanyang buhay at magiging bisi-bisihan na rin sila. Darating ang araw na ipupursige na nila ang kani-kanilang pangarap.
Kunsabagay, alam ko rin naman na hindi ko sila pag-aari at balang araw, alam ko na iiwanan din nila ako. Well, matagal ko na yan pinag isipan at ngayon pa lang ay masasabi kong handa na ang loob ko.
Heniweys, siguro pag dumating ang araw na magkakanya-kanya na sila, ang masasabi ko lang ay…“Yes! At last, I’m freeeeee! Yahoooo! “ Lol! Makakapagliwaliw na rin ako! At siguro naman ay tuluyang makakapag–asawa na rin ako nyan kahit uugod- uugod na ako at kahit dehins ko na keri ang kumendeng at kumembot! Hay josko, sana nga lang ay may libog pa ako sa katawan kung dumating ang panahon na yun. Wahaha!
Seryosli, ipinagpapasalamat ko talaga kay Lord ang pagkakaroon ng isang Kevin at isang Keziah. Hindi man sila perpektong mga junakis, eh bihira naman nila akong bigyan ng problema. Ano pa nga ba ang dapat kong i-angal sa mga bagets ko na ang babait at hindi mga pasaway. Sila na walang hinangad kundi ang suportahan ang mga gusto at desisyon ng yummylicious nilang madir!
Alam ko, mag decide man ako na mag-asawa mamaya o bukas o sa makalawa – walang palag ang mga yan dahil bukas ang heart at isipan nila sa ideya na ako man ay kelangan madiligan may sariling buhay din at may karapatang sumaya. Oo, maligaya ako sa mga anak ko pero hindi ako ipokrita sa katotohanan na may happiness din na hinding-hindi nila maibibigay sa akin. Ah basta pasalamat na lang ako na wala sa bokabularyo ng mga anak ko ang maging makasarili.
Lalo na ‘tong fourteen year old daughter kong si Keziah na maituturing kong bespren ko sa ngayon. I just love my girl. Siya ang tangi kong kasa-kasama ngayon. Kaya siguro vibes na vibes kami ng doter ko marahil ay dahil sa opposite kami ng personality. Kung kalog ako…napaka-prim and proper naman ng hija ko. Kung gaano ako kadaldal… over naman ang doter ko sa pagiging mahiyain at tahimik. Sabagay, opposite poles do attract nga daw.
Medyo kampante loob ko at nakakahinga din ako ng maluwag dito sa unica hija ko.
Bakit?
Kasi positibo akong hindi nya namana ang taglay kong natural na kalandian sa pagkatao ko. Weee! Tenkyu Lord!

On Children
Kahlil Gibran
Your children are not your children.
They are the sons and daughters of Life’s longing for itself.
They come through you but not from you,
And though they are with you yet they belong not to you.
You may give them your love but not your thoughts,
For they have their own thoughts.
You may house their bodies but not their souls,
For their souls dwell in the house of tomorrow,
which you cannot visit, not even in your dreams.
You may strive to be like them,
but seek not to make them like you.
For life goes not backward nor tarries with yesterday.
You are the bows from which your children
as living arrows are sent forth.
The archer sees the mark upon the path of the infinite,
and He bends you with His might
that His arrows may go swift and far.
Let your bending in the archer’s hand be for gladness;
For even as He loves the arrow that flies,
so He loves also the bow that is stable.

Me and Keziah @ Parents and Child Dialogue last Saturday, October 9, 2010, La Salle Academy, Iligan City