Esep-Esep 7

screenshot_73

  • Hatinggabi na. (11:55pmĀ  na) Parang nangangati na ang katawan ko. Pakiramdam ko eh mahahati na sya. Nararamdaman ko na rin ang paglabas ng mga pangil ko. Ayan naaaa…ayan naaa…ramdam kong humahaba na rin ang buntot ko! (sa harapan). Lol!
  • Syet! Hindi makatulog si Mamaru! Kahit anong “close your eyes” ko ay hindi ako makatulog. Ewan ko lang kung hindi napapagod yung taong nasa isip ko kasi kanina pa sya tumatakbo sa isip ko. Choos! Ang keso naman! Hanunaba ‘tong nangyayari suckin? Pinaparusahan yata ako talaga!
  • Rereglahin na ba ako? Kasi sobrang emotera na naman aketch ngayon. With matching todo-crayola pa ako kanina eh wala naman dahilan. Sa totoo lang, nao-OA-han na rin ako sa sarili ko. Hehe! Ewan ko ba, sobrang hirap talaga maging babae. Heniways, OK na rin at naging babae ako dahil kung naging lalaki ako…tiyak mauuwi din ako sa pagiging bading! Feel ko talaga na magiging bading ako. Ibig sabihin, lalaki pa rin ang pagnanasaan ko. Lalaki pa rin ang magpapasakit ng ulo ko. Hays…ganun din!
  • Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang tanong minsan ng ka-FB ko. Ano daw pipiliin ko…maging mabait na tao o maging mabuting tao?
  • Sa edad kong ‘to masasabi kong kilala ko na sarili ko. Hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, alam ko mabait akong tao. Pero sa totoo lang, mas gugustuhin ko siguro ang maging mabuting tao kesa maging mabait. Fact about me, my kabaitan usually doesn’t work to my advantage. Madalas nadedehado ako sa pagiging mabait ko.
  • Ano ba kaibahan ng mabait sa mabuting tao? Ang eksampol na binigay nung kausap ko sa FB ay: Halimbawa daw sa opis, may katiwalian o mali ang inuutos sa yo ng Boss mo, pero dahil sa kabaitan mo…susundin mo si Bossing mo. Yun ang mabait! Ang mabuting tao naman daw, pag alam nyang mali ang pinapagawa sa kanya, at dahil sa mabuti syang tao…hindi nya gagawin o susundin yun. Yun daw ang kaibahan nun!
  • Hmmmn…tama ba yung sampol ng pagkukumpara? Napapaisip talaga ako. Kung ganun, ilang beses na ba akong naging mabuting tao? Dapat bang kalimutan ko na ang pagiging mabait?
  • Tse! Sakit sa ulo. Makatulog na nga!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.