Walang Pasko Dito

Sa mga balita sa TV ngayon, makikitang ramdam na ramdam na ng mga otaw sa kalakhang Menila ang Pasko. Ops, base lang ‘to sa nakikita ko sa TV ha?! Andun yung mas nagiging triple ang pasakit ng trapik kahit saang lansangan at parang siksikan na rin ang shoppers sa mga mall na akala mo walang naghihirap na Pinoy.

Kabaliktaran naman dito sa probinsyang kinaroroonan ko ngayon, haynaku! walang ka-layp layp. Wala! Dedma lang ang madlang pipol. Parang hindi December. Parang walang Pasko dito. Wala kang maaamoy na diwa ng Pasko sa kahanginan, pwera na lang pag dumaan ang trak ng basura, sure yun -may maaamoy ka talaga.

Kahit pumasok ka sa mall dito…dry pa sa dry goods ang ambiance. Kadismaya! Tuloy, parang wala akong kagana-gana lustayin ang milyones na ipinadala ng dyowa kong nilalangit. Sus, namobrelema tuloy ako kung paano ko wawaldasin ang salafing pinagkolboyan ni Kups sa Landon. Wahihi! Joklang! Baka naman maniwala kayo ha, pagtsi-tsinelasin ko kayo!

Heniways, buti na lang at sa Cainta kami magpapasko hanggang bagong taon. Kahit papano naman siguro ay mararamdaman namin doon yung sinasabing ‘holiday rush’.

Aminin ko, nai-excite ako sa pagtitipon-tipon na gagawin namin ng mga shopatid ko dun sa Cainta. Nai-excite din ako sa kina-aadikan naming BINGO na lalaruin namin dun.

Bingo

Shet! Maalala ko, por hanred tawsan ang  natalo sa akin sa Bingo noong Sabado! Kelangan makadayo na para makabawi ako dun sa Cainta. Lol! Asa pa ‘ko! 

Mga ilang araw na lang eh bagong taon na rin. Hindi ko pa nababasa ang bagong sinasabi sa akin ng mga bituin ko sa langit. Ano kaya ang naghihintay na kapalaran sa akin sa susunod na taon? Mananatili kaya akong kaaya-aya, maganda, bata, sariwa, at maalindog neks yir? Howel, kung ano man ang mangyari…bahala na si Batman at bahala na rin ang mga bituin ko sa langit.

Pero sabi nga ni Manang Zenaida Seva (na hindi pa rin nagbabago ang hairdo hanggang ngayon. Kalokah!):

“Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Mayroon tayong freewill, gamitin natin ito. At ngayon bumalik tayong muli, sa masayang barkadahan ng, Umagang Kay Ganda.” đŸ˜€

SMS Jokes 150

oOo

JUAN: “Ano ang pinakamatinik na isda?”
JOSE: “pare yung tilapia.”
JUAN: “Mali.”
JOSE: “Alam ko na… bangus!”
JUAN: “Wrong again!”
JOSE: “Talakitok, mahi-mahi, bisugo..”
JUAN: “Nope, mali pa rin!”
JOSE: “Sige, sirit na!”
JUAN: “Ang pinaka “matinik” na isda eh ung hindi pa nahuhuli!”

oOo

SOAP SA RADYO:
“Huwag mo akong hawakan, Berting! Nasasaktan ako! Magulo na ang buhok ko at pumapalag na ako ngayon.”
“Magtapat ka, Lorena! Habang humihigpit ang hawak ko sayo!”
“Tama na, Berting! May nakita akong kutsilyo sa mesa, kukunin ko ito at bigla kong isasaksak sayo… ayan nakuha ko na… sinaksak na kita.”
“Ahhh!!! Sinaksak mo ako sa tiyan, ito ngayon nagdurugo at mamatay na ako… ayan patay na ako!”
Buti na lang naimbento ang TV!

oOo

Sabi ng isang misis sa kanyang mister…
“Kung magiging hay0p ka sa next life mO. .
hindi ka pa ba nagsasawa?”

oOo

Teenager to Trainer: “There’s a hot chick that I’m crazy about that I want to impress. What machine do you suggest I use?”
Trainer: “Try the ATM machine outside the gym!”

Continue reading