Monday ME Time

ME TIME … my quiet moments… the “in between” pauses na gusto kong makasanayan para sa SARILI ko na naumpisahan ko ng mga ilang months na rin. Sana nga ay maging kaugalian ko ang mag ME Time sa mga darating pang araw…hanggang sa pag tanders ko at hanggang sa araw na matigok ako. Eto ang simpleng kapritso ko na sa tingin ko ay magandang gawin bisyo para sa sarili.

Mga ateng, wag mag-atubili na gawin ang ganitong oras para sa sarili kahit paminsan-minsan lang. Iisa lang  naman ang buhay natin eh pagaanin na kahit na ang totoo ay may kahirapan talaga ang mamuhay ngayon. Iisa lang din ang katawan natin, aba eh alagaan na rin!

Heniways, gusto ko sana gawin ang frequency ng ME Time ko ng weekly pero dehins ko pa afford na maisingit sa regular budget ko kaya every other week na lang muna.

Sa totoo lang, marami naman talaga akong oras para sa sarili ko kasi tatatlo lang naman kami dito sa mansyones ko. Pag nasa school ang mga bagets ko…well, solo ko na talaga ang mga oras ko para sa sarili ko dito sa bahay. Pero minsan, siempre…gusto ko rin yung nasa labas ako para naman maalikabukan ang ganda ko, yung makalanghap ng buga ng usok mula sa tambutso ng jip ang baga ko at masikatan ng araw ang mala-sutla kong kutis. Wahihi!

Paano nga ba ako nag Me Time kanina?

Hmmm…nagpa-foot spa si Mamaru ng face.

Eto, nag-kodak ako. Alam nyo bang sa mga katas ng ubas nakalubog ang mga paa ko dito?

Siempre wish ko lang yun at hindi kayo maniniwala kasi ume-exaj lang aketch. Hehe!

 mani pedi

Continue reading