SMS Jokes 154

oOo

Dear Santa,
Hindi ko alam kung kaya mo gawin pero gusto ko sana ay magsama na muli ang nanay at tatay ko.
Love,
Teddy

Dear Teddy,
Yung tatay mo palaging binabayo ang dating katulong nyo. Sa tingin mo may pagasa pang balikan nya ang nanay mong mukhang pusit. Wala ka nang pagasa, kawawa ka naman. Eto Lego para sayo. .
Santa

oOo

Dear Santa,
Nagiwan ako ng gatas at cookies sa ilalim ng puno, at carrots para sa reindeer mo sa likod ng bahay namin.
Love,
Bobby

Dear Bobby,
Gatas? Hindi ako yagit na bata. Yang carrots naman ay nagpapautot sa reindeer diretso sa mukha ko. Favor naman? Magiwan ka lang ng limang Red Horse sa ilalim ng puno nyo.
Santa

oOo

Babaeng pilosopo nagbayad ng P20 sa Driver: “Ito po bayad.”
Driver: “Saan po galing itong P20?”
Babaeng pilosopo: “E, di sa pitaka ko.”
Driver: “Ibig ko sabihin, san po kayo sumakay?”
Babaeng pilosopo: “E, di sa jeep mo?”
Nainis ang driver.
Babaeng pilosopo: “Sukli ko.”
DRIVER: “wala na pong sukli.”
Babaeng pilosopo: “Bakit magkano na ba ang SM?”
Driver: “Ewan ko magkano na SM, tanong ninyo kay Henry Sy.”

Continue reading

Within You Is The Strength To Meet Life’s Challenges

Hindi na yata mauubusan ng pagsubok si Mamaru. Sa liit kong babae mantakin mong lagpas-height ko palagi ang problemang nakangudngod sa akin. Ilang semplang ba ang kailangan kong maranasan para makarating sa sinasabing finish line? Gaano karaming bali ng buto at pasa sa katawan ba ang kelangan kong gamutin at indahin para maging winner? Minsan nakatamad na bumangon sa pagkalugmok. Nahihiya na akong lumakad ng paika-ika at galit na galit na ako sa sarili ko dahil ginagawa ko ng hobby ang katangahan.

Kelan ko ba tatandaan lagi na hindi lahat ng tao ay mabubuti at may konsensya? It’s true, evil men do exist.

Gayunpaman, nakasayad man ngayon sa lupa ang loob at tiwala ko sa sarili, kelangan ko ang bumangon at makipagsabayan ulit sa nakararami. Walang mangyayari sa akin kung maghihintay pa ako ng taong aalalay sa akin sa pagbangon. Nakakalungkot lang isipin na gaya ng nabanggit ko sa mga naunang post ko…minsan hindi naman natin kelangan ang deretsang tulong para sa solusyon ng problema natin…minsan yung may makausap at makinig lang sapat na.

Smile and the world smiles with you. Cry and you cry alone.