Nota

music notes

Kanina, naalala ko yung MUSIC subject ko noong elementary at high school ako.

Nakngkipay! Kunsumido ako noon pag mag i-exam na. Tuwing may recitation kami sa MUSIC subject, pinagdadasal ko talaga na lagnatin ako para may dahilan ako na makapag-absent. Kasi ewan ko ba…hirap na hirap ako umintindi at bumasa ng mga nota! (Ibang nota ang alam kong kilatisin, teh!)

Di nga, ang alam ko lang noon ay i-tono ay ang do re mi fa so la ti do! Hehe! Tsaka impernes, ang galing ko gumuhit ng G clef ha! Yun lang! Pero yung pagbasahin mo ako ng mga music notes at intindihin ang mga pakyung Whole Note, Half Note, Quarter Note, Eigth Note, Sixteenth Note na yan. Ay leches! Parusa talaga!

Heniways, kung ganito lang sana ang tsura ng mga music notes noon…sure na sure aketch na madali ko syang maiiintidihan.

Titigan nyo at gumagalaw pa yan. Lol!

prelude_de_fornication

Ma, Bayad!

Bakit kaya lagi na lang ako nakaka-experience ng mga nakakairitang pasahero sa dyip na kung makakalabit sa likod o braso ko ay nakakagulat! Susme, eh napaka-gugulatin ko pa naman. Tapos yun pala eh magpapa-abot lang ng pamasahe nila para dun sa drayber. Yun nga lang…imu-mwestra lang nila – at walang salitang pakisuyo!! @#$%$! Walang GMRC!

Pero ang pinaka-heyt ko talaga ay yung mga pasahero na pag ikaw naman ang nakisuyo sa kanila na ipa-abot ang bayad mo…eh sisimangutan ka! Kuuuu! Talaga naman. Sarap dunggulin!

"Weleng genetow se States!" (Photo courtesy of Google)

Aminado ako, dati eh ayoko talaga umupo sa may likuran na malapit sa drayber. Gusto ko sa gitna o sa dulo ako sa may bandang babaan kasi heyt ko yung taga-abot ako ng pamasahe dun sa drayber.

Haweber, napagtanto ko (naks!), bakit ko ba kelangan iwasan ang maging taga-abot ng pamasahe/sukli ng kapwa ko pasahero?

Pucha! Sabi ko sa sarili ko, dapat masiyahan pa nga ako kasi chance ko na ‘to para magkaroon ng GOOD DEED sa kapwa ko! Tho small lang sya…eh good naman.

Siguro naman lahat tayo eh gusto makatulong sa kapwa natin, di ba? (Say yes, mga plastik! Hehe!)

Seryoso, isip-isip ko, hihintayin ko ba na manalo muna ako sa Lotto para makagawa ng kabutihan sa kapwa? At kelangan ba kung magbibigay ng tulong eh malakihan? Tsaka kelangan bang tumakbo muna ako sa politika o kaya as barangay opisyal sa lugar namin para makapag-serbisyo sa mga utaw? Char!

Hindi nga, sana huwag na natin isipin na istorbo o malaking abala sa atin (o baka ako lang ang nag-iisip) ang i-abot ang bayad/sukli ng kapwa natin pasahero pag nakikisuyo sa atin. Smile and be glad na kahit papano nakatulong tayo kahit sa maliit na paraan.

Ako nga, ambait-bait ko kasi hindi lang ganung good deed ang ginagawa ko. Tuwing sumasakay ako sa dyip, inililibre ko pa sa pamasahe ang LAHAT ng pasahero na nakakasabay ko! (‘tot mo, Mamaru! Napakaganda mong chinungaling!)

Choos, istir lang po!

O sha! Tunog-adik na ako sa sinusulat ko. O baka naman gutom lang ‘to. Ah Basta yun lang!

Babush!

A good deed is like peeing in your pants. Everyone knows you did it, but only you can feel it’s warmth.