Para Mag-Imprub Ang Buhay Ko

Super-like ko yung previous post ko noong bago nag-end ang 2010…yung Make Each Day Special – 40 Tips.

Tips yun kung paano mo i-imprub ang buhay mo… on how to make it better.

Iniisip ko nga, kung araw-araw siguro ay may masunod lang ako ng kahit 15 lang dun sa mga 40 tips – abah, eh waging-wagi na ako.

Sa ngayon, eto pa lang ang nauumpisahan kong gawin, sundin at itatak sa bungo ko:

Sabi dun sa Tip #18. “Life isn’t fair, but it’s still good.” – Korak! Mas pinaintindi pa sa akin ang kasabihan na yan nang mabasa ko ‘tong nakasabit sa likod ng pintuan ng toilet ng Centennial Airport noong Sunday.

DSC02133

Tama nga naman, minsan madaya talaga ang life, minsan hindi parehas ang trato sa atin. Pero hindi man kabonggahan ang mga bigay sa atin ng buhay eh dapat matuto tayo makuntento at magpasalamat sa kung ano meron tayo.

Naka-upo ako sa trono, nagwe-wewe nang kinunan ko ng pic ang naka-frame na yan. Mas gusto ko ang mga ganyan na nakasabit sa mga toilet kesa sa mga karatulang ang nakalagay lang eh…”Please don’t flush the papel in the toilet. Thank!”

At sha nga pala, hindi ko ‘to kinaya!

Alam nyo bang ganito ang tsura ng mga bagong toilet na pambabae dun sa Centennial Airport?

Continue reading

Want To Be Happy?

Unang post ko ‘to para sa taon 2011.

Para sa unang entry ko, gusto ko ng something inspirational chuvarloo dahil hindi man kagandahan ang naging huling linggo ng year 2010 ko hanggang sa mga unang araw ng pagpasok ng year 2011, eh tama na ang pagmamaktol ng bongga dahil mas marami pa rin akong dapat ipagpasalamat sa mga nangyari sa buhay ko kesa ireklamo. Siempre, dapat KERI lang talaga ang attitude dahil ganun naman ang mga araw – hindi pare-pareho.

Eto lang din ang dapat isipin…na may bukas pa at kahit ano man ang mangyari, tuloy pa rin ang buhay.

Eto may kinunan ako sa selpon at nabasa ko ‘to sa newspaper habang nasa himpapawid ang alindog ko, nakasuot ng sinturon-pangkaligtasan at inililipad ng PAL pabalik sa kuta ko dito sa Mindanao noong Sunday. Yeah, I’m back to my barracks and it’s nice to be home.

Nakapagnilay-nilay ng saglit ng tungkol sa buhay si Mamaru sa eropleyn courtesy of Fr. Jerry Orbos’ column sa Philippine Daily Inquirer dated January 2, 2011.

DSC02135

Continue reading