Para Mag-Imprub Ang Buhay Ko

Super-like ko yung previous post ko noong bago nag-end ang 2010…yung Make Each Day Special – 40 Tips.

Tips yun kung paano mo i-imprub ang buhay mo… on how to make it better.

Iniisip ko nga, kung araw-araw siguro ay may masunod lang ako ng kahit 15 lang dun sa mga 40 tips – abah, eh waging-wagi na ako.

Sa ngayon, eto pa lang ang nauumpisahan kong gawin, sundin at itatak sa bungo ko:

Sabi dun sa Tip #18. “Life isn’t fair, but it’s still good.” – Korak! Mas pinaintindi pa sa akin ang kasabihan na yan nang mabasa ko ‘tong nakasabit sa likod ng pintuan ng toilet ng Centennial Airport noong Sunday.

DSC02133

Tama nga naman, minsan madaya talaga ang life, minsan hindi parehas ang trato sa atin. Pero hindi man kabonggahan ang mga bigay sa atin ng buhay eh dapat matuto tayo makuntento at magpasalamat sa kung ano meron tayo.

Naka-upo ako sa trono, nagwe-wewe nang kinunan ko ng pic ang naka-frame na yan. Mas gusto ko ang mga ganyan na nakasabit sa mga toilet kesa sa mga karatulang ang nakalagay lang eh…”Please don’t flush the papel in the toilet. Thank!”

At sha nga pala, hindi ko ‘to kinaya!

Alam nyo bang ganito ang tsura ng mga bagong toilet na pambabae dun sa Centennial Airport?

woman-siting-on-man-toilet

Wahaha! Scary!

Oist! Joke lang. Nenok ko galing Google ang pic na yan. Like nyo ba ang ganyan, mga teh?

Tip #24. “Burn the candles, use the nice bed sheets, Don’t save it for a special occasion. Today is special.” – Medyo madami akong kandila dito sa mansiones ko. Dekorasyon. Minsan na akong pinaalalahanan o pinagsabihan ni Kups na ang kandila ay sinisindihan at ginagamit…at hindi daw ipinang-didisplay lang. Hmp! Ganyan naman talaga ang mga lalaki – killjoy! 😛

DSC02139

Howel, mula nung January 2, ginamit ko na ang mga scented candles ko at tamang-tama eh malamig ang panahon…sarap amoy-amuyin ng hangin na may bango galing sa mga kandila. During dinner…sinisindihan ko na rin yung malalaking kandila para maging special na ang bawat dinner namin.

Hmmmn…impernes, parang nakakagana din kumain ha!

DSC02147

Tip #6. “Watch more movies, play more games and read more books than you did in 2010.” –  Nanood ako ng 3 movies in this past 2 days. Pinanood ko ang:

  1. Eat. Pray. Love. (Julia Roberts)
  2. The Informant (Matt Damon)
  3. Gifted Hands  -The Ben Carson Story (Cuba Gooding, Jr.)

Sana nga mas marami pa akong mapanood sa mga susunod na araw.

Games? Hindi ako masyado mahilig sa games lalo na online games. Hmmn… pwera Zuma pala. Pero may nabili akong laruan ko noong Pasko sa Tagaytay.

Sungka!!!

DSC_0493

Magaling ako sa sungka lalo na noong bagets pa aketch. Sobrang na-miss ko ang paglalaro ng sungka kaya nung may nakita ako sa Tagaytay. Buy ako agad. O di vah, klasik na klasik ng trip kong laro. 😀

DCIM1

(Sa Centennial Airport, habang abangers kami ng flight pabalik sa planeta namin sa Mindanao.)

Look! Look sa mga hita!

Ang Hamon. Bow!

Syet! Malaki ang kikitain ko pag nai-por kilo yan!

Kalurkey ang mga hita ko sa kodak na ‘to. Pero sabi nga dun sa Tip #28. “What other people think of you is none of your business.” – Kaya keverrr! Ganyan nga ang dapat kong isipin.

O zsa zsa! Tsaka na lang yung iba at may kasunod pa ‘to. Antokyo japan na si Mamaru.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.