Want To Be Happy?

Unang post ko ‘to para sa taon 2011.

Para sa unang entry ko, gusto ko ng something inspirational chuvarloo dahil hindi man kagandahan ang naging huling linggo ng year 2010 ko hanggang sa mga unang araw ng pagpasok ng year 2011, eh tama na ang pagmamaktol ng bongga dahil mas marami pa rin akong dapat ipagpasalamat sa mga nangyari sa buhay ko kesa ireklamo. Siempre, dapat KERI lang talaga ang attitude dahil ganun naman ang mga araw – hindi pare-pareho.

Eto lang din ang dapat isipin…na may bukas pa at kahit ano man ang mangyari, tuloy pa rin ang buhay.

Eto may kinunan ako sa selpon at nabasa ko ‘to sa newspaper habang nasa himpapawid ang alindog ko, nakasuot ng sinturon-pangkaligtasan at inililipad ng PAL pabalik sa kuta ko dito sa Mindanao noong Sunday. Yeah, I’m back to my barracks and it’s nice to be home.

Nakapagnilay-nilay ng saglit ng tungkol sa buhay si Mamaru sa eropleyn courtesy of Fr. Jerry Orbos’ column sa Philippine Daily Inquirer dated January 2, 2011.

DSC02135

DSC02136   

DSC02137

DSC02138

O ha! Ang seryos, di vah?

Nagbulatlat pa ako ng ibang pahina at nangiti ako dito nang mabasa ko ‘to. Gusto ko ‘to tularan ng mga katulad kong singol.

Pwede ‘to idagdag sa listahan ng mga resolutions nyo, teh.

DSC02134

Quote of the Day:

“The more anger towards the past you carry in your heart, the less capable you are of loving in the present.” -Barbara De Angelis

2 thoughts on “Want To Be Happy?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.