Homemade Longganisa

Tenkyu Lord at kahit papano ay hindi uso dito sa probinsya ko ang karneng BOTCHA.

Botcha – mga double dead na karne na binebenta pa rin ng mga walang konsensyang negosyante para lang maka-kwarta. Tuwing napapanood ko sa TV ang mga nasabat na botcha sa palengke lalo na sa Luzon, nagtatayuan ang kuwan ko… mga balahibo.

Kaya ako, hindi ako bumibili ng karne sa palengke. Doon ako bumibili sa mall o kaya sa mga meatshop na kahit papano eh kilala. Tumigil na rin ako bumili ng mga komersyal na longganisa at tosino. Mahirap na at baka botcha ang karneng ginamit dun…hirap pa naman ma-detect kasi may pampakulay na silang inihahalo dun.

Ang diskarte ko? Gumagawa na lang ako ng homemade longganisa at tocino para iwas-botcha. Mabuti na ang nakakasiguro. Bukod sa mas nakakamura ako, mas lesser pa ang taba at alat ng homemade longganisa ko. Isa sa mga resolutions ko kasi ang mas bawasan pa ang salt at sugar sa mga nilalamon ko. 😀

DSC01776_2

Share ko sa inyo ang napaka-simple recipe. (Recipe Source: TIMPLA Cookbook)

Walang pampakulay at mga kasamang preservatives ek-ek na inihahalo. Sobrang napakadali lang. Wax paper lang ang madalas kong gamitin pambalot, Minsan naman pag tinatamad ako…hindi ko na sya binabalot para longganisang-hubad ang dating. Para mas sexy. Hehe! 😀 Minsan naman piniprito ko sya na parang mga bola-bola….para maiba naman ang porma ng longganisa.

DSC01778_2

 

Continue reading