Homemade Longganisa

Tenkyu Lord at kahit papano ay hindi uso dito sa probinsya ko ang karneng BOTCHA.

Botcha mga double dead na karne na binebenta pa rin ng mga walang konsensyang negosyante para lang maka-kwarta. Tuwing napapanood ko sa TV ang mga nasabat na botcha sa palengke lalo na sa Luzon, nagtatayuan ang kuwan ko mga balahibo.

Kaya ako, hindi ako bumibili ng karne sa palengke. Doon ako bumibili sa mall o kaya sa mga meatshop na kahit papano eh kilala. Tumigil na rin ako bumili ng mga komersyal na longganisa at tosino. Mahirap na at baka botcha ang karneng ginamit dunhirap pa naman ma-detect kasi may pampakulay na silang inihahalo dun.

Ang diskarte ko? Gumagawa na lang ako ng homemade longganisa at tocino para iwas-botcha. Mabuti na ang nakakasiguro. Bukod sa mas nakakamura ako, mas lesser pa ang taba at alat ng homemade longganisa ko. Isa sa mga resolutions ko kasi ang mas bawasan pa ang salt at sugar sa mga nilalamon ko. 😀

DSC01776_2

Share ko sa inyo ang napaka-simple recipe. (Recipe Source: TIMPLA Cookbook)

Walang pampakulay at mga kasamang preservatives ek-ek na inihahalo. Sobrang napakadali lang. Wax paper lang ang madalas kong gamitin pambalot, Minsan naman pag tinatamad akohindi ko na sya binabalot para longganisang-hubad ang dating. Para mas sexy. Hehe! 😀 Minsan naman piniprito ko sya na parang mga bola-bola.para maiba naman ang porma ng longganisa.

DSC01778_2

 

Dinodoble ko lagi ang recipe sa preparasyon ko para nakaka-save ako ng oras at para may ma-stock ako lagi sa freezer.

Homemade Longganisa

 

LONGGANISA

Ingredients:
500 grams ground pork kasim
1 tsp garlic, finely chopped
3 tbsp brown sugar
1/4 teaspoon ground black pepper
1/4 tsp fine salt
2 tbsp soy sauce

12 pcs wax paper/plastic wrap cut in 3-inch sizes
1/4 cup oil

Procedure:
1. Combine ground pork with chopped garlic, brown sugar, black pepper, fine salt and soy sauce. Mix everything well by hand.
2. Divide pork mixture into 12 portions. Measure out each portion onto wax paper or plastic wrap.
3. Close and roll into shape.
4. Chill for at least 30 minutes, or until ready to cook.
5. Heat oil in a frying pan. Peel away the wax from each longganisa, and fry the longganisa until golden brown, about 5 minutes.
6. Serve with vinegar as dip.

Makes 12 pieces.

4 thoughts on “Homemade Longganisa

    • @Dennis, uyyy! Seryos, magbebenta nga ako nyan dito sa amin para may kita ako. Pero wag ka na umorder sa akin at baka mas mahal pa ang pagpadala sa yo kesa sa presyo ng longganisa. Better tell pretty wifey to make/prepare longganisa for you. 😀

  1. Pingback: Tweets that mention Homemade Longganisa MARUISM -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.