Esep-Esep 8

  • Nakatulog ako kagabi na namamaga ang mata. Sus Maria kasama na si Hosep! Pinaiyak ako ng todo ng 2004 Korean movie na A Moment to Remember. Crayola ng todo si Mamaru lalo na yung A Moment To Remembermga eksena na tumutulo na ang luha nung cutiepie na bidang lalaki. Ewan ko ba, lembot na lembot ang puso ko pag nakakakita ng umiiyak na hombre. Punong-puno ng emosyon ang istorya ng dalawang lekat na pagmamahalan. Kakabilib din naman kasi ang love nila para sa isa’t isa.
  • Grabe ang lamig ngayon lalo na sa madaling araw! As in! Kakatamad bumangon. Epekto na yata to ng mga natunaw na snow sa Merika at Europe. Kaya mas mabuti siguro ay sabay-sabay na lang i-enjoy at langhapin ng mga Pinoy ang hangin dahil imported ang lamig na nararanasan dito ngayon sa Pilipayns. Ay naku, paggising ko naninigas na agad ang utong ko at nakakatamad maligo. Wala pa naman kaming water heater sa banyo. Tamad din ako magpakulo ng tubig sa takure. Hahays..laging makulimlim din ang panahon kaya mas lalong nakaka-depress. 🙁
  • Nakakatuwang malaman at isipin na ang dalawang blogger na kapwa ko magaganda (charot!) ay ikinasal na last December 2010. Si Ella (Blog Ni Ella) at Annie (Annie) na isang Annie Sherwood na ngayon. Mula Abu Dhabi ay nasa Australia na ngayon ang Annie. I’m really happy for Annie. May special place sa heart ko ang babaeng ‘to, siya na lang kasi ang natitira kong kaibigan na galing YM, pagkakaibigan na nagsimula pa noon sa mga user rooms ng Yahoo chat. Magkasama kami sa iisang grupo. Hindi man kami magka-tsikahan palagi ni Annie…alam ko pareho nasa puso namin ang pagki-care sa isa’t isa. Well, I wish Ella and Annie the best of everything. Medyo inggit ako siempre. Hehe! To two ladies, sana alagaan nila ang marriage nila…ang mister nila…ang magiging pamilya nila. Sana maging MAS forgiving sila sa mga esposo nila dahil di ba may kasabihan naA happy marriage is the union of two good forgivers.. Sana ay alagaan din sila ng maayos ng mga mister nila. Napakapalad ng dalawang newly-wed na ‘todahil hindi naman kasi lahat ng babae ay nabibigyan ng pagkakataon na makasal o makapag-asawa.

4 thoughts on “Esep-Esep 8

  1. Mai-download nga ang movie na ito. Mamaru, napatawa mo ko sa linya mong “Ay naku, paggising ko naninigas na agad ang utong ko ” ahihihihi .

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Reneefer, ang pogi ng bidang lalaki. Ready ka na lang ng mga tisyu…tiyak maiiyak ka. 😀

    [Reply]

  2. Hala Mamaru! nakonsensiya ako dahil NGAYON ko lang nakita itong post mo na last January 7 pa pala huhuhuhuhu!!! im so sorry dahil alam mo naman na minsan na lang ako nagbablagan at sus di ko ito nakita. hay im soooo useless! lol
    anyways mamaru, thank you so much sa space sa blog mo, na feature pa ang aking munting kasalan na kakapiranggot lang ang imbitado haha!

    well, i wish you all the best, sunod ka na sa amin ni Ella hihihi!

    Love you mwah!!

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Lol! Ok lang yan, Anniepie. I understand, newly-wed ka kaya alam ko laging may nakabaon at hindi na makabangon. Haha! Tsaka alam ko pag married na, nagbabago talaga ang routine sa buhay. Well, honestly…’m so happy for you. Walang istir! Be good God bless you always, Anniepie.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *