Pasaway Na Bagets

Gulat ko naman kanina nang makasabay ko sa dyip ang nebor ko at akay-akay ang tsikiting nya para ihatid sa school. Nagulat ako at pinakalbo ang bagets nya. Yun pala eh pinatuluyan na lang ng madir na ipakalbo ang anak dahil nang makahawak  ng gunting ang bagets para gumawa ng project sa art subject nila kagabi, eh na-kerid away ang kolokoy.

Napasarap ang paggupit at pati sariling buhok eh pinutol-putol. Ayun! Nagmukhang mini roll-on deodorant tuloy ang tsura ng pasaway ngayon. 😀

Naalala ko tuloy ang ganung experience ko rin sa sarili kong anak. Si Kevin noong magli-limang taon sya.

Ganun din, pinagpraktisan din gupitin ang bangs nya. Asar na asar ako! Hindi ko pinakalbo dahil naagapan naman bago nya naubos ang pagtabas ng lahat ng buhok. Pero bilang parusa, hinayaan ko na lang sya sa ganyang tsura nya hanggang sa mismong 5th birthday nya. Lol!

Kevin

 

Kaya mga inang…kung may mga maliliit pa kayong anakisbantayan! Lalo na pag may hawak na gunting.

2 thoughts on “Pasaway Na Bagets

  1. hahha mamaru, inihit talaga ako ng tawa dito sa post mo , ganyan din anak ko ginupit buhok nya buti makapal hair nya, mahaba n raw kasi kaya ginupit nya, ako lng kasi gumugupit ng buhok nya eh hindi sya napapasok s parlor, kaya mula noon sa parlor ko na sya pinagupitan..

    • @elen, Kalokah na nakakatawa talaga mga bagets natin. Akala ko ako lang ang may ganung experience. Naisip ko pa nga noon na baka pangarap ng Kevin ko ang maging barbero paglaki nya. 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.