Every Gising Is A Blessing

sunflowerI woke up today feeling fresh…fresh na fresh…as fresh as pandesal. 😀

It’s Sabaders, dapat petiks lang akong borlog sa bed dahil wala naman pasok ang mga bagets. Pero hindi eh, ang aga ng mulat ng mga mata ko ha?! Halatang excited gumising. Eh kasi naman ang ganda ng sikat ni Haring Araw. Ang hirap isnabin.

Heniways, hihiramin ko ulit ang linya at peborit kong pambungad bati ni Ogie Diaz sa Twitterlandia na, "every gising is a blessing." Trulili! Thank you Lord, sa isang panibagong araw na itetch.

Medyo excited ako today kasi iniskedyul ko sarili ko na mag body scrub. I had foot spa dito lang sa hauslaloo ko yesterday. Ngayon naman ay magbababad, magkukuskos at lalabhan ko ang bodylicious ko gamit ang peborit kong scrub mixture na kape, olive oil, tsaka brown sugah!

Nami-miss ko na yung feeling na parang bagong liha at varnish ang wankata ko. Yung pakiramdam na paglabas ko ng banyo eh para akong nagniningning at kumukititap sa kinis at linis…yung tipo na pag may magkamali o iengot-engot na langaw o lamok na dadapo sa akin ay tiyak na mahihirapan sa pag-landing dahil basta na lang sila mai-slide dahil sa dulas at kintab ng balat ko. 😀 Exajs!

Well, I wish everyone to have a wonderful Sabaders! Bless you all.