Talking about home theater projectors and business projectors, it seems that Epson has long been a dominant/leading brand of projectors in the market. Why? According to the online reviews that I have read, epson projectors are known for two things: superior engineering and design. They may quite pretty expensive in price, but for assured quality and high-definition theater experience, you can’t go wrong with Epson. It’s really worth it as they say.
Archive for 15 January, 2011
On Epson Projectors
SMS Jokes 2011-162
oOo
Anak: “Itay, nakita ko na po ang pakakasalang kong babae. Kamukhang-kamukha siya ni Inay pati ugali.”
Ama: “Ano ngaun ang gusto mo sa akin? Awa?”
oOo
Misis: “hayup ka, madaling araw ka na naman umuwi! san ka na naman galing?”
Mister: “wag ka na magalit, sa simbahan ako galing…”
Misis: “sinong nilolo ko mo? sarado ang simbahan sa gabi!”
Mister: “bakit? natutulog ba ang diyos?”
oOo
Teacher: “What does your father do for a living?”
Student: “He is a magician.”
Teacher: “What is his favorite event?”
Student: “He cuts people in two.”
Teacher: “How many brother and sisters do you have?”
Student: “One half-brother and one half-sister….”
Pasaway Na Bagets
Gulat ko naman kanina nang makasabay ko sa dyip ang nebor ko at akay-akay ang tsikiting nya para ihatid sa school. Nagulat ako at pinakalbo ang bagets nya. Yun pala eh pinatuluyan na lang ng madir na ipakalbo ang anak dahil nang makahawak ng gunting ang bagets para gumawa ng project sa art subject nila kagabi, eh na-kerid away ang kolokoy.
Napasarap ang paggupit at pati sariling buhok eh pinutol-putol. Ayun! Nagmukhang mini roll-on deodorant tuloy ang tsura ng pasaway ngayon.
Naalala ko tuloy ang ganung experience ko rin sa sarili kong anak. Si Kevin noong magli-limang taon sya.
Ganun din, pinagpraktisan din gupitin ang bangs nya. Asar na asar ako! Hindi ko pinakalbo dahil naagapan naman bago nya naubos ang pagtabas ng lahat ng buhok. Pero bilang parusa, hinayaan ko na lang sya sa ganyang tsura nya hanggang sa mismong 5th birthday nya. Lol!
Kaya mga inang…kung may mga maliliit pa kayong anakis…bantayan! Lalo na pag may hawak na gunting.
Lupasay At Atungal
Inapura ko ang pagligo at pagbihis kanina para mamalengke. Kelangan maka-eskapo na agad ng bahay at baka abutan pa ako ng pag-ulan.
3 kalamansi, 2 kamatis, 1 itlog at mga sachet ng Jollibee ketsap na lang ang namataan kong laman ng ref namin. Tsk! Napaka-pobre! Kelangan na talaga ang makapamalengke.
Palabas na ako ng bahay nang mapansin kong wala ang ATM card ko. Fotah! Wala sa loob ng branded kong pitaka! Halos baliktarin at ipagpag ko ang lahat ng kagamitan dito sa bahay sa paghahanap pero wala talaga. Binungkal ko pati laman ng lahat ng basurahan namin. More or less inabot ako ng two hours bago ako sumuko sa paghahanap.
Wala talaga! Nakngfuts! Lost as in lost na talaga ang ATM card ko. Malamang nahulog nga yun sa bulsa ko last week noong namalengke din ako dahil sa pagkakaalala ko…sa bulsa ko lang isinuksok yun.
Nanlambot ako. Hindi ako nahihiyang sabihin ‘to, pero napalupasay ako sa sahig – literally. At ang lakas ng atungal ng iyak ko. As in todo-bigay! Buti na lang nasa eskwela ang mga bata.
Iyakin na kung iyakin. Mababaw na kung mababaw. Hindi ko na napigilan ang sarili ko maglupasay…kasi parang nananadya na ang mga pangyayari lately. Laylay na ang mga balikat ko sa bigat ng mga suliranin ko ngayon. Parang sasabog na rin ang dibdib ko dahil punong-puno na ng mga sama ng loob…at kelangan ang mapakawalan na talaga para maibsan man lang sa pamamagitan ng iyak.
Naka-12 days na ang year 2011. Wala pang nakakatuwang pangyayari sa mga araw ko mula noong magbago ang taon. Sana naman hindi magkapare-pareho ang buong 365 days ko sa taon na ‘to.
The Dean Agency
This is for readers residing in US who are in future plan of acquiring real estate properties. If looking for homes and land for sale in Buxton, Dare County, The Dean Agency loves to offer you their professional services in finding and negotiating when buying. Whether you want Buxton foreclosures or short sales, depending of your choice, their agents are committed to help you get the best value of the property. Read more about the agency here if interested.
Mga Anik-Anik
1. Perfume Testing Paper/strip – Ang tiyaga ko tumanggap ng mga ganitong inaabot sa akin ng mga sales people sa perfume section ng mga department store. (Sa Duty Free Shops mas marami at mas cute yung mga papel.) At hindi ko lang basta inaamoy-amoy yung papel, iniipon ko pa! Hihihi! Wala lang, gusto ko lang sila ipunin kahit nag-evaporate na yung amoy ng pabango. Impernes, napapakinabangan ko naman sila.
Yung iba, iniipit ko sa wallet para pampabango pero mas madalas ay ginagawa kong silang bookmarker.
2. I love tote bags. Period.
3. Wallet – Natatawa ako sa sarili ko pag nasa mall at may binibili, dinudukot ko na lang ang pambayad sa loob mismo ng bag ko dahil hindi ko mailabas-labas ang “branded” kong pitaka. Shy ako ibuyangyang dahil bukod sa pagkalaki-laki ng size, isang freebie pouch lang naman ng Modess napkin ang pitaka ko ngayon! O ha! Napaka-glamorosa ko talaga.
Hays…nangangailangan na talaga ako ng bagong wallet. Malapit na bertdey ko, sana may mag-regalo. Hehe! Olats kasi ako noong Pasko dahil wala akong natanggap na wallet. Ayoko naman bumili kasi sabi nila mas maswerte daw ang pitaka pag bigay. Chos!
For Men Too
Men who are weight and body shape conscious are truly growing in numbers. If you notice, worrying one’s weight is no longer just a female issue these days. Diet pills exclusively for women only – not anymore. Heard about testoripped? It’s a diet pill for men too. It is for those who wants to shed some weight, add some lean muscle and enhance his libido. Check out the site for testoripped review and testimonials.




