Tenkyu

Gusto ko mag TENKYU sa lahat na mga bumati suckin kahapon, siempre unang-una yung mga ka-Friendster ko sa Facebook, sa mga kapamilya, kapatid, at kapuso na nagpadala ng text, mga bumati sa radio at TV (chos!), sa nagpa-publish sa newspapers at tabloid, at kahit dun sa mga gumawa ng smoke signal para batiin lang si Mamaru ng Happy Birthday.

thank you

Pero siempre gusto ko i-special mention sina Orly, Gay, Marie, Sybil, Marian, Dennis, Thelma. CharMed, Rey, Rhea, Mavie, Gemma, Zaizai, Ding, Ellaine, Mike at Kups na tumugon sa hiling ko.

Alam ko mga busy kayong tao. Hindi man ninyo ako kilala ng lubusan, hindi man ninyo ako ka-close at hindi man ninyo ako nakita kung gaano kaganda sa personal (Ahihi!) – SALUDO po ako sa inyong lahat.

Grabe ha, hindi talaga kayo nagdamot sa akin ng ORAS para regaluhan ng mga salita ninyo. (Salamat at di na kayo nagpasuhol. Lol!) Confirmed, wala sa katawan ninyo ang pagiging madamot. Mga ning at dong, alam nyo ba na may kasabihan na ang taong hindi madamot sa ORAS ay kadalasan ay hindi rin daw madamot sa pera at sa pagmamahal? Para sa akin, trulili yan at wa eklavu!

Heniways, alam nyo, ang sarap ng feeling! Pramis! Kung may blog kayo…try nyo gawin ang ganung gimik sa birthday nyo para maka-relate kayo. Masarap din sa puso ang nakakatanggap ng material na bagay bilang regalo. Pero iba rin pala ang ganitong gimik. Hindi matatawaran. Kung nakita nyo lang sana ang ngiti at tawa ko sa loob ng limang araw – langit sa pakiramdam. Sus, sana noon ko pa ginawa ang ganito. Lol! Namihasa!

Imbes na itago sa email inbox ko, sinadya kong gawan ng entry ang bawat birthday messages ninyo kasi gusto ko sila manatili sa blog ko ng matagal.

Alam ko gagapangin yan ng Google robot at hindi magtatagal ay mai-index din yan sa mga web searches, at kakalat sa cyberspace. Trip ko mabasa ng mga ibang tao sa buong mundo na abot ng internet ang mga ginawa ninyong messages. Para ano? Wala lang. Gusto ko lang magyabang! Bakit ba! Wag silang mangialam noh! Lol! 

Uulitin ko, MARAMING SALAMAT sa inyo…for making me feel like SPECIAL…child! Ahihi! Havey na havey talaga!Party

 

oOo

The only people you should allow in your life are the ones that prove they deserve to be.

-Marty Lawrence

Hahaha!

‘La lang, napatawa lang talaga ako ng main sponsor ko ng mga SMS jokes ko dito sa Maruism na si Mike.

Eh kasi babati din lang ng Happy Birthday ang loko ay sinamahan pa ng request na para bang mapapasubo yata ako.Lol!

frommike

Hindi ko akalain na curious si Mike kung may birthday greetings din si Kups sa akin. Hahaha! Heniways, sige isi-share ko.

Pero magpapakatotoo muna ako ha?

Kasalukuyang hindi kami in speaking term ni Kups. Gaya din ng ibang couple na nasa relasyon ay hindi kami exempted ni Kups sa mga pagsubok. Nagiging sunod-sunod ang problema namin lately.

Continue reading

SMS Jokes 2011-173

oOo

SHANE MOSLEY: “I can KNOCK Pacquiao 0ut with 1 punch!”
PACMAN: “SHANE on you! Everything you say are MOSLEY Lies!”

oOo

Lalake: “Boss, magpapagawa ako ng tattoo ng pinakamagandang babae sa buong mundo.”
Tattooist: “Sige po sir. Saan nyo po gustong ipalagay?”
Lalake: “Sa mukha ng asawa ko!”

oOo

Driver nahuli nang overspeeding sa isang accident prone area.
Pulis: “Bakit ang bilis mong magpatakbo ng sasakyan. Alam mo bang accident prone area to?”
Driver: “Kaya ko nga po binilisan ko e para malagpasan ko agad!”

oOo

Boy: “Balbon ka pala.”
Girl: “Oo, bakit?”
Boy: “Suwerte ka.”
Girl: “Ows!”
Boy: “Oo suwerte ka”
Girl: “Ano nga ba ang dahilan at suwerte ako?”
Boy: “Kasi sa dinami ng buhok mo hindi ka naging unggoy!”

oOo

Sa Brgy. Ayala Alabang..
Man: “Miss, condom nga. Pakibilisan, nagmamadali ako.”
Saleslady: “Teka sir, meron ba kayong reseta?”
Man: “Bakit? Kailan pa naging sakit ang libog?” đŸ˜›

Continue reading

Fast Food

fast food We all know that one reason why fast food is so popular nowadays is because for lower amount you can already get a filling meal.

Why is it inexpensive? It is because fast food is usually made with cheaper ingredients. Well, eating fast food is not really bad as long as you eat only every once in a while. However, be reminded that fast food is usually high in fat, (follow it up with fat burning supplements) calories, cholesterol and sodium.

Again, always remember that too much consumption of fast food can lead to health problems such as high blood pressure, heart disease, and obesity.

Mom And Daughter Bonding

k One of the best gifts that I received in life is my daughter, Keziah. Even before, I always wanted to have a daughter. Now that Keziah almost 15, the more that I love being a mother to my daughter. I am so glad that the ties that binds us as mother and daughter seem even stronger now.

Going shopping together is one activity that strengthens the bond between me and Keziah. Whether it’s choosing of what’s the best treatment for acne is advisable for her skin, to window shopping or finding hidden treasure in ukay-ukay (thrift store), shopping is always a retail adventure that we truly enjoy.

By the way moms out there, when you go shopping with your daughter, one tip that I can impart is always take your daughter’s opinion into consideration. It will help her build more self-confidence.

Ang Gulo

protester Nakakalungkot. Katatapos lang ng kaguluhan sa Egypt, pero eto na naman… amoy-warlalu na naman sa ibang arab countries. Daming protesta ang nangyayari ngayon sa kani-kanilang kalye, purok at barangay doon sa Bahrain at Libya. Sus, pati na rin ata sa Greece. Ano ba ‘to? Parang USO lang? So gulo!

Pumapalag na ang mga otaw sa tagal at mala-mighty bond na pagkunyapit sa kapangyarihan ng mga namamahala sa bansa nila. Sawa na sila sa mga kasalukuyan na naghahari-harian lalo na sa mga ka-shitan nila. Gusto nila ng pagbabago. Karamihan ay parang gusto sumigaw at humingi ng atsara sa sobrang umay nila sa gobyerno nila.

Klaro, eto ay indikasyon lamang talaga na lahat ay may hangganan. E di ba, ayun sa walang kamatayang chuva: walang bagay dito sa mundo ang permanente  kundi – ang pagbabago. (Yung pag-ibig ko lang sa kanya ang permanente. charot!) Pansin ko nga, kahit yung angkin-ganda ko, ay nagbabago na rin. Paganda lang naman ng paganda ako ngayon. Weee! Ayuf! Lol!

Hays…wag lang sana magkagulo sa Saudi Arabia dahil tiyak lahat tayo sa buong mundo ay malilintikan sa pagtaas ng petrolyo.

Nakaka-stress talaga ang sobrang pakikinig ng balita sa TV lalo na dito sa Pinas. Daming ka-shitan at ka-lechehan. Lalo na ngayon sa araw na ‘to, anibersaryo ng EDSA. Asows! Kahit sa Twitter…dami na naman nagmamagaling, nagdudunong-dunungan. Inglesan ng inglesan! Plastikan ng plastikan!

Kaya ako…dito sa haus, hindi na ako ume-effort na makipag-agawan sa mga bagets ko sa remote control ng TV. Binata at halos dalaga na ang mga junakis ko, pero Disney Channel at Cartoon Network pa rin ang lagi pinapanood dito sa haus. Kalurki!

Ok na yun sa akin. Kesa naman makinig ng mga nakakawindang na balita. Kelangan alagaan din natin ang sarili at mag censor tayo mga walang wenta na balita. Magulo na nga sa labas at sa ibang bansa, at least dito man lang sa loob ng bahay ay may kapayapaan kami. Walang gulo, walang bangayan, walang stress at higit sa lahat, ako at ang mga bagets ko ay – PETIKS la-ang.

Enjoy your weekend everyone!

 

oOo

My home is my palace. It’s the most comfortable place in this world.