:( at :((

sad icon Ayayay! Limited akses na lang ako ngayon sa internet. Tsk! Masamang senyales to! Unti-unti na ba mabubura ang alindog ko sa cyberworld? Waaaah! Wag naman sana. Mami-miss ko si bespren Google higit sa lahat. Crying

Heniweys, limitado man ang mga oras ko sa internet ay kelangan samantalahin na lang ang mga pagkakataon pag naka-online. Hataw na kung hataw sa pagpo-post. Kelangan akapin ko na lang talaga ang mga anumang pagbabago kahit masaket sa debdeb. Huhuhu!

Pssst! Sino ba diyan ang pwede akapin? Pa-stretch naman ng mga arms nyo. Payakap naman o! (with matching tulo ng tears pero sa kaliwang mata lang. Praktisado.)

Maraming pagbabago ang nagbabadya. May mga mawawala at maiiwan na nakasanayan pero siempre kahit ano mangyari, magsara man ang  lahat na nakabukas, matuloy man ang chuva ek-ek na pagsasara ng Facebook sa March 15, magmatigas man si Mubarak sa pwesto nya sa Egypt, matuloy man o hindi ang Valentines Day sa Feb14, basta tuloy-tuloy lang ang Maruism ko.

Seryoso, magkamatayan na! (Umo-OA na!) Hangga’t may pambayad ako kay webhost, hindi ko isasara ang Maruism ko. Hehe! Eto na lang ang tanging meron ako.Sad Dito lang ako. At AKO ‘to! Iwanan na ako ng iba pero hindi ako mang-iiwan. Hindi ko iiwanan ang blog ko kasehodang dumayo pa ako sa gusgusin na internet cafe sa kabilang kanto.

Walang iwanan sa pagbo-blog, Mamaru! Walang atrasan ini! Makikibaka ako! Makikipaglaban! Makikipagkapit-bisig at hindi ako titiwalag sa hanay! Choos!

Laban kung laban sa buhay!

Aryaaaaaaaaaa! (tumatakbo. . .pasulong. . . guma-Gabriela Silang pero naka-tube at naka-pekpek shorts ang attire at iwinawasiwas ang mapurol na itak!)

3 thoughts on “:( at :((

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *