Diskarte at Handa

Sa Feb 22 pa ang 20th birthday ng unico hijo ko. Pero last week mega-request na ang mokong: "Ma, pwede bang mag-advance birthday treat ako this coming Sunday? Kahit mag lasagna ka lang at spaghetti ok na. Papuntahin ko sana ang Frisbee teammates ko dito sa bahay. More or less mga 20 kami."

Nawindang ako sa dami and to think na mostly sa kanila eh mga barako. Siempre I said OK. Parang na-stress ako sa kaiisip kung paano ako maghahanda eh mag-isa lang ako at walang katulong.

Esep-esep ang Mamaru. Kako kelangan pag-isipan ng diskarte para naman hindi ako mabugbog sa pagod sa pagluluto. Kahit lasagna lang at spaghetti ang request ng junakis ko…siempre nag isip pa rin ako kung ano pa ang ibang pwede i-serve sa mga ka-prendship nya.

Andun yung nag-isip ako na magbi-bake ng cupcakes at lagyan ng butter icing instead na bumili ng birthday cake sa labas. Para kako makita naman ng junakis ko ang special na effort ko. Andun yung maglu-lumpia, andun yung anik-anik pa ang mga binalak kung lutuin at gawin. Pero sa kahuli-hulihan, naging kabado ako sa mga binabalak ko. Eh kasi parang kakapusin ako sa oras ng paghahanda dahil may Confirmation din si Keziah noong Sabado.

Buong Sunday morning lang ang meron ako para magprepare dahil darating ang mga bisita ng mga 2pm. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay yung dadatnan pa ako ng mga bisita na aligaga pa rin sa pagluluto sa kusina at nanlilimahid ang itsura ko. Gusto ko…pag dumating ang mga friendlalu ng anak ko…mag-iinit na lang ako sa mga dapat initin na food. O kaya magse-serve na lang ang cutiepie na madir ni Kevintot sa mga bisita. Ahihi!

Hays…trulili, sa pagpa-plano pa lang ng diskarte ay parang napagod na ako. Ako lang kasi ang kikilos sa pagluluto.

Suddenly parang may bumbilya na umilaw sa tapat ng bungo ko. (na may matching background sound na "toink!") Naisip ko bigla ang salita ng namayapang Cory Aquino. Nai-save ko ang quote na yun sa selpon ko.

Eto yung talak ng dating Presidente Cory Aquino sa doter nyang si Kris nang magbalak mag-enrol ni Kristeta ng baking noon. Diniscourage siya ni Madam Cory.

Sometimes we unnecessarily complicate our lives because we think that the more effort we put into something the better it turns out, or the more special it becomes. And yet we fail to see that there is beauty in simplicity. It is often the most simple things that turn out to be truly beautiful. True. Why torment ourselves. Time is often the best gift we can give to our families. When we waste that time unnecessarily, then we lose what we could have given in the first place.

Ayun! Nahimasmasan ako. Bakit ko pa nga ba naman pahihirapan ang sarili ko? May mga paraan naman para mapadali sa mga gagawin at makakatipid sa oras. Bakit nga ba hindi ko na lang simplehan?

Ang isang diskarte na ginawa ko? Bumili ako ng McCormick Hot and Spicy Chicken Marinade para dun sa binili kong chicken drumsticks at McCormick Chicken Pandan Marinade naman para sa chicken thighs.  Ayus! Solb na kako. Marinade lang at mababawasan na ang hirap ko. Sabado pa lang, binabad ko ng magkahiwalay ang drumsticks at thighs. Hinayaan ko syang marinated for more than 24 hours.

Kinabukasan, Linggo, magkasunod-sunod kong ni-roast sa oven ang mga hiwa ng manok…then isinunod ang lasagna….then imbes na spaghetti…nag carbonara ako.

collage

Yung cake at ibang food? Ay naku! Binili na lang namin sa labas noh! Pareho lang naman din yun. Haha!
Ayun! Wala pang alas onse ng umaga….tapos na ako sa pagluluto. Nagkaroon pa ako tuloy ng oras para makapagtampisaw at maligo sa ulan. Hehe! Nauna ko nga lang nai-post dito sa blog yung ligo ko sa ulan.

Kevin had a good time with his friends here at home last Sunday. Pwera sa pasta carbonara na may konting natira, ubos ang handa! Dabest daw yung roasted chicken. Dabest daw yung lasagna ko. Naks! Pero ang pinaka-dabest sa nangyari noong Linggo ay ang makita ko ang bagets kong masaya at kuntento sa ginawa kong pagtupad sa hiling nya…kahit napaka-simple lang preparasyon namin.

Sarap maging nanay, pramis!

 


5 simple rules to be happy: Free your heart from hatred. Free your mind from worries. Live simply. Give more. Expect less.

Related Posts with Thumbnails

16 Comments

  1. Hi mamaru…

    u inspire mo to be a better mom to my daughter…ive been ur reader ever since and ive mentioned that like you im also a single mom…

    there are endless joys with being a mom to our kids…

    ur my epitome of a cool and responsible single mom…

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @sol, ayayay! ganda naman basahin ng mga ganitong comment! more! more! more! hahaha!
    Thank you so much for your loyalty. Musta ka na?
    O di ba, kahit sinasabi nila na madali ang magbuntis pero mahirap maging ina, waging-wagi pa rin ang maging ina. Very fulfilling talaga. Salamat din sa inspiration …type ko tuloy na magpursige pa ako na mas maging mabuting madir dahil sa sinabi mo. Bless you, Sol.

    [Reply]

  2. mamaru,pwede bang mag lasagna sa stove top or kelangan talaga ng oven?

    ^_^

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Sai, hindi ko pa nasusubukan ang mag lasagna na hindi gumamit ng oven. Pero sa pagkakaalam ko may mga No-Bake Lasagna recipe. Kung wala kang malaking oven…pwede naman gumamit ng toaster oven o kaya microwave. Yun nga lang ia-adjust mo ang container. Ang silbi lang naman nung baking ng lasagna ay para i-melt yung cheese. At siempre para na rin magkaroon ng konting brown dun sa toppings.

    Sai, try mo i-google na lang yung no-bake lasagna recipe.

    [Reply]

    SaiNo Gravatar Reply:

    @MARU, thanks mamaru

    [Reply]

  3. Hi Maru! He, he. Medyo tinatamad ka yata as of late. I have been reading the same blogs for two or three days now. I told you once, and now I am reminding you again, I read your blog everyday … as in everyday! Thanks for the many insights. Ding

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Ding Vega, medyo busy lang ako sa showbiz career ko, bossing. Madaming shooting, presscon, pictorials at out of town shows si Mamaru. Hehe!
    Nag-aalala din kasi ako at baka naman kayo maumay agad sa akin. Charing lang! Yaan mo at babawi na lang ako sa mga susunod na araw.

    Maraming salamat sa pagsubaybay, sir! Nakaka-kolesterol sa puso ang mga sinabi mo. :D

    [Reply]

  4. Hi Maru!

    Hi Maru!

    Remember Faust, the protagonist of the novel which Goethe created? During his early years, he was very bold and daring… he concentrated on learning how to speak all the languages, read all the books he could find, and seduce every woman he sets his eyes on. For many years he was like that…achieving, achieving, achieving. He had this wild idea that perhaps he would live forever and he is home free, so to speak, in whatever thing he does. And true enough, he got what he wanted.

    But in the end, in his older days, he began to mellow. Instead of living an out-of-focus life… he started to build! He created irrigation systems, built dams, planted vineyards… he practically did everything imaginable the human hands can do. He became a builder instead of a destroyer. In his eighties, nearing his end days… he surmised everything and saw what he had done. His fulfillment came from the latter and not the early part of his career… from disillusionment… he bounced back and did what perhaps was his calling in life… to build!

    Well, so to speak, you are building something here. Your beliefs, your convictions, what makes you happy, what does not make you happy. I like that. Quite a lot if I may say so. Spending half a day cooking just so you would entertain 20 friends of your son, and not even on his natal day! Woah! A perfect mother, if I may say so.

    Maru, long live simplicity! Woohoo!

    Ding

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    *nangingilid ang luha*

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Sir Ding, bakit hindi ka gumawa ng blog? Alam mo ang dami mo pwede i-share sa mga readers mo at ang dami mo pwede i-inspire.

    Maraming salamat talaga. Ang ganda!

    [Reply]

  5. Hi Maru!

    You know, my father is the ‘pinakamabait’ na tao sa buong daigdig! Well, to me at least. I must have told you that I drink a little bit. He also drinks some, but when he is drunk, unlike many other people, he becomes the tamest of men rather than a lion supposedly we drunkards turn out to be at the height of alcohol intake. His ‘wisdom’ permeates whenever there is beer or gin in his body. And that is why many a folks from our barangay would invite him to be their ‘padrino’ for almost anything. Kasalan, mga asunto, promotions here and there, and lots of other what nots.

    He was also sort of a Michelangelo! He painted the ceiling of our elementary school, the Adriatico Memorial School, and to this day, his painting is still there for all the students to see. Whereas Buonarotti (first name of Michelangelo) dealt on the Creation of God, my father painted the universe…and so goes the planets and the stars and all other constellations…for everyone to see. Hey, did you know that the earth is the only planet not named after a god, whether of Greek or Roman descent? I mean, Mercury up to Pluto are named after deities, why leave Earth all on its own? Well, another question for the gods to answer!

    I miss him very much. I remember one time, my brother and I went home from Manila for our regular sem break during college days and of course he was very happy to see us, pero siguro walang pera at that time, and he was asking us whether we would like to eat some papaya. Ang galing kasi magtanim noon e. Out of say 300 seeds he would plant, 299 would grow. And so, ang dami nyang papaya, and some were already ripe for the picking. Aba e sya pa yong umakyat, kita na namin ng brother ko yong bayag nya habang umaakyat, pero pinagbigyan na din namin. Napapahiya kami sa aming sarili, but that was all that he could offer his sons at that time. That was the sweetest fruit I have ever tasted … in my life!

    He suffered a stroke when he was about seventy years old – cerebral thrombosis – and for the last ten years of his life, my mother took care of him. My father was teaching science from age 18 until the time of his incapacitation. He could not utter a word during those ten years. A meron pala, isa lang…whenever we his children would ask him what he likes…he would only say one thing…puki!

    And another one bites the dust.

    Maru, forgive me for reminiscing so much. Na touch lang talaga ako sa care mo for your children. I care so much about my children also, kahit na tatatlo lang yon. But I think, you do more! I mean, you care more. God bless you..

    Ding

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Ding Vega,

    “whenever we his children would ask him what he likes…he would only say one thing…puki!”….

    …Nyahaha! Natawa ako dito a!

    Ayos ka talaga sa sharing, sir Ding! Palitan mo na kaya si Kuya Kim Atienza? Hahaha!

    Na-miss ko rin tuloy tatay ko. :(

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

CommentLuv badge