My First Homemade Apple Pie

Apple Pie

Buong maghapon na humahalimuyak ang tahanan ni Mamaru. Amoy cinnamon! Kung kapitbahay mo ko…tiyak mamahalin mo ko dahil aabot sa inyo ang bango ko! Tongue

Pramis ko sa sarili ko na ‘tong weekend na ‘to ay mag i-effort at gagawa talaga ako ng apple pie ko. Ewan ko ba naman kasi, laway na laway ako at gusto ko lumamon ng apple pie. Pwede naman bumili sa Mcdo para matahimik na ako sa craving ko. Pero hindi eh, tigas ng bungo ko. As I’ve said…gusto ko mag-effort! (Halatang ayaw magmukmok ng kahit isang segundo sa bahay!) Tsaka ang tagal ko na rin kasi hindi nakakapag-bake.

Wala naman espesyal na okasyon sa araw na ‘to pero since pinabulagta na rin lang kanina ni Donaire ang mexicano nyang kalaban sa boksing…eh sige na nga, kunyari inihahandog ko na rin sa kanya ang epol pie ko. Ang galing ni Donaire! Congrats! Mabohey eng Penoy!

O sha! Looky! Looky! Eto ang mga kodak at resulta ng kitchen diva-divahan ko kanina.

For pie crust ingredients:

  • 2 cups All-Purpose Flour
  • 5 tablespoon Sugar
  • 2/3 Butter Margarine
  • 6 tablespoon Ice cold water

DSC02404_2 DSC02407_2

Mix flour and sugar. Cut-in butter margarine until mealy consistency. Add iced water gradually.Form into one large ball. Divide into 2.

DSC02409_2 DSC02410_2

Roll thin to fit 9” pie plate. Prick crust with fork before filling.

DSC02411_2 DSC02412_2

Ingredients for apple filling:

  • 5 large apples
  • 45g unsalted butter
  • 1/3 cup brown sugar
  • 1 tsp ground cinnamon
  • 1/4 tsp ground nutmeg
  • 1 Tbsp vanilla extract
  • 1 Tbsp maple syrup
  • 1 tsp flour

Preheat oven to 180C. Peel, core and dice the apples.

DSC02395_2

Place the butter and sugar in a large saucepan over medium-low heat. When butter has melted, add apples and spices, then stir to coat. Cook, stirring occasionally for 10 minutes or until apples have softened. Set aside to cool.

Fill your pie plate with the pie filling.

DSC02415_2

Top with a gorgeous lattice crust.

DSC02417_2-1

Bake for 45 minutes.

DSC02426_2-1

When the pie has cooled dust with icing sugar.

DSC02430_2-1

Dati, ordinaryong margarine lang ang ginagamit ko pag gumagawa ng crust. Pero ibang-iba pala ang sarap pag ang ginamit ay butter margarine o kaya butter talaga. Pwera yabang, ang sarap ng crust ko ngayon dito sa apple pie ko. Pero siempre, kung masarap ang crust ko, may sasarap pa ba sa akin? Ahihi! Ang kiri!

DSC02445_2-1

Wala ang unico hijo ko kanina at nasa practice ng Frisbee nya kaya kami lang ni Keziah ang nagmeryenda. Tsaka alam ko iisnabin lang ni Kevintot ang apple pie ko. Kasi ayaw nun ng apples.

DSC02441-1

My first homemade apple pie.Love Struck

oOo

We lose some things. Reasons may be hard to understand, But know that God takes away when he has something better to give the next day.- Lifetips101

5 thoughts on “My First Homemade Apple Pie

  1. Wow mukang masarap to ah. gano mo katagal ginawa to kasama lahat ng preparations? Mukang magandang dessert to for the coming Christmas.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Joe, Nakow pasensya ka na. Hindi ko matandaan ang preparation time. Pero di naman sya aabot ng buong araw:D Medyo mabusisi lang ng konti sa paggawa ng crust kasi nag inarte pa ako eh. 😀

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *