Ang Gulo

protester Nakakalungkot. Katatapos lang ng kaguluhan sa Egypt, pero eto na naman… amoy-warlalu na naman sa ibang arab countries. Daming protesta ang nangyayari ngayon sa kani-kanilang kalye, purok at barangay doon sa Bahrain at Libya. Sus, pati na rin ata sa Greece. Ano ba ‘to? Parang USO lang? So gulo!

Pumapalag na ang mga otaw sa tagal at mala-mighty bond na pagkunyapit sa kapangyarihan ng mga namamahala sa bansa nila. Sawa na sila sa mga kasalukuyan na naghahari-harian lalo na sa mga ka-shitan nila. Gusto nila ng pagbabago. Karamihan ay parang gusto sumigaw at humingi ng atsara sa sobrang umay nila sa gobyerno nila.

Klaro, eto ay indikasyon lamang talaga na lahat ay may hangganan. E di ba, ayun sa walang kamatayang chuva: walang bagay dito sa mundo ang permanente  kundi – ang pagbabago. (Yung pag-ibig ko lang sa kanya ang permanente. charot!) Pansin ko nga, kahit yung angkin-ganda ko, ay nagbabago na rin. Paganda lang naman ng paganda ako ngayon. Weee! Ayuf! Lol!

Hays…wag lang sana magkagulo sa Saudi Arabia dahil tiyak lahat tayo sa buong mundo ay malilintikan sa pagtaas ng petrolyo.

Nakaka-stress talaga ang sobrang pakikinig ng balita sa TV lalo na dito sa Pinas. Daming ka-shitan at ka-lechehan. Lalo na ngayon sa araw na ‘to, anibersaryo ng EDSA. Asows! Kahit sa Twitter…dami na naman nagmamagaling, nagdudunong-dunungan. Inglesan ng inglesan! Plastikan ng plastikan!

Kaya ako…dito sa haus, hindi na ako ume-effort na makipag-agawan sa mga bagets ko sa remote control ng TV. Binata at halos dalaga na ang mga junakis ko, pero Disney Channel at Cartoon Network pa rin ang lagi pinapanood dito sa haus. Kalurki!

Ok na yun sa akin. Kesa naman makinig ng mga nakakawindang na balita. Kelangan alagaan din natin ang sarili at mag censor tayo mga walang wenta na balita. Magulo na nga sa labas at sa ibang bansa, at least dito man lang sa loob ng bahay ay may kapayapaan kami. Walang gulo, walang bangayan, walang stress at higit sa lahat, ako at ang mga bagets ko ay – PETIKS la-ang.

Enjoy your weekend everyone!

 

oOo

My home is my palace. It’s the most comfortable place in this world.

5 thoughts on “Ang Gulo

  1. bet ko ang iyong post ngayon. 🙂
    tama ka, andaming nagmamagaling at nagmamarunong sa twitter ngayon.
    hindi narin ako nanonood ng news e.

    Malapit na birthday mo.. HAPPY BIRTHDAY!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.