Hahaha!

‘La lang, napatawa lang talaga ako ng main sponsor ko ng mga SMS jokes ko dito sa Maruism na si Mike.

Eh kasi babati din lang ng Happy Birthday ang loko ay sinamahan pa ng request na para bang mapapasubo yata ako.Lol!

frommike

Hindi ko akalain na curious si Mike kung may birthday greetings din si Kups sa akin. Hahaha! Heniways, sige isi-share ko.

Pero magpapakatotoo muna ako ha?

Kasalukuyang hindi kami in speaking term ni Kups. Gaya din ng ibang couple na nasa relasyon ay hindi kami exempted ni Kups sa mga pagsubok. Nagiging sunod-sunod ang problema namin lately.

For the record, ok na ok kami ni Kups sa isa’t isa. Wala kaming duda sa nararamdaman namin. Yun nga lang, may mga ibang tao na para bang napaka-determinado na sirain kami. May mga nakikialam na mga nakapaligid sa amin. Ayun tuloy nagkakaroon kami ng problema, naiimpluwensyahan kami at nagkakahinanakitan. Haays, para tuloy kaming showbiz couple na binabato lagi ng intriga. Okinams! Lol! Ang kunswelo na lang talaga namin dalawa ay yung katotohanan na kung meron man kami nagiging problema, kadalasan ang dahilan ay hindi nanggagaling sa mga sarili namin mismo.

Impernes, personally, ang dami ko natutunan sa relasyon namin ni Kups. Hindi basta-basta ang wento namin.

Pero bilib lang din ako sa aming dalawa ni Kups kasi kahit may pinagdadaanan kami at hindi nag-uusap, never naman kami nagbabatuhan ng mga masasakit na salita o nagsisiraan. We rather keep quiet na lang and give space sa isa’t isa para magpalamig.

Hehe! Nangingiti ako tuwing naalala ko ang minsan na sinabi ko kay Kups noon. Na kung saka-sakaling man na magkatuluyan kami o halimbawa maging mag-asawa kami, siempre siento por siento na hindi talaga maiiwasan na magkakaroon kami ng away. Bilin ko sa kanya, mag-away na kami kung mag-away, tampuhan na kung tampuhan, basta wag na wag namin idadamay ang sex life namin. Hahaha!

Kumbaga, pagdating sa kembelar sa bed kelangan kalimutan ang away. Kelangan ceasefire! Tsaka na lang i-resume ang warlalu pagkatapos na ng escabechehan at kembotan. Wahaha! Howel, sabi ko lang naman yun. Wag nyo ko seryosohin.

Nagpapasalamat ako kay Kups kasi hindi naging madamot sa pagpapakita ng concern sa akin kahit hindi kami maayos sa ngayon. Siguro, ganun naman yata dapat ang maging attitude ng couple. Ang huwag kalimutan ang magpakatao at sa pagpapakita ng respeto sa isa’t isa.

Linggo pa lang, bumati na si kups sa akin at kay Kevin.

from kups

At hindi naman din sya nakalimot na sundan pa ang pagbati noong Sabado.

fromkups

Hindi ko naipaalam kay Kups na ipo-post ko ‘to pero sana maintindihan nya. (Kasalanan ‘to ni Mike! Hehe!) Tsaka bertdey ko naman eh. Lol! Ang intensyon ko lang naman dito ay ipa-abot sa mga readers kong nasa relasyon din na kahit anong laki ng tampuhan nyo, kasehodang umabot na siguro sa hiwalayan ay hinding-hindi masama na magpakita pa rin ng pagki-care o malasakit sa partner lalo na kung yung feeling of concern mo ay talagang super-sincere naman.

 

oOo

 

People living deeply have no fear of death.- Anais Nin

11 thoughts on “Hahaha!

    • @elen: thank you so much, elen dear. saan ka ba nagtago at hindi tuloy kita naimbita sa bonggang debut party ko kahapon. Siempre ang sinabi kong ‘to ay charing ko lang as usual. Again, salamat teh!

  1. Hi Miss Maru. I’ve been an avid reader of your blog since December. Your blog entries really make my day after a day’s work especially the jokes that I am sharing with my B. I also like the way you do you post your entries just like the lasagna recipe which I have tried and my co-workers are very much delighted when I shared it to them.

    Anyways, how do you do those nice artworks? is that a scrapbooking software you are using. It is very nice. I would be very grateful if you could share it with me.

    Thanks a lot and Happy Birthday.

    May God Bless you always.

    Peachy

    • @Peachy, thank you so much! I like your comment.
      Re: scrapbooking. Gagawa ako ng blog post tungkol dito sa request mo. Give mo lang si Mamaru ng konting time kasi may tanggap akong labada lately. Hahaha!

  2. Hi Maru!

    You know the novelist Stephen King? Well , he wrote a short memoir depicting his early struggles in life while wanting to be a writer and a family man at the same time. He and his wife lived in a small apartment somewhere in the Midwest. Although he worked as a part-time teacher, he would do second jobs such as a gasoline station attendant and other what nots in order to make ends meet. But he would keep on writing…night after night…or whenever he could find the time. His wife stood by him all those years… of not knowing where and when the next meal would come from.

    One day, he finally finished one novel. But he was very frustrated with it, he took the whole manuscript and threw everything in the fireplace! Good thing that his wife was there and before everything turned into ashes, she was able to salvage the core of the novel. In the end, she was able to convince him to please send the completed task to his publisher. Grudgingly, and with nothing to lose anyway…he sent the manuscript…and forgot about the whole thing.

    Months and months passed. And then one day, he got a call from his publisher. The very first words the publisher uttered were: ‘Stephen, hi, how are you? Are you standing? Well, if I were you, I will sit down or find a comfortable place before I tell you what I am going to say.’ Mr. King said: ‘What, what? Please tell me now.’ Wherein the publisher said, ‘Believe it or not, the editors think that your novel has a lot of promise and they would like to take a gamble on it! We will print a few thousand in hardbound and maybe 5,000 copies in paperback edition for now. They are willing to pay you an upfront fee of $250,000 if you are agreeable with that.’

    And a very long silence transpired…

    ‘Stephen, Stephen, you still there?’ asked the publisher. And Mr. King was just crying and crying and crying…not knowing what hit him! ‘Yes, I’m still here. Thank you, thank you, thank you…very much indeed!’ You know what the title of the book was?

    Carrie!

    The one book that launched all those horror flicks. It was turned into a movie starring John Travolta and Sissy Spacek as Carrie herself. It is considered one of those cult movies, one that will linger in the hearts and minds of movie conscious people and one that will be watched over and over again by movie buffs such as myself. Can you imagine what could have happened if the wife did not swipe the manuscript in time from the burning furnace?

    Now, how is that for support from a loving wife? You know, even if I wanted to become a politician, I will never be one.

    You know why? My wife is very wary of visitors. People that she does not know, she is suspicious of them all. If I invite to our house people from the streets just for a drink or two, she thinks that we will be robbed of something. My neighbors are all very good…sure some are quirks and of course I stay away from them…but it is this ‘bastos’ attitude that really gets into me. One time, I was drinking with an elderly person in front of his house just a few meters away from our place…when my wife came…passing us…on her way home from her work.

    Mang Anton very politely said: ‘Good evening po, Doktora!’ And nothing, no response at all, kahit pabalat bunga man lang. She just went straight her way, with dagger looks and what not. Ah shit, I told myself, is this the kind of life that I would like to live…that I would keep on defending my friends or people who are of age who just happened to be with me at that time…and they are being ignored by this one person who happened to be my wife? Ridiculous, isn’t it? Pero mabait naman sya sa mga common friends namin, lalo na doon sa members ng Married Couples Fellowship sa church.

    Forgive me for asking…but are you like that at all, Maru? We all do things that irritate one another for some unexplained reason. But I have always believed in friendship, in being loyal, and in being decent and well-mannered both to the well off and to those who are ‘isang kahig, isang tuka’ folks. Pasensya ka na, napag babatuhan kita ng mga frustrations ko in life. But it is not only now, but like I said, from day one. Kung ikaw siguro ang magbabawal sa akin, baka mapagbigyan pa kita – he, he, pero I do not really see anything wrong with what I am doing now. I have more than enough resources for me just to take everything easy. Madali na yan, so to speak.

    It is a good thing that we do not know each other, and yet somehow ‘know’ about our frustrations in life. We will forever remain true with our commitments to our families, then again, our ‘commitments to ourselves’, who we truly are, is something else! Wouldn’t you agree? I somehow understand, perhaps just slightly, what is going on between you and Kups. Then again, I may not!

    God Bless,

    Ding

    There will always be ‘slight spats’ here and there in relationships. Hey, did you know that ‘spats’ are commonly used as answers to crossword puzzles, addict that I am to crossword puzzles.

    I am not a Counselor. Nor would I want to be one. Parating may differences ang couples. Married or not. BF/GF or otherwise. I can only hope and pray that you would be able to resolve your differences with your beau!

    Sincerely,

    Ding

    • @Ding Vega: Yan ang gusto ko sau kasi nag i-effort ka talaga sa comment mo to give us inspirational story to think of. Parang naninibago ako pag wala kang wento na nisi-share. Maraming salamat po sa yo.
      Sir Ding, I’m going to make a blog post diyan sa tinatanong mo sa akin. Medyo sabog lang ang isip ko ngayon pero pag naging maayos na ako…i’ll share to you my thoughts.

  3. Hi Maru!

    You’re a great blogger and writer! Nasa office ako ngaun and I should be doing my task pero napadaan pa ako sa proxy server para check lng tong daily outputs mo! It feels me so good and relax! I enjoy reading your articles! Keep it up! 🙂

    • @Naino dear, may impression ako sa u na napaka-smart mo kaya words of appreciation coming from you – I’m honored! Alam ko hindi pwede sa workstation nyo ang mag browse ng mga blog. Pero kita mo naman…binibigyan mo talaga ako ng oras para silip-silipin at basahin sa proxy server nyo.Touched!
      Josko! Hindi naman kaya lumaki ang ulo ko sa sinabi mo? Char!
      Maraming salamat, Nains!

      • @MARU, Ulo ko yata ang lumaki sa sinabi mo!ehhehehe!Eto kagigising ko lng and I am taking my time para basahin at magreply sa comment mo. And take note sinisinat pa ako kc naambunan ako kanina pero mejo okay na ako. Salamat sa tempra!Echozday!
        Marse, maraming reader ang inspired sa blog mo at isa na ako cguro sa mga avid fans and you know what you are letting me to continue blogging and writing. Nagsawa na ako dati pero dahil sa’yo, eto…the journey of blogging continues! Thanks a bunch!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.