Tenkyu

Gusto ko mag TENKYU sa lahat na mga bumati suckin kahapon, siempre unang-una yung mga ka-Friendster ko sa Facebook, sa mga kapamilya, kapatid, at kapuso na nagpadala ng text, mga bumati sa radio at TV (chos!), sa nagpa-publish sa newspapers at tabloid, at kahit dun sa mga gumawa ng smoke signal para batiin lang si Mamaru ng Happy Birthday.

thank you

Pero siempre gusto ko i-special mention sina Orly, Gay, Marie, Sybil, Marian, Dennis, Thelma. CharMed, Rey, Rhea, Mavie, Gemma, Zaizai, Ding, Ellaine, Mike at Kups na tumugon sa hiling ko.

Alam ko mga busy kayong tao. Hindi man ninyo ako kilala ng lubusan, hindi man ninyo ako ka-close at hindi man ninyo ako nakita kung gaano kaganda sa personal (Ahihi!) – SALUDO po ako sa inyong lahat.

Grabe ha, hindi talaga kayo nagdamot sa akin ng ORAS para regaluhan ng mga salita ninyo. (Salamat at di na kayo nagpasuhol. Lol!) Confirmed, wala sa katawan ninyo ang pagiging madamot. Mga ning at dong, alam nyo ba na may kasabihan na ang taong hindi madamot sa ORAS ay kadalasan ay hindi rin daw madamot sa pera at sa pagmamahal? Para sa akin, trulili yan at wa eklavu!

Heniways, alam nyo, ang sarap ng feeling! Pramis! Kung may blog kayo…try nyo gawin ang ganung gimik sa birthday nyo para maka-relate kayo. Masarap din sa puso ang nakakatanggap ng material na bagay bilang regalo. Pero iba rin pala ang ganitong gimik. Hindi matatawaran. Kung nakita nyo lang sana ang ngiti at tawa ko sa loob ng limang araw langit sa pakiramdam. Sus, sana noon ko pa ginawa ang ganito. Lol! Namihasa!

Imbes na itago sa email inbox ko, sinadya kong gawan ng entry ang bawat birthday messages ninyo kasi gusto ko sila manatili sa blog ko ng matagal.

Alam ko gagapangin yan ng Google robot at hindi magtatagal ay mai-index din yan sa mga web searches, at kakalat sa cyberspace. Trip ko mabasa ng mga ibang tao sa buong mundo na abot ng internet ang mga ginawa ninyong messages. Para ano? Wala lang. Gusto ko lang magyabang! Bakit ba! Wag silang mangialam noh! Lol! 

Uulitin ko, MARAMING SALAMAT sa inyo…for making me feel like SPECIAL…child! Ahihi! Havey na havey talaga!Party

 

oOo

The only people you should allow in your life are the ones that prove they deserve to be.

-Marty Lawrence

8 thoughts on “Tenkyu

  1. Ay your welcome po! I could have than more than that my friend. Puwede kitang ipag-laba, palantsa. Bunutan ng buhok sa kili-kili. kahit na ano. Friendship kita e. 😉

    • @zaizai, you will always have a soft spot in my heart. Wish ko rin sa u…sana maging bonggacious na talaga ang lablayp mo. Ang bait mo pa naman.

  2. Happy belated birthday sau…cencya na d naka greet ng bday mo mismo..ma(beauty) busy kc ang araw ko that day..ur welcome maru…sana nag enjoy ka sa iyong kaarawan at naway may natirang manok at mamoy..lol…luv u:)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.