SMS Jokes 2011-187

"HAPDI"
Yan ang tawag pag pumasok ka ng kalahating araw sa school o sa work.
"Sir/mam, pwde po ba mag HAPDI?" 

There will be less scandals in Catholic churches next year.. .
If Priests and Bishops are allowed to use condoms.

A NEGATIVE person sees the glass of water half empty. . .
A POSITIVE persons sees it half full. . .
But a REALISTIC person adds 100 ml of Whiskey to it and says. . . CHEERS!

One attractive young businesswoman to another over lunch:
"My life is all math. I am trying to add to my income, subtract from my weight, divide my time, and avoid multiplying."

TEACHER: “Billy, stop making faces.”
BILLY: “Why??”
TEACHER: “Well, when I was your age, I was told that if I kept making ugly faces, my face would stay that way.”
BILLY: “Well, I can see you didn’t listen!”

A man came up and shook my hands and asked how my sex life was.
I told him, "You are shaking hands with it."

    Continue reading

    Vintage Bra

    Mga mare, meron ba kayo neto? O kaya nakapagsuot man lang?

    Ako? Sorry, Britney Spears na kasi ang generation na kinabilangan ko kaya hindi ko na-experience ang makapag-suot ng ganitong kalumang sinturon pang-kaligtasan para sa boobs. Lol!

    vintage bra3

    Kalurkey! This reminds me of my late mother dear. Tandang-tanda ko pa ang mga vintage bra kasi ganito lahat ang style na suot-suot niya. Ang tulis!

    Kelangan lisensyado, mga ateng!

    Josko! Pag nagsuot ako neto ngayon…hindi naman kaya hanapan ako ng lisensya? License to wear deadly weapon!

    May nagsusuot pa ba ng ganitong bra ngayon?

    Continue reading

    Monday Merienda: Puto

    Last week pa nagtapos ang klase ng mga bagets ko. Umpisa na ng bakasyon nila, umpisa na ng mga pa chill-chill at maghapon na pakuya-kuyakoy kung hindi man sa harap ng tv, tiyak sa harap ng computer.

    Kelangan ko na naman magkaroon ng idea ng sari-saring pang meryenda na pwedeng lutuin sa kusina kasi tiyak maghahanap ng makakain ang mga amo ko.

    Naisip ko ‘tong kakanin – PUTO. Napakadali lang kasi gawin.

    Puto_4

    Puto

    Imbes na rice flour, all-purpose flour ang ginamit dito. Para sa akin, mas OK sya kasi mas malambot at mas fine ang texture ng puto.

    Ingredients:

    • 2 cups all-purpose flour
    • 2 tablespoons baking powder
    • 1/4 teaspoon salt
    • 1 cup sugar
    • 1 cup evaporated milk
    • 1 cup water

    Preparation:

    1. Sift the flour with the baking powder and salt.
    2. Add the sugar, milk and water. Mix well making sure there are no lumps.
    3. Fill puto molds 3/4 full.
    4. Place uncovered in a preheated steamer and cook for 15 minutes or until risen and firm to the touch.
    5. Remove from steamer. Cool for a few minutes then unmold.

    Takes 25-30 minutes. Makes 18 pieces.

    Recipe Source: In Good Taste cookbook magazine

     

    oOo

    Sometimes, it can be painful when God comes in and rearrange our life. Have faith! God’s answers are wiser than our prayer.

    SMS Jokes 2011-186

    Bagong Kasabihan:

    "Masama ang magtanim ng galit sa iyong kapwa..
    Pero mas masama ang magtanim ng bata sa hindi mo jowa!"

    A guy phones a law firm and says, "I want to speak to my lawyer."
    The receptionist says, "I’m sorry, but your lawyer died last week."
    The next day the same guy phones and says, "I want to speak to my lawyer."
    Again the receptionist replies."I’m sorry, but your lawyer died last week."
    The next day, the guy makes his regular call to the law firm and say,"I want to speak to my lawyer."
    "Excuse me sir," the receptionist says, "but this is the 3rd time I’ve had to tell you that your lawyer died last week. Why do you keep calling? " The guy replies, "because I love hearing it!"

    •  

    MISTER: “Alam mo, kahit lasing akong umuwi, hindi naman ako maingay.”
    MISIS: “Hindi ka nga maingay, pero yung dalawang bumuhat sa ‘yo, maingay!”

    QUESTION: Which is the funniest joke in the world?
    ANSWER: Pull down your pants and you will see!!

      Continue reading

      Alagain Ka Ba?

      Madalas kong mabasa ang ganitong status sa Facebook.

      “Nakakatuwang isipin na may mga taong ayaw kang mawala. . .
      Pero hindi ka naman maalagaan ng tama.”

      Madalas nababasa ko yan mula sa FB status ng mga bilatches at never pa mula sa mga betlogins. Siguro may mga limang beses ko na yata nabasa yan sa feed mula sa iba’t ibang  user.

      loveParang alam ko yata kung ano ang pinaghugutan ng emote line na yan. Marahil feeling neglected na talaga ang isang pudang kaya nakakapag-emote na ng ganyan. Madalas nangyayari ang ganyang angal pag ang isang relasyon ay medyo nagtatagal na. Kumbaga…pag tapos na ang honeymoon stage.

      Kung iisipin mo, hindi gaya noong nag uumpisa pa lang ang relasyon…sus, walang sinabi ang arnibal sa taho o mapapahiya ang asukal sa ka-sweetan ng mag dyowa. Maya’t maya ang text, tawagan, at kung anu-anong pang mga gimik para ma-express lang ang pagki-care sa isa’t isa. Siempre…si babae eh sadyang lambutin ang puso at madaling kiligin, andun yung masasanay, mag i-expect na akala ay palaging ganun ka-caring at ka-thoughtful si boypren – forever.

      Kaso reality bites. Along the way, magsisimulang susulpot na ang mga problema at lilitaw ang mga trials. Masakit man isipin pero meron at meron talagang magbabago sa kalaunan.

      Pasintabi ha, hindi naman sa nilalahat ko. Pero meron din kasing mga lalaki na sa umpisa lang talaga magaling. Habang lumilipas ang mga buwan o taon ay nagiging walang kwenta. Haha! Well, siguro naubos na rin ang pa-impress o pasiklab ni lalaki kaya naman lalabas na talaga ang totoong kulay sa pagiging cold, passive at walang paki.

      “Nakakatuwang isipin na may mga taong ayaw kang mawala. . . Pero, hindi ka naman maalagaan ng tama.” Isip-isip ko, korekekek nga naman. Pero inisip-isip ko ulit, kung problema man yan, may solusyon diyan eh.

      Hindi ba mas nakakatuwa siguro kung. . . “Kung may taong ayaw mong mawala. . .Huwag kang magpa-alaga!”

      Malaki ka na! Wag ka na magpa-alaga! Hindi ko sinasabing itigil mo na rin ang pagki-care kay bf porke’t hindi na sha gaya ng dati. Ang sa akin lang ay, huwag na ibigay ang responsibilidad o kaya i-asa sa boypren na alagaan ka para maging happy ka. Gusto mo ng alaga? Pwes, mag-syota ka ng caregiver? Joke!

      Seryosli, babae ako, alam ko rin ang pakiramdam ng nababale-wala. Shempre nakakapanghina ng loob yun. Natural sa babae ang mag crave ng constant attention mula sa partner. Pero ang relasyon kasi para tumagal, kelangan ng sandamakmak na pasensya, maturity at siempre perseverance. Parang online games din yan…may mga stages na dapat lagpasan at kelangan i-adopt mo ang pagbabago. At para maging winner ka sa puso ng jowa mo, mag level up ka sa attitude mo. Para hindi agad ma-game over ang relasyon, huwag na masyado magpa-beybi. Huwag hayaan masira ang pagmamahalan ng dahil lang sa pagiging KSP, needy at sa pagiging maka-sarili.

      Isa pa, malaking turn-off sa mga lalaki ang mga babaeng masyadong needy. Kaya tigilan na ang mga complain, at ang kaartehan na maging alagain. Ok?

      Hmnnn…harsh yata ng dating netong pagpa-praktis ko na magpaka-Dear Ate Charo. Lol! Bangag pa ako sa gamot! Na-miss ko ang blog ko. Na-Ouch kasi ang Mamaru ng mga ilang araw. šŸ™

       

      oOo

      “Continually give, continually gain.” – Chinese proverb

      Ang Tunay Na Ganda

      Gusto ko ‘tong picture na ‘to ng namayapang si Elizabeth Taylor as Cleopatra.

      elizabeth taylor

      Ang taray di ba? Tinititigan nyo rin ba kung ano ang tinititigan ko? Tayung-tayo di ba? Hehe! 

      Take note, ang “hinaharap” na yan ay all-natural at walang preservatives. Sakto lang ang sukat, hindi kapos-palad at hindi rin sawimpalad. Tunay at walang kabahid-bahid ng “salamat Doc”. Kunsabagay, hindi pa yata uso noon ang mga anik-anik na enhancement. Iba talaga ang mga bebot noong naunang mga dekada noh? Iba talaga ang mga beauty namin – classic! Chos!

      Taylor,_Elizabeth_posed

      At isisingit ko na rin ang trivia na ‘to:

      Among the Hollywood celebrities, sha lang ang feeling kong parang may konek talaga sa akin. Bucket? Eh kasi pareho kami ng birthday noh! February 27! Haha! Kaya siguro feeling ko…amanos lang talaga kami pagdating sa angkin na tunay na kagandahan. Charitooooo!

      Noon pa man, iba na talaga ang alindog ng Liz Taylor. Mantakin mo ba naman 7 jowa at 8 kasal lang naman meron sha!

      Pitong jowa? (Napaka-aksayado sa *totooot*.) Ang dami nyang hombre. Pero kahanga-hanga ang sey nyang ‘to kung totoo man:

      I’ve only slept with men I’ve been married to. How many women can make that claim? –Elizabeth Taylor

      But still, ang dami nyang pag-ibig ha! Para syang si Curacha…ang babaeng walang kapaguran umibig. Bukod dun sa mga pinakasalan nya, baka nga hindi na mabilang kung ilang beses sya umibig, mula sa puppy love, infatuation at mga fling-fling sa buhay nya.  Kunsabagay, kayo na ang manglimahid o magkaroon ng sandamakmak na sex appeal. Talagang sobrang hot and sexy nya noong kapanahunan nya.

      Walong wedding? Good Lord! Tapos ako ni isa wala?! Kumusta naman ang hustiya nyan! Nasan ka hustisya? Ops! Pero impernes, muntik na rin pala ako magkaroon noon ng wedding. Kaso, praktis lang pala yun. Parang joke-only bagah. Nyahaha!

      liz taylor 

      Heniways, Elizabeth Taylor, indeed an exquisite beauty. Natural ang tunay na ganda.

      Kaya pag itinabi mo si Rihanna, si Lady Gaga, si Beyonce at kung sino-sino pang iniidolo sa panahon ngayon, magmumukha lang silang basahan sa classic beauty ni Liz Taylor. Kumbaga sa tela, pag ipinagtabi mo sila, para kang nagkukumpara ng sako ng arina sa ganda ng isang mamahaling silk na tela.

      Rest in peace, Ms. Taylor. Isa kang alamat.

      oOo

      SMS Jokes 2011-185

      TANONG: Ano gawa ng tsunaming bakla? 

      SAGOT:TSUPAMI!

      ERAP: “Jinggoy, if you saw a 20 peso note and a 50 peso note on the floor, which will you take?”
      JINGGOY: “The 50 peso of course!”
      ERAP: “Tanga! Bakit hindi iyong dalawa!”

      TODAY’S QUOTE:
      "When I was growing up, we were so poor that when I asked my father for something to play with, he cut a hole in my pants pocket." šŸ˜›

      A man was making love to his new wife. He whispered in her ear, "How many before me?"
      He waited and waited and she didn’t answer. Finally, he whispered in her ear, "I’m still waiting."
      To which she replied, "I’m still counting."

      Continue reading

      Kapeng Barako

      .

      Health Benefits of Coffee

      A growing body of research shows that coffee drinkers, compared to nondrinkers, are:

      • less likely to have type 2 diabetes, Parkinson’s disease, and dementia
      • have fewer cases of certain cancers, heart rhythm problems, and strokes

      via www.webmd.com

      • Heart Disease (up to 25% reduction in mortality risk (for women))
      • Diabetes (up to 60% reduced risk)
      • Dementia (up to 65% reduced risk)
      • Colon Cancer (up to 25% reduced risk)
      • Cirrhosis (up to 80% reduced risk)
      • Gallstones (almost 50% reduced risk)
      • Parkinson’s Disease (up to 80% reduced risk – probably because of caffeine)
      • Headache Relief (because of the caffeine)
      • Asthma Relief (caffeine again)
      • Cavity Protection (because of anti-bacterial and anti-adhesive properties of compounds within coffee)

      via www.about.com

      Bisyo ko ang lumaklak ng kape. Pero kung ikukumpara ko ang pagka-sugapa ko noon sa ngayon, kahit papano ay medyo nababawasan ko na ngayon ang magpakalunod lagi sa pag-iinom ng kape. Kung noon ay halos isang balde ang tinutungga ko, now ay 2 tabo na lang sa isang araw. Eh kasi mga teh, kahit may magandang benefits na mage-gets sa paglaklak ng kape, eh dapat in moderation pa rin daw ang arte. Minsan alternate ko na lang pagnomo ng coffee tsaka tea.

      Pagdating sa kapeng barako, masarap daw tumagay sa Tagaytay. (Uy! Nag-rhyme!)

      Kaya noong nagawi ako noong Pasko dun sa syudad ng Tegeytey ay mega-buy ang Mamaru ng kapeng barako sa isang pasalubong store.

      Nakakatuwa. Kasi sa bukod sa hindi sha mahalia sa presyo, may kasama pang libreng patawa ang fuckaging nya. Havey talaga!

      Ang sarap.. Yahoooo!!!

      To protect Cancer! Always Drink Coffee Barako

      Kalurkey! To protect cancer daw. Meganun? Hehe! Halatang walang ka-nerbyos-nerbyos sa katawan ang nakaisip gumawa sa packaging na itu.

       

      oOo

      I don’t have a problem with caffeine.  I have a problem without caffeine!  ~Author Unknown