Mga Anik-Anik Lang Ulit

  • March na, lapit na bertdey ng unica hija ko. She’s turning 15 on the 15th. Susme, bilis talaga ng panahon. Hindi ko na namamalayan eh baka bukas may humihila na sa laylayan ng palda ko. Magugulat na lang ako na yun ay apo ko na pala yun! Waaa! Ang bilis!
  • Lalabas na sa March 11 ang bagong Apple iPad 2.  Leche! Ni hindi pa nga ako nakakahawak ng tunay na Apple iPad, eh eto na at lalabas na agad ang latest version. Kala-launch lang ni Manong Steve Jobs  (grabe! sobrang payat nya!) ng iPad 2. Nakakasuya! Hanggang Apple Pie na lang ba ako? Lol! Howel, hindi pa naman ako nawawalan ng pag-asa, siguro sa paglabas ng iPad 9, siguro may trabaho na si Kevin ko nun at pwede na maglambing at magturo para magpabili ng Apple computer ang madir nya.

ipad 2

  • Tuwing napapanood ko si Muamar Gadaffi ng Libya sa TV, napapatitig talaga ako sa mukha nya. Hindi ko maintindihan, ano ba yan? Naka-plastic surgery ba sya o manas lang talaga? Parang tinapalan ang mukha ng ewan. Kakaiba yung labi nya ha! Parang syang isa sa mga wax figures naka-display dun sa Madame Tussaud wax museum ng London na binigyan-buhay at ngayon ay handang maghasik ng lagim sa Libya. Scary talaga chura nya. Worried

gaddafi3 gaddafi1 gaddafi2

  • Looky! Looky! Ang cute neto:

toothbrush

Ang ganda pang regalo.

At eto pa, I want this.

cb2-birch-storage-boxes

Gusto ko to para lagayan ko ng:

1. mga brilyantes, diamantes, at iba pang alahas ko.

2. mga salafi ko na nasa ibat ibang currency.

3. taguan ng mga mahahalagang papeles, titulo ng mga lupain at iba pang mga ari-arian ko.

4. lagayan ng mga pictures ng mga naging boylets ko in the past. (yung pinakamalaking kaha)

 

oOo

Life’s not always fair, but we must believe that everything we go through now will pay off in the long run.

2 thoughts on “Mga Anik-Anik Lang Ulit

  1. true, apple pie lang ata ma e-experience natin hotmama maru..kamahal naman kasi josko! anyways, advance happy bday kay keziah! 3 years lang pala lamang mo sa kanya hahahaha 🙂

    • @zaizai: nyahaha! pinansin mo talaga ang age gap namin ha! salbahe!

      re: iPad, makikipagsabayan na ako kay Steve Jobs, ila-launch ko na rin siguro ang Apple Pie ko. Baka sakaling yumaman pa ako sa apple pie ko. Lol!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.