Facebook Like

May bago akong inilagay na plugin dito sa blog ko – yung  FB LIKE button sa may bandang ibaba ng bawat blog post ko. Napansin nyo ba? If not, then utang na loob! Wag magbulag-bulagan, pansinin nyo! @#$%^! Lol!

Hindi ko alam kung may ganda points yan na maidadagdag sa inborn kong kagandahan o magkaka-salafi ba ako ng limfuck-limfuck pag may nag-klik sa thumbs up sign na yan.

Para saan nga ba kaeklatan na yan?

Eto ang chika nung developer ng social plugin na yan sa ingles:

fb like iconThe Like button lets a user share your content with friends on Facebook. When the user clicks the Like button on your site, a story appears in the user’s friends’ News Feed with a link back to your website.

O ha! Sa sariling pag-intindi ko, pang-shushal itu (kaya siguro social plugin ang tawag), pampapansin at pangdagdag hits o pampalakas ng site traffic na rin. Lol!

Usong-uso yan ngayon sa halos lahat ng websites. At para naman hindi mapag-iwanan sa uso ang Maruism, siempre nakiuso na rin ako.

Pero sa totoo lang noh, kung hindi lang sana masagwa, imbes na thumbs up sign, mas gusto ko sana na ETO ang ilagay kong sign. Hihihi! Wala lang, para maiba lang. Kaso baka naman ganahan kayo sa pagki-klik nyan at masaktan nyo lang ang demdemin ko. Heniweys, yan po ang silbi ng LIKE button na yan dito sa blog ko.

Mapunta naman tayo sa Facebook. Siguro ako lang ‘to, pero hindi ko maiwasan na mangiti o matawa sa ibang FB users sa paggamit ng FB LIKE sign na yan.

Maging literal tayo sandali. Ang salitang "LIKE", sa tagalog ang ibig sabihin ay "GUSTO". Sa Facebook, pag wala kang ma-sey, pwedeng pang-feedback o pang-react mo na rin ang sign na yan dun sa status ng ka-FB mo. Minsan, bukod sa “GUSTO”, parang “APRUB”, “AGREE”, “TRULALU”, “KOREK”, “LOVE IT” at “OO” na rin ang meaning nyan. Minsan parang pang-THANK YOU na rin. Well, siguro naman karamihan ng FB users ay alam kung ano ibig sabihin nyan di vah? 

Ngunit, bato-bato sa langit ang tamaan ay magkabukol sana ay wag magalit. Noong umpisa dedma lang sa akin ang icon na yan. Katagalan hindi ko na maiwasan na mapansin na para bang yung mga ibang users,(hmmmn parami ng parami na kasi sila), ay hindi yata naiintindihan ang saktong gamit ng LIKE icon na yan.

Halimbawa, tama bang i-klik mo yan kung ang status na naka-balandra ng ka-FB mo ay namatayan ng lola at kasalukuyang punong-puno sya ng dalamhati?

"I hate my life. I wanna die.", may minsan ganyang chuva din akong nabasa sa most recent feed news ko. Ramdam ko, malungkot at depressed yung ka-FB ko. Pero wag ka! Pucha! Napansin ko, may nag-LIKE! Ahihi! Talk about insensitivity.

Meron naman iba, kinakarir at abangers talaga kung ilan ang magla-LIKE ng nakalagay sa recent status nila. Tanong ko sa sarili ko, bakit ba parang napaka-importante ng LIKE na yan? Ako na rin ang sumagot sa sarili ko: kasi lahat tayo, aminin man o hindi, ay nangangailangan ng APPRECIATION.

Karga-karga ang bunsong anak, in-upload ng isang ka-FB ko ang piktyur nilang mag-ama as profile pic. Ganito yun.

3-7-2011 10-39-18 AM(Oist! Binura ko na ang name at pic. Baka mabasa ng user tong post ko ay ipa-salvage ang alindog ko. Me, afraid!)

O di ba, may napansin ka ba? Para bang every 30 minutes ay nag-aabang yung user kong may nag-LIKE sa recent stat nya! Haha!

Tatanungin nyo ko ngayon. MALI ba yung pag-LIKE nya ng sarili nyang wall status, comment at picture nila? Sagot ko: HINDING-HINDI!

Hindi mali yun! Bakit?

Kasi kanya-kanya tayong account sa Facebook, kanya-kanya tayong trip, kanya-kanya tayong kababawan, kanya-kanya tayong payabangan, kanya-kanya tayong pa-utot, kanya-kanya tayong emote, kanya-kanya tayong react, kanya-kanya tayong feedback, kanya-kanya tayong ka-shitan! Sa maiksing salita, walang pakialamanan!

Kung ganun eh bakit bino-blog ko ang tungkol dito? Para ano?

Di ba kasasabi ko lang – walang pakialamanan! Lol!

O sha! Tama na muna ‘tong chika ko about FB LIKE. Tsaka na lang ulit. Naiihi na ako.

 

oOo

I fall down, but then I get up soon.