7 Bagay Na Hindi Dapat Sini-share Sa BF

 

Ganun? Hmmmn..aber, ma-tsek nga. Ginagawa ko ba ang mga sumusunod o hindi?

1. Your Bodily Functions
shhhh

Yea, everybody farts. And everyone has to go poop. And shockingly, every person in the world has belched at one time or another. But men like to think of us as ladylike and feminine. After all, isnt that what attracts them to us in the first place? So dont give any raunchy details about your period or your stomach flu. Save all that for your diary!

*GUILTY

Utotera ako. Kasalanan ba yun? 🙁 Pero not in public place ha! Sorry pero hindi pwedeng hindi ko i-share yan sa bf ko lalo na pag kami lang dalawa. Hindi ako pwede magpigil. Love is sharing naman di ba? Anong unladylike ka diyan! Tse! Unladylike your scrotum! Hehe! Gross na kung gross! Bakit ba!

Impernes, kadalasan naman pag bumubuga ako eh wala naman amoy. Tsaka pag meron naman, ako na mismo ang naghahanap ng pamaypay at pinapaypayan ko yung tao sabay sabing “Wag mo amuyin! Wag mo amuyin! Wag mo amuyin! (repeat until fade..)” Ganun lang yun teh.

Tungkol naman sa monthly period, aysus, natural magsasabi ako. Haler! Wag siyang mag-inarte. Ang babae pa naman pag may PMS, halos walang kinatatakutan. Kelangan maging interesado ang bf ko na malaman ang tungkol sa period ko para alam nya kung kelan ako safe! *wink! At para mapag-isipan namin kung anong method ang diskarte pag meron. Wag na mag anu-ano pa, para din yun sa ikabubuti namin at sa ikauunlad ng bayan. Hehe!

2. Your Girlfriends Secrets

girl talk

This really is a no-brainer. Your friends confide in you and expect you to keep that confidence. After all, they do the same for you, right? So keep their trust intact. You have no idea how hard it is on a guy to hear us dish about all the latest gossip when all they want to do is rest after a long day. And if the secret you are telling is one of your close girlfriends who happens to have a boyfriend that your man sees everyday, it may be hard for him not to let it slip.

*GUILTY

Madaldal ako sa boypren ko. 🙁 Ang totoo, mas madali akong mag-open up sa lalaki kesa babae. So far wala naman akong naging problema sa pagsi-share ko sa bf kasi siguro nagkakataon din na mga tsismoso ang mga naging bf ko. Haha! Well, aminado ako, kelangan ko rin ang matuto na huwag masyado maging kampante sa pagsi-share sa lalaki dahil hindi rin lahat ng lalaki ay mapagkakatiwalaan.

3. Your Toothbrush

toothbrush

Yes, I know you kiss him and you both drink from the same glass occasionally. But we live in a civilized age and hygiene is a little more obvious now than it was 200 years ago. Toothbrushes only cost a few dollars. Buy your own!

*NOT GUILTY

Never ako naki-share ng toothbrush ng boypren ko. Hindi baleng hindi na ako mag-bras ng ipin. Pero may naging 2 ex-bf ako na nakigamit ng toothbrush ko noon. Umokey lang ako pero hindi ko na ginamit ulit ang totbras ko na hiniram nila. 😀

4. Your Password

password

Unless you both share an email account, or youre married, this is a big no-no. Giving him your password may encourage him to check up on you, and all thats going to do is raise insecurities on your part and feelings of distrust on yours. Not good for a healthy relationship. Plus, he may find out about the surprise party you were planning him for next weekend!

*NOT GUILTY

Kahit na siguro mag-asawa ako, hindi ko isi-share sa mister ko ang password ng mga personal account o gamit ko. Kaya nga sinabing personal di ba? Para sa iyo lang yan. Maliban na nga lang siguro sa mga joint account. Deal breaker sa akin ang pangingialam ng sulat, cellphone, at lalo na ng mga files ko sa computer. Kahit dito sa bahay, may kanya-kanya kaming computer at cellphone ng mga bagets ko. Never ko pinakikialaman o sinisilip ang mga files or text nila at ganun din sila sa akin.

5. Your Dislike For His Mothermother

There will always be a few of us who cant stand or get along with our in-laws. But that doesnt mean you should give him a highlighted, detailed list of the 492 reasons why every time you have to be around them! He may feel pressured to choose between you, or he may get aggravated with you and put a strain on your relationship. If the problem is too big to be ignored, gently state your case. If he doesnt see it your way, give him some time and in the meantime, learn to bite your tongue and keep your cool.

*NOT GUILTY

Sorry! Nakaka-relate ba ako? Waley!

6. Your Insecurities

insecurities

If you think your thighs are too fat, your hair is too curly and your teeth are too crooked, try to refrain from bringing it up every 3 to 4 hours. Men get tires of hearing about our horrible bodies. He thinks you are beautiful. Hes with you isnt he? And if he accepts you, you can certainly accept yourself! Besides, you drawing attention to your flaws may make him notice it when it never really stood out before.

*GUILTY

Madalas kong sabihin, I am nobody. Nobody is perfect. Therefore I am perfect. Choos! Kahit alam kong isa akong josa, (‘tot!) pero marami din naman akong flaws and insecurities. Hehe!

Di nga, seryoso, wala akong kiyeme i-chika sa bf ko ang tungkol sa mga insecurities ko. Ang tungkol sa bilbil ko, sa malaking braso ko, yung kamot ko, yung ayaw ko sa *tooot* ko, yung pekas ko, yung takot ko sa public speaking, yung diction ko, yung pagiging matigas ng dila ko, pagiging parehong kaliwa ng paa ko,at kung anik-anik pa. Ay! hindi ako nangingimi iladlad yun sa boypren ko. Pero hindi naman yung tipo na paulit-ulit kong sinasabi, pag napag-uusapan lang naman.

Mali ba yun kamo na i-share? Pwes, kung totoo man na ayaw ng mga bf na pinag-uusapan ang mga ganung isyu – kever ko naman! Bahala sha!

7. Your PastIn Detail

dealing of the past

While its never OK to lie or hide your past from someone if you are in a committed relationship, its also not OK to tell your significant other how many times a day you kissed each one of your exes or give him the livid details of what you and your girlfriends used to do to get back at all the guys who broke your hearts. Guys just dont need to know that sort of stuff. They always wonder if they measure up or if you regret choosing them. Dont give him reason to wonder!

*GUILTY

Hanggat maiiwasan ayoko mag-share sa bf ko ng blow by blow o ng masyadong detalyado na kwento ng tungkol sa mga naging ex ko. Kaso aminado ako, sadyang TRANSPARENCY is my middle name talaga. Gusto kong maging bukas ang kwento ng buhay ko sa partner ko. Kaya kahit hindi na dapat ay sinasabi ko rin ang naging istorya ng mga nakaraan ko kasama ang paniniwala na baka sakaling mas maintindihan ng partner ko ang pagkatao ko.

Oo, agree ako na hindi OK ang pagsisinungaling o itago ang nakaraan mo lalo na pag nasa committed relationship ka na, pero natutunan ko rin na hindi pala sa lahat ng sitwasyon, ang pagsasabi ng tapat tungkol sa nakaraan ay nakakabuti. Meron din mga lalaki na hindi nila kayang tanggapin kung anong meron ka sa nakaraan mo. True, may tendency na magbago sila sa yo, that they will measure you up base sa nakaraan mo. Sad to note but it happened to me.

O ikaw, saan ka naman guilty or not guilty sa 7 bagay na binanggit sa itaas? Pa-share!

 

Article via

11 thoughts on “7 Bagay Na Hindi Dapat Sini-share Sa BF

    • @Ceb2Ak,
      utotera – tsek!
      daldalera – tsek!
      pakialamera – tsek!
      insekyura – tsek!
      emotera – tsek!

      Dai, mukang highest ka sa score a! hahaha!

    • @CharMed, para akong nag tse-tsek ng test paper neto.

      utotera – tsek!
      daldalera – tsek!
      insekyura – tsek!
      emotera – tsek!

      congrats! 4/7! wahaha!

  1. utot – o yes!
    gf secrets – no, pero kinukwento ko sa kanya yung mga bitches sa buhay ko…hehehe
    tutbras – no
    password – definitely no!
    my dislike for his mom? – i would hide it if i disliked her or any of his relatives, for that matter! 🙂
    my insecurities – he has to know them, he has to know my weaknesses so he will be able to appreciate where im good at!!!
    my past – i always make it a point that he knows everything about that, otherwise, how can he accept my present and be my future (if ever) if he cant accept what was i before? (i was a pole dancer before) 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.