Pagmamahal Na Walang Kundisyon

Kremo and I

Kremo and I

(Lumang kodak namin ng alaga ko. Year 2009.)

Gusto ko na ulit mag-alaga ng puppy. Nami-miss ko na ang kagaya ng Kremo ko, a japanese spitz. Shaks! Hindi ko akalain na mangungulila ako ng husto sa dati kong alaga noon. Ewan ko ba, meron talaga silang kakaibang klase ng pagmamahal na ibinibigay na hinding-hindi ko naramdaman sa mga kapwa kong demi-god. Charing!

Sa buhay natin, there are few people, if any, who truly love us unconditionally. Mahal tayo in spite of all our faults, all our failures, all our weaknesses, and with no strings attached. Jackpot talagang maituturing pag meron taong ganyan sa atin. Well, ganyan na ganyan ang pagmamahal ng aso. (Ganyan din kaya ang mga isinilang sa Year of the Dog? Chooos! Parinig! Lol!)

A dog loves you unconditionally. You can neglect him, and he loves you, turn your back on him, and he loves you, abuse him with words, or even physically; still mahal ka pa rin nya. Kahit dinededma mo na sya, pero lalapit pa rin sha at ishe-shembot pa rin nya ang buntot nya. Ibang klase talaga!

Maituturing na para syang si Lord. Hindi ko sinasabi na with matching shembot din si Lord ng buntot nya ha. Pero yung response nya is very similar. We turn our backs on Him, pero si Lord, nungka! We neglect His Word yet the Lord remains faithful. Walang duda, He is the “same yesterday …today and forever”. (Nasa Hebrews yan mga ning!)

A basta! Nami-miss ko ang aso ko. πŸ™

Gusto mong matuto sa sinasabing pagmamahal na walang kundisyon? Subukan mo mag-alaga at magmahal ng aso.

Kung hindi ka pa nakapag-alaga ng aso sa buong buhay mo, malamang 100% nakanganga ka lang ngayon na nagbabasa neto at hindi maka-relate. Ahihi!

Have a nice ASH Wednesday, mortals!

2-5-2011 3-00-47 

oOo

A dog will teach you unconditional love. If you can have that in your life, things won’t be too bad.- Robert Wagner

11 thoughts on “Pagmamahal Na Walang Kundisyon

  1. Maru we don’t have dog sa bahay pusa lang kami meron..but mom in law ko meron..I miss our Trekker…isang golden retriever…takot ako sa aso noon…kc nakagat na ako..but nawala takot ko dahil sa kanya…:)

    • @Ceb2Ak, meron din kaming pusa. Pero sa labas lang sila ng bahay. Mag-jowa sila. Naiinis ako at iyutan sila ng iyutan. Parang nang-iinggit baga! Lol!

      Ang ayaw ko lang sa pusa…tinatangay lagi ulam namin. Eh pinapakain ko na nga…tina-traydor pa ako. Tsaka umaakyat sila ng mesa eh.

      Si Kevin ko, may phobia din yun sa aso noon kasi nakagat na sya ng alaga ng nebor namin. Pero mula dumating si Kremo sa amin…nawala yung takot nya at gustong-gusto nga nya mag alaga ulit kami. Napamahal na rin kasi sa anak ko yung ason namin eh.

    • @Ceb2Ak, nyahahaha! pwede pala yun?

      Sus, yung mga pusa namin…kung mag iyutan – marathon! Aminin ko, aliw ako na nanonood. Hihihi! Pwede pala dog-style sa mga pusa dai!

  2. ms. maru hindi ko alam na namatay na pala si kremo, na-sad naman ako bigla πŸ™

    mahilig ako mag-alaga ng aso kaya relate much ako dito sa post mo.

    • @richA, ibang klaseng joy di ba? sabi nga nila…makikilala mo rin daw ang ugali ng isang tao sa pamamagitan ng pagdadala o pagmamahal na ibinibigay nya sa alaga.

      Kami ng mga anak ko, madami kami natutunan dun kay Kremo. OA siguro pakinggan, pero naging beybi namin yun at kaming tatlo ay nag enjoy talaga sa kanya.

      Pag nabigyan ulit ng chance na magkaroon ng alaga…alam na namin ang gagawin na pag iingat.

      Musta naman ang alaga mo?

      • @MARU, ok naman iyung aso ko, mag-2 y/o na siya sa july. askal lang iyon pero spoiled sa akin, beybing-beybi talaga. actually gusto ko ulit mag-alaga ng bagong pup para may kasama din sya lagi sa garahe kaso baka magselos din πŸ™‚

        parvo pala kinamatay ni kremo, muntik nang madale aso ko nyan, fortunately naagapan namin.

  3. so sad πŸ™

    kamamatay lang nung 2 aso namin last Feb. 25 and March 9 πŸ™ Tapos just today, yung pusa namin πŸ™

    I feel for you Ms. Maru.

    • @CharMed, nakakalungkot naman πŸ™
      Ano ang ikinamatay? Si Kremo, parvo ang ikinamatay eh. Hindi agad namin napabakunahan.

      Ano naman ikinamatay ng pusa nyo? Dengue? Joke lang! Hehe! Mahaba buhay ng pusa a.

      • @MARU, actually. parang may kumalat na virus sa lugar namin, lahat ng aso namin nagkasakit πŸ™ yung 2 puppies yung namatay, kasi siguro baby pa, mahina resistensya..
        yung pusa naman, hindi talaga namin pet, pero samin kumakain at natutulog hehe ayun, nakita na lang naming patay kanina..

        • @CharMed, palagay ko Parvo ang dumale sa pups nyo. Yung sa boarder nyong pusa nyo naman…baka emotionally disturbed o baka borken-hearted kaya namatay. Hahaha! Kidding.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.