Alagain Ka Ba?

Madalas kong mabasa ang ganitong status sa Facebook.

“Nakakatuwang isipin na may mga taong ayaw kang mawala. . .
Pero hindi ka naman maalagaan ng tama.”

Madalas nababasa ko yan mula sa FB status ng mga bilatches at never pa mula sa mga betlogins. Siguro may mga limang beses ko na yata nabasa yan sa feed mula sa iba’t ibang  user.

loveParang alam ko yata kung ano ang pinaghugutan ng emote line na yan. Marahil feeling neglected na talaga ang isang pudang kaya nakakapag-emote na ng ganyan. Madalas nangyayari ang ganyang angal pag ang isang relasyon ay medyo nagtatagal na. Kumbaga…pag tapos na ang honeymoon stage.

Kung iisipin mo, hindi gaya noong nag uumpisa pa lang ang relasyon…sus, walang sinabi ang arnibal sa taho o mapapahiya ang asukal sa ka-sweetan ng mag dyowa. Maya’t maya ang text, tawagan, at kung anu-anong pang mga gimik para ma-express lang ang pagki-care sa isa’t isa. Siempre…si babae eh sadyang lambutin ang puso at madaling kiligin, andun yung masasanay, mag i-expect na akala ay palaging ganun ka-caring at ka-thoughtful si boypren – forever.

Kaso reality bites. Along the way, magsisimulang susulpot na ang mga problema at lilitaw ang mga trials. Masakit man isipin pero meron at meron talagang magbabago sa kalaunan.

Pasintabi ha, hindi naman sa nilalahat ko. Pero meron din kasing mga lalaki na sa umpisa lang talaga magaling. Habang lumilipas ang mga buwan o taon ay nagiging walang kwenta. Haha! Well, siguro naubos na rin ang pa-impress o pasiklab ni lalaki kaya naman lalabas na talaga ang totoong kulay sa pagiging cold, passive at walang paki.

“Nakakatuwang isipin na may mga taong ayaw kang mawala. . . Pero, hindi ka naman maalagaan ng tama.” Isip-isip ko, korekekek nga naman. Pero inisip-isip ko ulit, kung problema man yan, may solusyon diyan eh.

Hindi ba mas nakakatuwa siguro kung. . . “Kung may taong ayaw mong mawala. . .Huwag kang magpa-alaga!”

Malaki ka na! Wag ka na magpa-alaga! Hindi ko sinasabing itigil mo na rin ang pagki-care kay bf porke’t hindi na sha gaya ng dati. Ang sa akin lang ay, huwag na ibigay ang responsibilidad o kaya i-asa sa boypren na alagaan ka para maging happy ka. Gusto mo ng alaga? Pwes, mag-syota ka ng caregiver? Joke!

Seryosli, babae ako, alam ko rin ang pakiramdam ng nababale-wala. Shempre nakakapanghina ng loob yun. Natural sa babae ang mag crave ng constant attention mula sa partner. Pero ang relasyon kasi para tumagal, kelangan ng sandamakmak na pasensya, maturity at siempre perseverance. Parang online games din yan…may mga stages na dapat lagpasan at kelangan i-adopt mo ang pagbabago. At para maging winner ka sa puso ng jowa mo, mag level up ka sa attitude mo. Para hindi agad ma-game over ang relasyon, huwag na masyado magpa-beybi. Huwag hayaan masira ang pagmamahalan ng dahil lang sa pagiging KSP, needy at sa pagiging maka-sarili.

Isa pa, malaking turn-off sa mga lalaki ang mga babaeng masyadong needy. Kaya tigilan na ang mga complain, at ang kaartehan na maging alagain. Ok?

Hmnnn…harsh yata ng dating netong pagpa-praktis ko na magpaka-Dear Ate Charo. Lol! Bangag pa ako sa gamot! Na-miss ko ang blog ko. Na-Ouch kasi ang Mamaru ng mga ilang araw. šŸ™

 

oOo

“Continually give, continually gain.” – Chinese proverb

Ang Tunay Na Ganda

Gusto ko ‘tong picture na ‘to ng namayapang si Elizabeth Taylor as Cleopatra.

elizabeth taylor

Ang taray di ba? Tinititigan nyo rin ba kung ano ang tinititigan ko? Tayung-tayo di ba? Hehe! 

Take note, ang “hinaharap” na yan ay all-natural at walang preservatives. Sakto lang ang sukat, hindi kapos-palad at hindi rin sawimpalad. Tunay at walang kabahid-bahid ng “salamat Doc”. Kunsabagay, hindi pa yata uso noon ang mga anik-anik na enhancement. Iba talaga ang mga bebot noong naunang mga dekada noh? Iba talaga ang mga beauty namin – classic! Chos!

Taylor,_Elizabeth_posed

At isisingit ko na rin ang trivia na ‘to:

Among the Hollywood celebrities, sha lang ang feeling kong parang may konek talaga sa akin. Bucket? Eh kasi pareho kami ng birthday noh! February 27! Haha! Kaya siguro feeling ko…amanos lang talaga kami pagdating sa angkin na tunay na kagandahan. Charitooooo!

Noon pa man, iba na talaga ang alindog ng Liz Taylor. Mantakin mo ba naman 7 jowa at 8 kasal lang naman meron sha!

Pitong jowa? (Napaka-aksayado sa *totooot*.) Ang dami nyang hombre. Pero kahanga-hanga ang sey nyang ‘to kung totoo man:

I’ve only slept with men I’ve been married to. How many women can make that claim? –Elizabeth Taylor

But still, ang dami nyang pag-ibig ha! Para syang si Curacha…ang babaeng walang kapaguran umibig. Bukod dun sa mga pinakasalan nya, baka nga hindi na mabilang kung ilang beses sya umibig, mula sa puppy love, infatuation at mga fling-fling sa buhay nya.  Kunsabagay, kayo na ang manglimahid o magkaroon ng sandamakmak na sex appeal. Talagang sobrang hot and sexy nya noong kapanahunan nya.

Walong wedding? Good Lord! Tapos ako ni isa wala?! Kumusta naman ang hustiya nyan! Nasan ka hustisya? Ops! Pero impernes, muntik na rin pala ako magkaroon noon ng wedding. Kaso, praktis lang pala yun. Parang joke-only bagah. Nyahaha!

liz taylor 

Heniways, Elizabeth Taylor, indeed an exquisite beauty. Natural ang tunay na ganda.

Kaya pag itinabi mo si Rihanna, si Lady Gaga, si Beyonce at kung sino-sino pang iniidolo sa panahon ngayon, magmumukha lang silang basahan sa classic beauty ni Liz Taylor. Kumbaga sa tela, pag ipinagtabi mo sila, para kang nagkukumpara ng sako ng arina sa ganda ng isang mamahaling silk na tela.

Rest in peace, Ms. Taylor. Isa kang alamat.

oOo