Ingat Sa Pag-Update

Hati ang damdamin ko dito sa latest na pakulo ng Twitter. Aktwali, hindi ako sure kung latest nga ba ‘to. Mukang matagal na nga yata ang gimik na itetch at ako lang ang tanga na nagtutulog-tulugan sa pansitan at ngayon ko lang nalaman ang ganito.

Hindi ko alam kung magiging pabor ako dito o hindi. Naks! As if naman masisindak ko ang isip ng mga creators ng Twitter sa pamamagitan ng opinyon ko.

Eto yun.

 

click for larger view

Pwede ka maging updated sa mga impormasyon via Twitter SMS. Shempre jo-join ka muna sa Twitter at ite-text mo sa selpon mo halimbawa ang, “follow chuvachuchu-eklavu” then send mo dun sa local code ng anumang planetang kinaroroonan mo at presto, mangingiti ka na kasi mare-realize mong nadagdagan na pala ang kaalaman mo sa makabagong teknolohiya at hindi ka na masyadong shunga-shunga!

Sa isang punto, maganda ‘to kasi nga updated ka agad sa latest na pangyayari sa mundo lalo na kung follower ka ng mga news network. In na in ka sa latest na pinag-uusapan ng bayan, ning! Magiging feeling-intelihente ka rin. Lol!

Advantage din ‘to dahil kahit nasa dulo ka ng Timbuktu ka (may signal ba dun?), malalaman mo ang mga latest chika ng mga kamag-anak at prendship mo. Masasagap mo rin agad ang latest na chizmax ng mga artistang pa-sushal, mayayabang at malalandi.  At higit sa lahat…mai-stalk mo ang kras mo! Ayayay!

Stalking <—- dito ako hindi pabor. Magkakaroon ka ng social predators. Stalkers – nakow, pwede kasing mga sex offenders din yan. Hindi ko alam kung marunong na rin sa Twitter ang mga member ng Akyat-Bahay Gang, mga kidnappers, carjackers at ng mga iba pang masasamang ers. May rapers ba? Lol!

Sa Twitter…kahit sino na lang ay pwede ka i-follow. Ako, wala akong idea sa ibang followers ko. (Naks! Kunyari marami akong followers.) Huwag naman sana noh, pero pwede kang pagplanuhan ng masama ng kunyari follower mo via Twitter. Well, hindi lang naman din sa Twitter, posible din ‘to sa kahit saang social network kung saan andun ang mga impersonal relationship.

Kaya dapat sa mga may Twitter account…ingat-ingat din sa pagchi-chika. Lalo na sa kinaroroonan at mga schedules mo. Baka hindi mo knows…may mga sumusunod na pala sa yo.

Shet! Ayoko ng ganun. Ayoko masundan. Ayoko ma-rape. Baka magustuhan ko. Charot! (sabay knock on wood)

Pero seryosli, follow nyo ang Maruism sa Twitter ha? Haha!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.