Cheese Cupcake

Ang mahal na ng birthday cake ngayon. Almost 600 petot na yata ang mga cake ng Red Ribbon o Goldilocks. Susme, mas mahal pa pag made-to-order ang birthday cake.

Ang totoo masakit sa bulsa para sa isang single mom na gaya ko na solong nagtataguyod ng dalawang anak ang mga ganung presyo. Bato na ang damdamin ko pag nasasabihan na ang barat o ang kuripot ko naman. Ay, keber ko naman! Buti sana kung pensionada ang Mamaru mula sa fadir ng mga anak, kaso waley. Ni singkong duling.

Heniways, sa kagustuhan kong makatipid ng pambili ng birthday cake ni Keziah last month. Dumiskarte ako ng paggawa ng birthday cupcakes. Tutal, bukod sa talent ko sa cartwheel tumbling with matching split, may skill din po ako sa pagbi-bake. Marunong na rin lang ako magluto, nagsipag na lang aketch nong bertdey ng unica hija ko. Mahigit kasi sa kalahati ng presyo ng isang commercial cake ang matitipid kong datung.

Siempre, I talked to my daughter muna kung ok lang sa kanya ang cupcakes. At dahil mana sa nanay ang kabaitan ng mga anakis ko, hindi naman sila garboso eh oks lang daw at waley problema. Mas ok pa nga ang naging desisyon ko kasi nagkaroon pa tuloy kami ng bonding moment ng doter ko.

Ako na ang gumawa ng mga cupcake at ng butter cream icing, si Ziah na ang hinayaan ko maglagay ng sprinkles/confetti at iba pang burloloy sa bawat cupcake. Hinayaan ko sha sa diskarte nya.

birthday cupcakes

cupcakeKeziah and her cupcakes

 cheese cupcakes cheese cupcakes with butter frosting cheese cupcakes with butter frosting birthday caupcakes 

birthday cupcakesbirthday cupcakes

Yummy naman tingnan ang mga cupcake ko di ba? Lol!

Uy! Wag ismolin, may halong pagmamahal ng ina ang pagkagawa nyan. šŸ˜›

Ok, lemme share you the recipe. 

CHEESE CUPCAKE

Ingredients:

  • 1 cup Butter
  • 2 cups Sugar
  • 4 Eggs
  • 41/2 cups Cake Flour
  • 3 tsp Baking Powder
  • 1 can tall Condensed Milk
  • 2 cups grated Cheese
  • 2 tsp Vanilla Essence

Procedure:

  1. Cream butter. Add sugar gradually.
  2. Add eggs one at a time.
  3. Add flour alternately with condensed milk.
  4. Fold-in grated cheese.
  5. Transfer to prepared mold or greased and dusted tray.
  6. Bake in moderate oven for 20 minutes.

BUTTER CREAM ICING

  • 1 cup Butter
  • 1 cup All Purpose Cream
  • 1 cup Confectioner Sugar

Cream butter, add confectioner sugar. Then add cream, beating well after each addition.

oOo

I am not a perfect mother and I will never be. You are not a perfect daughter and you will never be. But put us together and we will be the best mother and daughter we would ever be.Zoraida Pesante

10 thoughts on “Cheese Cupcake

  1. Happy beerday kay Keziah…sarap tingnan at ang cute ng cupcake…:)

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    marekoy….last month pa ang beerday ng inday ziah ko. hahaha! nways….tenkyu.

    [Reply]

    Ceb2AkNo Gravatar Reply:

    @MARU, hahaha…sorry subrang late…puter ko nag loko eh..kaya la naka visit na..but ur in my thoughts..lol

    [Reply]

  2. ms maru just wanna asked po moderate oven, ganon kainit po sa oven 300 po ba? thanks

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @trisha, patay ako neto at wala akong maisasagot sau. Kasi kakahiyang aminin pero di ko nasusunod ang required temp ng oven pag nagbi bake ako. Kasi HI-MED-LOW lang kasi ang nakalagay sa pihitan ng oven ko. šŸ™ Kaya tinatantiya ko na lang.

    Try mo kaya i-google, Trish. Depende din kasi yun sa klase ng oven eh.

    [Reply]

    trishaNo Gravatar Reply:

    @MARU, miss thank you sa mga recipe mo, sobrang daling sundan po.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @trisha, u are welcome, dearie.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *