Semana Santa, Semana Saya

images Semana santa na naman. Panahon para alalahanin ang huling linggo ng earthly layp ni Panginoong Hesukristo noon.

Eto din ang semana para makapagnilay-nilay tayo sa mga nagawang kasalanan natin.  Magbulay-bulay sa mga pangyayari sa buhay. Magmuni-muni para mas makilala ang sarili, at kung pwede tsansa na para magkukwenta-kwenta na rin ng mga pagkaka-utang sa bombay. Lol!

Semana itetch ng pagiging banal.

Ows, banal? Ang masasabi ko lang ay, tse! Patapyas ko kuwan ko pag sumeryoso ang mga taga-lupa sa mga susunod na araw sa pagbabanal-banalan. Sinabi kong mga taga-lupa dahil hindi ako kasama diyan noh! Hindi sikreto na isa akong josa. Isang maharot na engkangaga engkantada na naligaw lang dito sa earth. Charot!

Heniweys, iba na talaga ang panahon. Ngayon, pag sinabing semana santa…eto ay isang semana saya. Isang long-weekend na bakasyon, panahon sa pagliliwaliw at ng pagpapartee-partee! Pruweba dito ang mga fully-booked na mga airlines,bus, barko, hotel at ang mga jampacked na mga beach resort kahit saan. Kanya-kanyang pulasan ang mga otaw sa iba’t ibang destinasyon para dun daw magtika! Magtika daw o!

Anong klaseng pagtitika naman kaya ang mangyayari sa mga lugar na gaya ng beach ng Boracay, Puerto Galera, at kung where-where pa. Nagkalat kaya ang mga chikababes na naka-bikini ang masa-sight mo dun! Kumusta naman ang pagtitika mo nun?

Para dun sa iba naman na mga poorita (like me) na alaws budget para makapag lamyerda dahil sa super-mahalia na ang gasolina, eh asahan mong sa bahay lang ang rampa. Pero wag ka, asahan mo na kahit nasa bahay lang …DVD marathon o kaya pagbababad naman sa internet ang haharapin imbes na pagnilay-nilay ang atupagin. Bakit ko knows? Well, gawain ko kaya yan! Hehe! Ops, impernes to me, kahit hindi Holy Week…gawain ko na talaga yan. Lol!

Ang gusto ko lang naman talaga itanong ay, notice nyo rin ba na habang uma-advance ang mundo ay nagiging mababaw na rin ang kahulugan ng mga ganitong okasyon ng mga kristiyano? Ako lang ba ang nakakapansin o kayo rin? Kasi para bang inaabangan na lang ngayon ang Holy Week dahil sa bakasyon na hatid neto, magka-rason para makapag-beach at kung anik-anik pa. images2

Ewan ko ba, para sa akin, unti-unting nawawala yung solemnity ng pag-oobserve ng semana santa.

Ibang-iba ang semana santa noong kabataan ko. As in ramdam na ramdam mo talaga yung kahulugan ng "huwebes santo" at "biyernes santo". Bawal na bawal ang kasayahan maliban siempre pag "sabado glorya" na at "linggo ng pagkabuhay".

Walang ibang programa sa radio o TV kundi yung "siete palabras". Bawal kumain ng karne at kumarne! Talagang andun yun "fasting" mga ‘ning! At kung may food man kami nun, isda at mga root crops lang lafang namin.

Ngayon? Susme! Paano ka kakain ng isda, eh ginto ang presyo ng seafoods pag semana santa! Mas mahal pa sa karne!

Tsaka porke’t semana santa ba ay zero crime rate din ang bansa natin? Rest day din ba ng mga kriminal? Haleeer! Mas bongga pa nga ang raket ng mga magnanakaw pag semana santa kasi maraming bahay ang walang tao at nasa bakasyon. Wala ng patawad talaga! Sa totoo lang, ang alam ko lang na araw na zero crime rate ang Pinas ay pag may laban si Pacquiao. Kalurkey!

Ah ewan, basta ibang-iba na talaga ang mga pangyayari ngayon pag  semana santa. It’s semana saya!

Kayo? Saan ba ang rampa nyo, peeps?

oOo

"There’s a music FM above that takes away tiredness.
It’s God’s melody of LOVE.
It quiets all our fears & weariness.
May God’s Love be with you always."

A Blessed Holy Week to everyone.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.