Hot or Not

Mula ngayon, unti-unti kong i-import ang mga Friendster blog post ko at ire-repost ko dito sa Maruism. Hindi naman karamihan pero ayaw kong maglaho na lang ang mga bagay na kahit papano ay binigyan ko ng panahon noon.

Gusto kong tumagal ang Maruism. Trip kong maabutan ng mga apo-apohan ko ang Maruism. Gusto kong makilala nila ako sa pamamagitan ng blog ko na to na walang pag-aalinlangan at halong pagkukunwari.

Gaya neto, galing sa Friendster blog ko to. Sana makita to ng mga apo ko kung gaano ka-delisyosa ang lola nila noon. Haha! Ewan ko ba, malakas kutob ko na magiging isang cool na granny ako.

Someday, mababasa nila to. At eto ang itatanong ko sa kanila:

Mga po-aps ko. . .see this pic? HOT or NOT? Hehe!

 

 

uncategorized-pic20070413

I, with a deeper instinct, choose a man who compels my strength, who makes enormous demands on me, who does not doubt my courage or my toughness, who does not believe me naive or innocent, who has the courage to treat me like a woman.” –Anais Nin

“Its all right for a woman to be, above all, human. I am a woman first of all.” – Anais Nin

~ posted by Maruja on April 16, 2007, Friendster blog.

 

 

Imbitasyon Sa Telebisyon

Just received this message from Miss Abhie Josue of TV5 a while ago.

5-3-2011 10-44-12 AM

O ha! Ang taba-taba ng PUSO ko ngayon dahil sa dinami-dami ng mga single moms sa Pilipayns eh isa ako sa iniimbita ni Miss Abhie para sumali sa palitan ng kuro-kuro, makipag-balitaktakan, at tsikahan tungkol sa pagiging SINGLE MOM sa isang show sa TV5.

Hays, sayang at nasa malayong planeta ang kinaroroonan ko at wala ako sa Metro Manila. Isip-isip ko nga, syet! malamang baka eto na ang pagkakataon na mapanood ang alindog ko sa telebisyon at sa muli ay magningning ang lumalamlam na kinang ng aking bituin. Charot!

Nag isip ako agad. Ano ang isusuot kong gown? Kokontakin ko ba si Rajo Laurel? Sinong mortician ang aarkilahin ko para mag make up sa kin? Pa-praktis na ba ako kung anong angle ko kaya ang maganda sa akin sa TV? Pwede kaya ako bumati sa mga kamag-anak ko pagkatapos ng show? Hehe!

Ang totoo, kahit naman andun ako sa Manila ngayon, hindi rin siguro ako makakapagpa-unlak. Bakit? Waaaaaaaaaaaa! Gusto ko pang mabuhay noh! Gusto nyo ba akong himatayin sa HIYA? At baka nga ikatigok ko pa ang sobrang hiya. Walang exajs! Haha!

Josko! Wala talaga akong lakas na loob sa mga ganyan, as in! Ni sumali nga sa mga parlor games sa mga party eh hindi ko magawa dahil nahihiya ako. Kahit itanong nyo pa kay Kups, the guy knows me very well.

Alam nyo naman si Mamaru. Hanggang pakaway-kaway lang ako sa mga pans ko. Pa-smile-smile lang ako sa meet and greet kong rampa with my pans sa mga mall tour ko. Haha! Ek-ek!

Seryosli, to Miss Abhie Josue, sana natanggap nyo po ang reply ko. Maraming salamat po. Pasensya na po at hindi ako makakapagpa-unlak sa imbitasyon nyo dahil bukod sa nakatira ako dito sa kuta ko sa Mindanao, isa po akong super-SHY na alindahaw. 😛

Happy Tuesday, everyone!

Goodbye Friendster

friendster Kasalukuyan nagpapatuloy pa rin ako sa pagliligpit ng mga ka-ek ekan at ka-shitan ko noon sa Friendster. Mga priceless antique pics at mga blog post ko lang naman ang mga hinahakot ko. Yung iba eh iniwan ko na dun pati na yung mga testi na puro ka-charotan lang naman.

Bangkarote na ang Friendster dahil sa kabaduyan nila. Haha! Kaya magsasara na sila. Hindi kinaya ng powers nila ang pakikipag-kompetensya ng Facebook.

Sus, kung alam lang sana ng mga developer/creator ng Friendster na ang sekreto ng tagumpay Facebook eh di sana patuloy ang pamamayagpag pa rin nila ngayon. Sana tinanong nila ako! At sa tamang halaga *wink* – ay hindi ako magpapakipot na sabihin sa kanila ang anting-anting ng Facebook.

Alam nyo ba kung ano at sekreto/anting-anting sa success ng Facebook?

Ok, eto sasabihin ko sa inyo dehel mehel ne mehel ke keye.

Yun ay ang LIKE button ng Facebook.

Ha? Bakit at paano? Wala! Dahil sinabi ko lang! Haha! Wag nyo na akong pansinin. Sabi ko lang yan. Charot lang! Pero konting seryoso ha, maniwala ka, baka hindi mo lang siguro masyado pinapansin o pinag-iisipan ng mabuti ang halaga at impact ng LIKE button na yan sa Facebook, pero napakalaki ng kontribusyon nyan sa tagumpay ng Facebook. Kung paano, eh sensya na at hindi  masyado maipaliwanag ng mala-Einstein kong isip sa inyo. Chos! 

Heniways, sorry na lang Friendster, hindi kita mami-miss. Blog lang talaga ang habol ko sa yo noon. Pero tenkyu na rin at babush!

Speaking of Friendster blog, heres something na pinulot ko lang mula sa saradong Friendster blog ko na kung saan ay pinulot ko lang din ang chuva na to mula sa somewhere. Resulta ng pagiging basurera ko lang naman ang halos laman ng blog ko dun sa Prenster.  Hehe!

Reasons Why Women Find It Hard To Find The Man Of Their Dreams

1. The nice men are ugly.
2. The handsome men are not nice.
3. The handsome and nice men are gay.
4. The handsome, nice and heterosexual men are married.
5. The men who are not so handsome, but are nice men, have no money.
6. The men who are not so handsome, but are nice men with money think we are only after their money.
7. The handsome men without money are after our money.
8. The handsome men, who are not so nice and somewhat heterosexual, dont think we are beautiful enough.
9. The men who think we are beautiful, that are heterosexual, somewhat nice and have money, are cowards.
10. The men who are somewhat handsome, somewhat nice and have some money and thank God are heterosexual, are shy and NEVER MAKE THE FIRST MOVE!!!!
11. The men who never make the first move, automatically lose
interest in us when we take the initiative.

NOW, WHO THE HELL UNDERSTANDS MEN?

– posted by maruja on May 29, 2006.

 

oOo

"Men are like a fine wine. They all start out like grapes, and its our job to stomp on them and keep them in the dark until they mature into something youd like to have dinner with."