Imbitasyon Sa Telebisyon

Just received this message from Miss Abhie Josue of TV5 a while ago.

5-3-2011 10-44-12 AM

O ha! Ang taba-taba ng PUSO ko ngayon dahil sa dinami-dami ng mga single moms sa Pilipayns eh isa ako sa iniimbita ni Miss Abhie para sumali sa palitan ng kuro-kuro, makipag-balitaktakan, at tsikahan tungkol sa pagiging SINGLE MOM sa isang show sa TV5.

Hays, sayang at nasa malayong planeta ang kinaroroonan ko at wala ako sa Metro Manila. Isip-isip ko nga, syet! malamang baka eto na ang pagkakataon na mapanood ang alindog ko sa telebisyon at sa muli ay – magningning ang lumalamlam na kinang ng aking bituin. Charot!

Nag isip ako agad. Ano ang isusuot kong gown? Kokontakin ko ba si Rajo Laurel? Sinong mortician ang aarkilahin ko para mag make up sa ‘kin? Pa-praktis na ba ako kung anong angle ko kaya ang maganda sa akin sa TV? Pwede kaya ako bumati sa mga kamag-anak ko pagkatapos ng show? Hehe!

Ang totoo, kahit naman andun ako sa Manila ngayon, hindi rin siguro ako makakapagpa-unlak. Bakit? Waaaaaaaaaaaa! Gusto ko pang mabuhay noh! Gusto nyo ba akong himatayin sa HIYA? At baka nga ikatigok ko pa ang sobrang hiya. Walang exajs! Haha!

Josko! Wala talaga akong lakas na loob sa mga ganyan, as in! Ni sumali nga sa mga parlor games sa mga party eh hindi ko magawa dahil nahihiya ako. Kahit itanong nyo pa kay Kups, the guy knows me very well.

Alam nyo naman si Mamaru. Hanggang pakaway-kaway lang ako sa mga pans ko. Pa-smile-smile lang ako sa meet and greet kong rampa with my pans sa mga mall tour ko. Haha! Ek-ek!

Seryosli, to Miss Abhie Josue, sana natanggap nyo po ang reply ko. Maraming salamat po. Pasensya na po at hindi ako makakapagpa-unlak sa imbitasyon nyo dahil bukod sa nakatira ako dito sa kuta ko sa Mindanao, isa po akong super-SHY na alindahaw. πŸ˜›

Happy Tuesday, everyone!

10 thoughts on “Imbitasyon Sa Telebisyon

  1. ano ba mamaru?!…as in hindi mo tinanggap? eh kung libre naman airfare di ba? sana nasinagan in national tv ang itinitago at binuburo mong alindog?!… seriously, you could have provided a very good insight on the topic…sayang talaga …:-(

  2. ay sayang nman mamaru…eh di sana pala lumelevel ka n sa kasikatan nila kris aquino and aiko melendez sa pagiging single mom…ahihihi ^__^

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.