Hangin

maruja_1 Kung binigyan mo lang sana ako ng tsansa na maipakita ko ang pagmamahal ko sa yo, eh di sana ay nagpapasasa ka na ngayon sa ganda ko. Mas maligaya ka na sana ngayon na may kasamang kuntentong pakiramdam habang nakahilig ang ulo mo sa kandungan ko. Naglulunoy ka na sana ngayon sa ligaya. Nagtatampisaw sa tuwa at saya. Napapatawa ka na sana ngayon sa galak dahil sa kakaiba at isa’t kalahating pagiging baliw ko. Madalas ka na sanang mapapangiti (kahit mag-isa) dahil sa mga kapilyahan ko. At higit sa lahat ay malamang masasabi mo ng walang patumpik-tumpik na, “oh, layp es beeyotipol” – dats ol bekos op me.

Weeeeeeeeee!

Sorry naman! Ang init lang po talaga ng panahon at kelangan ko ng matinding hangin sa sarili. ‘Kingina! Nakulangan yata ako sa inom ng kape sa araw na ‘to. Halatang wala akong ka nerbyos-nerbyos today. Lol!