Ang Mother’s Day Ng Single Mom

single parent Mother’s Day na bukas. Eto ang isa sa mga "special day" ko (kasama na yung Valentines Day at Birthday),  na madalas ay mas gusto kong sana ay lumipas na lang agad.

Ang Mother’s Day para sa isang single mom na gaya ko ay kung tutuusin ay wala naman masyadong pinagkaiba sa ordinaryong araw. Walang mister/boyfriend na makikita na magpapaka-aligaga para ipaghanda ako ng kunyari isang breakfast in bed, walang inaasahang surprise gift, flowers o card,  at wala din naman akong inaasahang magte-take over sa daily routine ko bukas.

Gustuhin ko man na mapa-iba ang araw ko bukas, halimbawa eh bigyan ng regalo ang sarili ko, (hmmmn…iniisip ko, bagong iPad kaya? Charot!) o kaya i-treat ang wankata ko ng kahit simpleng body massage sa SPA clinic ay isang malaking HINDI PWEDE. Bummer, kasi kelangan isantabi muna ang pampering at kaartehan na yan dahil nalalapit na ang pasukan sa school ng mga junakis ko. Tiyak umaatikabong gastusan na naman ang darating at kelangan paghandaan ni Mamaru. Eh mas importante naman yun sa akin noh.

Heniways, sa loob ng 20 years ng pagiging single mom ko, sinubukan ko rin naman noon na ayain ang mga bagets ko na kumain sa labas para mag selebreyt kuno. Kaso sa totoo lang, parang hindi ko nalalasahan ang kinakain ko at para bang the sentiment is lost ng Mother’s Day ko pag ako rin ang nagbabayad ng bill pagkatapos ng lafang namin. Haha! Ewan ko ba, pakiramdam ko nawawala ang pagiging special ng araw pag ako ang gumagastos. Haaays…buhay-single mom nga naman.

Pero don’t get me wrong ha. I hope hindi ako tunog-ampalaya o bitter. Ang point ko lang naman dito ay…ang Mother’s Day para sa amin na mga single mom ay medyo naiiba – pero slight lang naman. O baka sa akin lang. Hehe!

Siempre, happy at kinikilig din ako pag binabati o hinahalikan ng mga anak ko sa Araw ng mga Madir. Oo naman, hindi naman ako ingrata at alam kong mas dapat kong isipin na I am blessed. Sabi ko nga, pinagpala ako pagdating sa mga anak. I have awesome Kevin and Keziah sa buhay ko.

Fact of life, hindi lahat ng babae ay pwedeng magbuntis. Hindi lahat ng babae ay nabibiyayaan ng anak at hindi lahat ng nanganak ay pwede tawagin na INA. Hindi lahat ng tao ay may nabubuhay na may kasa-kasama pang nanay hanggang sa ngayon. Ang pagkakaroon ko ng dalawa at hindi lang isang anak ay isang malaking biyaya na sa akin. Isip-isip ko, siguro nga ay sapat na yun na maging rason para gunitain ko rin kahit sa simpleng paraan ang importansya ng Mother’s Day bukas.

Kaya magmukha man akong trying hard, I will celebrate my day tomorrow. At kung paano? Alaws pa akong idea. Well, bahala na si Batman!

proud single mom