Summer Cooler: Saba con Yelo

Sa sobrang init ng panahon kanina, hindi naiwasan na nag-init din ang bodylicious ko. Char!

Ang naging sagot naming mag-nanay sa init ng panahon kanina? Saba con Yelo!

Saba con Yelo

To make Minatamis na Saba:

In a pan combine 1 cup sugar and 1 cup water. Cook until the sugar is dissolved. Add 6 saba to the syrup. Simmer 10-15 minutes or until bananas are cooked. Cool then chill until ready to use.

In a glass, put some sliced saba with syrup.

Summer Cooler: Saba con Yelo

Dyaraaaan! Tig-isang baso kaming mag-nanay. Tsalap!

Summer Cooler: Saba con Yelo

SABA con YELO

oOo

"Kung nasaktan man ako, masaya ako na I took the risk" – Kim Chiu, I’ve Fallen For You (2007)

 

.

Easy Braised Pork In Tomato Sauce

Winner na ulam ‘to para sa mga bagets. Ang dali-dali pang gawin at lutuin. ‘La na masyadong cheche-bureche na pamamaraan ng pagluto. Medyo maanghang pero pwedeng i-omit ang paglalagay ng sili kung ayaw ng mga junakis nyo ang maanghang. Imbes na siling pula, pwede yung malalaking red and green bell pepper na lang ang isahog para hindi masyado maanghang.

Ang mga bagets ko kasi eh minsan palaban sa pagkaing maanghang kaya oks lang sa kanila ang may sili.

 Braised Pork In Tomato Saucestir-fry pork stir-fry pork and potatoes Braised Pork In Tomato Sauce

‘Nga pala, nilalagyan ko rin pala ‘to ng konting white sugar…konti lang naman para pangharang sa sobrang asim ng tomato sauce.

Continue reading

Banoffee Pie At Iba Pa

Makasaysayan sa akin ang Banoffee Pie lalo na noong nag-uumpisa pa lang ang landian (read: relasyon) namin ni Kups. Aylabit kasi ang sarap, hanggang sa naging isa sa mga peborit dessert ko na nga ‘to hanggang ngayon.

Ilang beses ko na plinano noon na gagawa ako ng Banoffee Pie dito sa bahay at salamat naman dahil noong Mother’s Day ay natiyempuhan ko na rin ang gumawa. Noong Sunday, nag-potluck kami ng sister ko at mga pamangkin dito sa bahay, and I served this.

Slice of Banoffee Pie

Pasensya na kung hindi photogenic at hindi kagandahan ang pose ng Banoffee Pie ko. Hindi maganda ang pagka-slice ko dahil sa sobrang atat lang naman na makalamon na. Ni hindi ko nakunan ang buong tsura ng gawa kong Banoffe Pie 

Heniweys, para sa ingredients ng dessert na ‘to, siempre hindi mawawala ang crust. Kahit anong biscuit ay pwede mong gamitin para sa crust. Ang importante naman kasi dito ay ang feeling filling.

Ingredients:

  • 1 ready-made Graham cracker pie crust
  • 3 or more ripe bananas
  • 1 can sweetened condensed milk
  • 300 ml. cream
  • dark chocolate (shaved  for topping )

Wala akong mahagilap na ready-made Graham pie crust kaya inilabas ko ang ever-reliable mini –food processor kong kasing-edad lang naman ni Keziah.

graham crackersgrahamgraham melted buttertin moulders 

How to make Banoffee Pie:
For the dulce de leche: You can use 1 can of sweetened condensed milk

How to make dulce de leche:
Place the can of condensed milk in a large pan and cover it completely with water. Bring the water to boil and reduce the heat to a simmer. Cook the can , turning every so often, and adding more water to cover when needed, for about 2 hours. After 2 hours, turn off the heat, let the can of condensed milk cool in the water. When the can is cool enough to touch, remove it from the pan.

Pour dulce de leche into your pie crust and let it cool.

Cut bananas into thin pieces and lay them on top of the filling.

caramelbanana caramel

Whip the cream and spread it over the bananas.
Dust cocoa powder and put some shaved dark chocolate on top.
Then place the pie back to the refrigerator until cold.

Banoffee Pie 

Haays…wish ko lang talaga eh may mas naging maayos akong kuha ng Banoffee Pie ko.

Dahil laban ni Pacquiao vs. Mosley last Sunday (na wala naman ka-kwenta kwenta), ay gumawa na rin ako neto…

Homemade Tuna Spread in Fita Crackers. 

DSC03143_2

Pang-aliw na pagkain para mga bagets kong pamangkin habang nanonood sa pinaka-waley at pinaka-pangit na laban yata ni Pacman na napanood ko.

DSC03141 DSC03142_2 

Kasama sa potluck ko ang Penne Pasta in Red Tomato Sauce.

penne pasta

H A P P Y  W E E K E N D  everyone!

 

oOo

"Palibhasa kasi kayo tingin niyo sa LOVE parang Facebook status, napakadaling palitan" – Sarah Geronimo, Catch Me… I’m In Love (2011)

 

.

Aylabit

Lab lab lab ko ang bagong throw pillow covers ko sa living area namin. Na-shoplift ko ‘to last week sa isang korean store sa halagang 30 petot bawat isa.

O di vah, halata ba na walang kahilig-hilig sa matitingkad na kulay si Mamaru?

DSC03179_2

“Cute” daw sabi ni Keziah na pinakiusapan kong maglagay ng mga cover.

Pero kay Kevin, aprub ba ang mga nabili ko? Nagtanong pa ang mokong bakit daw ako pumili ng mga ganitong kulay. “Bakit?” tanong ko. Sagot ng kritiko ko, “Eh kasi parang Jolinang-jolina ang dating eh.” Haha! Namintas pa ang Kevintot. Hmp!

 DSC03176_2

Bucket bah! Eh gusto ko lang naman magkaroon ng bale accent (accent daw o!) ang living area namin. Para madagdagan ang sigla bagah.

DSC03178_2

Maganda naman di ba? Haha!

 

 

oOo

“Nakakapagod magtaray. Dapat pumapatay na lang eh” – Eugene Domingo, Ang Tanging Ina Mo… Last Na ‘To (2010)

.

Sayang Pero Tama Lang

vic and pia Ala ey! Engaged na pala si Pia Guanio sa non-showbiz bf nya. Nabasa ko lang naman ‘to kanina.

Tsk! Sayang yung matagal na relasyon nila ni Vic Sotto ha! Boto pa naman ako Pia dahil tingin ko ay labs na labs ni Pia si Vic at mukang aalagaan nya talaga si Bossing. Pero tingin ko lang naman yan ha! Di ako sure sa sinasabi ko kasi hindi naman nila ako kasa-kasama sa relasyon nila at hindi rin nila ako ini-inform lagi. Lol!

Pero tama lang yun! Na kumalas na ang babae at tuluyang nag move on na. Bakit nga ba naman sya maghihintay at magtitiyaga kay Vic Sotto kung hindi rin naman sya mapanindigan. Mahirap magkaroon ng relasyon na walang patutunguhan. Sayang ang araw eh ang iksi-iksi na ng buhay ngayon. Ano naman gusto ni Vic Sotto, bf-gf lang sila habambuhay? Ganun?

Howel, malamang sa totoo, hindi lang talaga sapat ang lab ni lalaki kay babae. Ganun lang naman yun. Pag mahal mo ng totoo ang tao at gusto mo makasama habambuhay – all you have to do is DECIDE at manindigan. Wala ng pero-pero pa.

Via: http://ph.omg.yahoo.com/blogs/omgphnewsblog/pia-guanio-engaged-businessman-boyfriend-020737510.html

 

 

oOo

"For once… for once lang… ipaglaban mo ako" – Sharon Cuneta, Walang Kapalit (2003)

 

.