Aylabit

Lab lab lab ko ang bagong throw pillow covers ko sa living area namin. Na-shoplift ko ‘to last week sa isang korean store sa halagang 30 petot bawat isa.

O di vah, halata ba na walang kahilig-hilig sa matitingkad na kulay si Mamaru?

DSC03179_2

“Cute” daw sabi ni Keziah na pinakiusapan kong maglagay ng mga cover.

Pero kay Kevin, aprub ba ang mga nabili ko? Nagtanong pa ang mokong bakit daw ako pumili ng mga ganitong kulay. “Bakit?” tanong ko. Sagot ng kritiko ko, “Eh kasi parang Jolinang-jolina ang dating eh.” Haha! Namintas pa ang Kevintot. Hmp!

 DSC03176_2

Bucket bah! Eh gusto ko lang naman magkaroon ng bale accent (accent daw o!) ang living area namin. Para madagdagan ang sigla bagah.

DSC03178_2

Maganda naman di ba? Haha!

 

 

oOo

“Nakakapagod magtaray. Dapat pumapatay na lang eh” – Eugene Domingo, Ang Tanging Ina Mo… Last Na ‘To (2010)

.

3 thoughts on “Aylabit

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *