Banoffee Pie At Iba Pa

Makasaysayan sa akin ang Banoffee Pie lalo na noong nag-uumpisa pa lang ang landian (read: relasyon) namin ni Kups. Aylabit kasi ang sarap, hanggang sa naging isa sa mga peborit dessert ko na nga to hanggang ngayon.

Ilang beses ko na plinano noon na gagawa ako ng Banoffee Pie dito sa bahay at salamat naman dahil noong Mothers Day ay natiyempuhan ko na rin ang gumawa. Noong Sunday, nag-potluck kami ng sister ko at mga pamangkin dito sa bahay, and I served this.

Slice of Banoffee Pie

Pasensya na kung hindi photogenic at hindi kagandahan ang pose ng Banoffee Pie ko. Hindi maganda ang pagka-slice ko dahil sa sobrang atat lang naman na makalamon na. Ni hindi ko nakunan ang buong tsura ng gawa kong Banoffe Pie 

Heniweys, para sa ingredients ng dessert na to, siempre hindi mawawala ang crust. Kahit anong biscuit ay pwede mong gamitin para sa crust. Ang importante naman kasi dito ay ang feeling filling.

Ingredients:

  • 1 ready-made Graham cracker pie crust
  • 3 or more ripe bananas
  • 1 can sweetened condensed milk
  • 300 ml. cream
  • dark chocolate (shaved  for topping )

Wala akong mahagilap na ready-made Graham pie crust kaya inilabas ko ang ever-reliable mini food processor kong kasing-edad lang naman ni Keziah.

graham crackersgrahamgraham melted buttertin moulders 

How to make Banoffee Pie:
For the dulce de leche: You can use 1 can of sweetened condensed milk

How to make dulce de leche:
Place the can of condensed milk in a large pan and cover it completely with water. Bring the water to boil and reduce the heat to a simmer. Cook the can , turning every so often, and adding more water to cover when needed, for about 2 hours. After 2 hours, turn off the heat, let the can of condensed milk cool in the water. When the can is cool enough to touch, remove it from the pan.

Pour dulce de leche into your pie crust and let it cool.

Cut bananas into thin pieces and lay them on top of the filling.

caramelbanana caramel

Whip the cream and spread it over the bananas.
Dust cocoa powder and put some shaved dark chocolate on top.
Then place the pie back to the refrigerator until cold.

Banoffee Pie 

Haayswish ko lang talaga eh may mas naging maayos akong kuha ng Banoffee Pie ko.

Dahil laban ni Pacquiao vs. Mosley last Sunday (na wala naman ka-kwenta kwenta), ay gumawa na rin ako neto

Homemade Tuna Spread in Fita Crackers. 

DSC03143_2

Pang-aliw na pagkain para mga bagets kong pamangkin habang nanonood sa pinaka-waley at pinaka-pangit na laban yata ni Pacman na napanood ko.

DSC03141 DSC03142_2 

Kasama sa potluck ko ang Penne Pasta in Red Tomato Sauce.

penne pasta

H A P P Y  W E E K E N D  everyone!

 

oOo

"Palibhasa kasi kayo tingin niyo sa LOVE parang Facebook status, napakadaling palitan" – Sarah Geronimo, Catch Me… I’m In Love (2011)

 

.

2 thoughts on “Banoffee Pie At Iba Pa

  1. mamaru,lam mo bang hiniram at na inspire ako nitong banoffee pie mo. ang ginamit ko nga lang sa halip na banana e peaches. alam ko kasi na magtatagal bago ko maibigay sa aking mahal yung paghihirapan ko kung sakali..so naisip ko na baka lumabsa ng todo pag banana.but the rest is the same ang ginawa ko..

    so ganto yung eksena…he met me that morning, saktong 3months na kami..sa metro station dito sa dubai..thats the only time na pwede kaming magkita kasi night shift sha..so lumabas ako ng office dala ko yung “peach-a-pie” version ko..nakakatuwa lang na after long hours of working at inagaw pa nya yung time para makapagpahinga para lang magkita kami, it was all worth it..kasi sarap na sarap sha sa ginawa ko..naubos nya that very moment lahat yung pie, na halos kasing laki ng isang pyrex tray…

    in my mind i was saying…mahal ko tlg si mamaru…empre bukod sa mahal na mahal ko yung mahal ko…hihihihi…

    next kong gagawin yung shezwan at mango float mo..and i’ll take pictures next time..

    ingat….!!!

    • @sol, talaga? Huhuhu! Nainggit naman ako sa inyo. 🙁 Mukang tinalo nyo pa ata ang ka-sweetan ng “peach-a-pie” a! Mahilig pala sa sweets si mahal mo. Buti hindi nag-melt yung cream nung nagkita kayo? Yeah, try mo next time yung mango/peach float. Garantisado yan.

      Keep loving, Sol!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.